who's that girl?

25 4 0
                                    

hindi ko alam kung ilang segundo na kaming nagkatitigan ni nathan, dahil nung nahalikan ko sya sa pisngi bigla syang napaharap sa akin, hindi ko alam kung paano ba ang tamang reaction na dapat kong gawin, alam ko na pati si nathan ay nagulat dahil hindi sya makagalaw at para syang
na stiff-necked, ang awkward nang position namin dahil hanggang ngayon salo-salo nya pa rin ako at naka bend and bow ang position namin, aware ako sa position namin pero hindi pa rin ako makagalaw, lalo na at magka titigan ang aming mga mata, napaka amo nang mata nya, at kagaya kung paano ko ito natitigan noon pareho pa rin ang ekspresyon nito na maraming gustong sabihin, may bahid pa din nang lungkot ang mga masasaya at makikintab nyang mga mata, yung pakiramdam sa dibdib ko na gusto ko makinig sa kwento nya na palagay ko ang haba, yung gusto ko madama lahat nang emotion nya sa bawat bagay na gusto nyang sabihin at ikwento

*ding dong*

Agad kaming napa ayos nang tayo at napabalik sa realidad nang may nag doorbell, sino kaya ang istorbo?, ay Mali salamat pala sakanya kasi na alis kami sa awkward position namin

"Haist, sabi ko sayo diba? Iiiiiiiiingat" hinabaan pa talaga ang pagsabi nang letter 'i' pagka tapos nya sabihin yun ay tumakbo na sya palabas

Hindi ba nya alam na nag-iingat ako?, nag-iingat naman ako ah, iniingat ko na wag ako mahulog sakanya, kasi alam ko kapag nahulog ako, Hindi nya ko kayang saluhin

Pero sa kabilang nun hilihiling ko pa rin na sana kaya nya akong saluhin, kagaya kung paano nya ako sinalo ngayon, kagaya Kung paano nya nahakbang ang pagitan namin upang pigilan akong bumagsak at masaktan.

Kasi alam ko na yung mararamdaman ko kapag nahulog ako sa sahig ay katulad nang mararamdaman ko kung mahuhulog ako sakanya 'MASAKIT'

________________

Makalipas ang ilang minuto bumalik si Nathan, na Hindi maipinta ang muka

"Anyari?" Tanong ko

"Meralco bill" sagot nya habang pinapakita sa akin ang kanan na kamay nya na may hawak na bill

-_- kainis na meralco panira nang moment, este nang away namin

"Eh bat nakasimangot ka?, Hindi naman disconnection yan" Tanong ko

"Psh, kasi naman jsxhcjgixjcjNs" sabi nya

"Ano?" Medyo napalakas yung boses ko, wala naman ako naintindihan sa pinagmamaktol nya

"Ha?" Para syang biglang natauhan, at Nagulat sa sigaw ko

"Kasi naman lang naintindihan ko sa sinabi mo" paghihimotok ko sakanya

"Ah, kasi naman yung meralco nag taas nang rate, ayun yun" sabi nya na parang biglang may naalala

"Ah, ok"

"Linisin mo yang kinalat mo, akyat lang ako" sabi nya at agad na umakyat sa taas

Agad ko naman sinimulan ang pag tiklop sa mga gamit na pinag bababato ko kanina, anu kayang problema nun?

Nang matapos ako mag linis umupo ako at binuksan ang t.v.

Sakto isang teleserye ang palabas, seryoso kong pinanuod ang serye, makalipas ang ilang minuto naramdaman ko ang pag tabi ni nathan sa akin

"Ang lalim nang iniisip mo ah" pahayag nya

"Ah, wala naman masyado ko lang ata dinamdam itong pinapanood ko, natutuwa lang ako" sagot ko nang may bahagyang ngiti

"Bakit?"

"Kasi nakakatuwa yung mga bisexual no?"

"Bakit nga?" Bored nyang Tanong

house of memoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon