chapter 15

27 6 0
                                    

madalas baliw talaga si nathan, pero kahit papano nagagawa nya kong pangitiin lalo na pag bigla-bigla na lang syang nabanat, minsan pa nga pakiramdam ko matagal ko na syang kilala, 1 month na din ang nakalipas simula nung mag panggap akong girlfriend nya
madalas sa loob nang hotel nila ang sweet nya pero pag kami na lang dalawa ayun nag susungit parang may monthly period, tinalo pa ko sa lakas nang topak

**********

"hi! ate" bati ni danica pag pasok nya nang bahay namin linggo kasi ngayon day-off ko

"hello, bakit?" tanung ko

"may naghahanap sayo sa labas, nathan daw boyfriend mo daw, may saltik ata yun eh, kelan ka pa nagka boyfriend?"

oo nga pala 1 month na pero kahit minsan hindi ko pa nabanggit kay danica ang tungkol kay nathan, pero hindi yun ang isyu ngayon kundi yung fact na anung ginagawa nya dito?

"labasin mo na nga ate ikaw mag pa-alis pinag titinginan na nang mga kapit-bahay natin pano ford focus ang kotse yayamanin, sino ba yun?, yung mga kapit-bahay natin parang ngayon lang nakakita nang kotche"

pagkasabi nun ni danica tumakbo na ko palabas

"nathan, anu bang ginagawa mo dito?"

"dinadalaw ka"

"anu ko patay?"

"ikaw nagsabi nyan hindi ako pssh"

"ewan ko sayo, bat ang init nang ulo mo? bakit ka ba nakasimangot?"

"ewan ko sayo"

"umayos ka nga kasi"

"sakay"

"ha?"

"bingi ka ba?, o sadyang tanga ka at hindi mo alam ang ibig kong sabihin?"

yan tignan nyo sya, pupunta sya dito tapos aawayin ako, pms na naman, sumakay na ko tutal pinagtitinginan naman na kami nang mga tao

"oh, anu na?"

"i'll pick you up 7pm later"

"bakit pick-up girl ba ko?"

"if you say so"

"sira-ulo ka talaga no?, kapal nang muka mo"

nakaka pang-gigil talaga tong lalaki na to

"para ka kasing tanga, tatanung tanong pa magagalit din naman sa sagot"

"yun lang ba sasabihin mo?"

"oo"

"edi sana tumawag ka na lang or nag txt"

alam nya kasi number ko, ewan ko dyan paano nya nakuha samantalang hindi naman nya kinuha,
nagulat na lang ako one day may unregister number na lang ang tumatawag sakin kinabahan pa ko nun kala ko kung sino, kala ko pa nga sa school ni danica eh, sya lang pala.

"pssh, sa tingin mo pupunta ba ko dito kung natatawagan kita?"

agad ko namang tinignan ang cellphone ko sa bulsa ko, at sad to say
hindi nya nga ako matatawagan, dahil lowbat ako.

"sorry" pag hingi ko nang tawad

"stupid"

"kanina ka pa ah, kundi tanga, stupid naman tinatawag mo sakin"

"because you are"

"ang kapal talaga nang muka mo, bakit ganun ka ba ka talino ha?"

kanina pa ko nagpipigil nang inis ko sakanya, sobra na sya ah
"sabihin mo nga hinithit mo nanaman yung baygon nyo no nathan?" nakaka gigil na kasi sumo sobra na.

house of memoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon