chapter 27: The Day part 2

11 2 2
                                    

Matapos kong sabihin Kay Rica yun ay agad akong humakbang patalikod sa kanya, naglakad na ako pabalik kay nathan nang hindi sya nililingon.

Mahirap umasa Masakit masaktan, hindi naman sya MRT para ipagsiksikan ko ang sarili ko sakanya, gayung okupado na ang spaces nang puso nya.

"What's with the face?" Bungad sakin ni Nathan nang makabalik ako

Binaliwala ko ang sinabi nya, at nginitian sya "nakita ko si rica" masiglang kwento ko, agad naman nangunot ang noon nya, nilingon nya ang mini stage tanging pianist lang ang tumutugtog nang medley song, at piano lang ang instrumentong meron doon hindi kagaya sa restaurant na pinuntahan namin noon, kung saan ko narinig ang pagkanta ni Rica noon. Naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala nya Kay Rica dahil mismong ako ay ganun din kung mag-alala para sa kanya dahil batid ko ang pinagdadaanan nya, ngunit hindi ko maiwasang makaramdam nang kirot tuwing nasasaksihan mismo nang aking mga mata ang pag-aalala sa kanyang muka, bakit ang sakit? gustong-gusto kong itanong sakanya kung kaya rin ba nyang mag-alala nang ganyan sakin, pero Anu bang karapatan kong pagbawalan at kwestyunin sya.

Napa tingala ako langit nang maramdaman ko ang pangingilid nang aking luha ngunit huli na para pigilan ito, dahil may butil nang tumulo sa kaliwang pisngi ko.

"Shit! Hey, what's wrong" narinig ako tinig ni Nathan, pupunasan ko na sana ang luha ngunit nagulat ako nang may mga kamay na nag punas nun, agad akong napalingon sa gawi nang kamay at hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, naramdaman ko at ramdam na ramdam ko ang pag lapat nang labi ko sa labi ni nathan, hindi ko inaasahan nang ganun pala sya kalapit sa akin, kaya nung lumingon ako eksaktong nagtama ang aming mga labi, hindi ako maka galaw, nagulat na lang ako na sya na ang kusang humiwalay, ok this is awkward.

"Grabe ka masyado mo namang inenjoy yung lips ko" sabi nya sabay kindat

Ang kapal nang muka

"Ang lamig, may aircon ata dito" sarcastic kong sagot

"I'd rather be a comforter to make you feel warm, than be a aircon who can make you feel cold"

"Ayos sa pick-up line ah"

"That's not a pick-up line hindi ko naman pinulot yun, nang galing yun dito" sabi nya sabay turo sa kanyang puso

"Nathan" tawag ko sa kanya sabay titig sa kanyang mga mata

"Hmm?"

"Sasaluhin mo ba talaga ko kapag nahulog ako sayo?"

"Hindi lang basta sasaluhin, yayakapin pa"

"Talaga?"

"I love you"

"Ha?"

"Do you want to be my girlfriend for real?"

Kapag nagmamahal puso ang involve, kapag nabigo puso rin ang nasasaktan.

Ang sugat sa katawan kapag nagamot madaling gumaling ngunit kapag puso ang nasugatan hindi yan basta-basta maghihilom

Ika nga pag nadapa ka tuhod lang sumasakit at yung ibang parteng nasugatan, pero kapag puso ang nasaktan ramdam yan nang buong katawan, ngayon handa ba akong ipagkatiwala sakanya ang puso?

"Seryoso ba yan o joke?" sa ngayon kailangan ko munang makasigurado na hindi biro ang sinabi nya, baka mamaya mag muka lang akong kahiya-hiya

"Kapag puso na ang nakataya wala nang lugar ang biro sa isip ko" sagot nya sa akin habang nananatili pa ring nakatitig sa akin ang seryoso nyang mga mata

"Good! Mahirap na baka naglolokohan lang pala tayo rito"

"Im fallen for you"

"Nathan, can you be my boyfriend for real?" Pagbabalik tanong ko, hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang abot tengang ngiti nya

house of memoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon