Grabe sobrang pasalamat ko talaga kay God na dumating si Nathan sa buhay ko, sobrang saya ko talaga
Ayun kahapon din lumipat na agad kami, tinulungan nya kami, aba ang loko ready na may tinawagan lang sya may lipat bahay track na agad na dumating, sila na rin nag buhat
Ang sarap nyang titigan habang nakain, ganadong ganado
Umupo ako sa upuan sa harap nya, para mas matitigan ko sya, at este para matanung ko sya
"Nathan, anu nga yung sinabi mo?"
"Walang ulitan sa bingi" agad nyang sagot
Baliw to ah
"May nginunguya ka kaya, habang nagsasalita ka" grabe sya di man lang nya naisip lingunin ako, diretso pa rin sya sa pagkain nya
"No worries, anything for ano?" Muli kong tanong
Nakita ko na uminom sya nang tubig, at nilunok ang nginunguya nya, may balak na ata sagutin ako, mabuti naman
"Good morning danica, Tara kain na tayo" sabi nya
WHAT THE, buong akala ko sasagutin na nya ko
"Huy, ate ang aga aga naman, nakatulala ka dyan" Hindi ko namalayan na naka upo na pala si danica sa tabi ko
"Well, what to expect danica, isang gwapong angel ba naman ang nasa harapan mo eh, matutulala talaga ang ate mo"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni nathan
"Napaka yabang mo talaga" medyo napasigaw ako sa pag sabi, nakakainis kasi, ang aga-aga naman kasi nang iinis na, agad akong tumayo sa kinauupuan ko at pumunta sa kitchen, grabe ang ganda nang bahay
Sa amin sa kitchen andun na yung dining area nasa tapat nang lababo, pero dito may divider pa ang kitchen at dining area, maski ang sala at dining area may divider din, kaso wala naman mga pintuan as in may malapad na pader lang, tapos sa dulo may naka half, oblong na labasan which is parang pintuan, pero wala ring naka kabit na kurtina, gets nyo? Hindi? Bahala kayo hahaha
Royal blue at white ang color nang buong bahay,
Pero yung room ni danica, color violet and white ang ganda nga, sakto favorite ni danica ang violet, yung room ko naman blue and white din ang ding ding, pero yung ceiling color lavander, mahahalata mo na babae pa rin ang may-ari nang room, yung taas naman kapag nasa sala ka at tumingala ka sa side, tanaw mo ang rooms nang mga kwarto, ganun din pag nasa taas ka tanaw mo ang sala, open lang kasi yung hagdanNapatigil ako sa pag momoystra nang bahay nang biglang may nag bukas nang sink sa harap ko, nakalimutan ko Nasa harap pala ako nang lababo
"Nakatulala ka dyan?, *smirk* still thinking of me?"
Si nathan talaga masyadong feeling"Kapal nang muka mo kwago, iniisip ko lang na matapos na ang one year para dito na kami titra ni danica"
"Actually, 1 and a half months pa lang tayo, so 10 and a half months pa akong mag titiis sayo"
Aba! At talaga" hoy, ang kapal nang muka mo, ako pa talaga pagtitiisan mo ha?" Nakakagigil talaga ito
"Hey, naka leave ka diba?" Ha?, anu daw?
"Ako?, naka leave?" Gulat kong tanong, grabe talaga maka change topic si nathan
"Oo, naka leave ka for 3 days" sagot nya
Napaka casual nya talaga makipag usap
"Alam mo bang Hindi ako nag leleave?" Tanong ko
"Oo, kaya nga ang bilis pumayag nang management nung pinaalam kita"