Chapter 30

7 1 0
                                    

Dahan dahan ko iminulat ang aking mata ng maradaman ang kamay na humahagod sa aking ulo.
"Nathan" wika ko ng makita si Nathan na naka-upo sa kanyang hospital bed. Nakatulog pala ako sa gilid ng kanyang kama. Agad akong tumayo hinawakan ang ulo, noo at pisngi nya.
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Gusto mo tumawag ako ng doctor?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"I'm fine" tanging sagot nya na may ngiti sa labi "Thank you for being here" dugtong nya. Masaya ko na ok sya, pero alam ko kasama ko sa dahilan ng stress nya. Tumayo ako nag iwas ng tingin sa kanya at nag paalam

"Tawag lang ako ng doctor" tapos ay agad ako nag tungo sa labas ng room at nag punta sa nurse station upang ipa alam na may malay na si nathan, agad naman sila nag tungo sa room tyaka ako tumakbo papunta sa restroom, sa pag kakataon na ito hindi ko napigilan ang pag tulo ng luha sa aking mga mata. Maaga kami naulila pero hindi kami pinalaki na mahina ni mama at papa kaya agad agad ko pinunasan ang luha sa mga mata ko, hindi to tama matapang ako haharapin ko ito.

*****

"Hahaha! Sabi naman sayo maganda ang girlfriend ko, mabait pa" wika ni nathan

"Sus, binubola mo lang eh" sagot ni rica, tapos ay napuno ng tawanan ang sala ng blue house. Dalawang araw na ang nakalipas mula ng ma ospital si Nathan at ngayon ay naka labas na sya. Nag handa ng simpleng salo salo si tito. Naikwento ko na pala ang nangyari sa bahay ng mama ni nathan, galit ang rumehistro sa muka nya ng mapag alaman nya ito. 'hindi pa rin sya nagbabago' mukang mula noon ay matapobre na ito, noong una ay napag ka sunduan namin na wag ipalam kay nathan ang nangyari ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana dahil narinig pala ni nathan ang aming pag-uusap kaya minabuti ko na ipa alam na lang sa kanya, ngunit ang galit sa dibdib nya ay nadagdagan pa, hindi ko sinasadya na mas tumagal pa ang away nilang mag-ina gayoong matagal silang hindi nagkita. na pa check nga pala ni tito ang passport ng mama ni nathan at totoong nag stay ito sa Canada sa loob ng limang taon. hindi pa rin malinaw sa amin kung bakit sila magkamuka gayoong hindi sila mag kamag anak iba ang middle name ni mama sa middle name ng mama ni Nathan, pakiramdam ko hindi ito nagkataon, ngunit nasisiguro ko na kung kambal sila malamang sinabi na ito ng mama ni Nathan. Pinagpasyahan namin na wag na muna itong intindihin.

"Tahimik ka" bulong ni nathan sa aking tenga na syang ikinagulat ko

"Ha?" yun lang ang naisagot ko bago bumalik sa ulirat nakatulala na pala ako sa kanila buti ay hindi napansin ni nathan.

"Ang sabi ko tahimik ka, malalim ang iniisip." sagot nya kasabay ang malalim na buntong hininga bago sundan ang kasunod na sasabihin "si mama na naman ba?" tanong nya, agad ko naman iniling ang ulo bilang pag tangi, hindi makakabuti sa kanya ang mag-isip, gayong hanggang ngayon ay wala pang balita sa taong nag tangka sa buhay nya sa hospital.

"Sabi ko naman wag mo na sya isipin" malungkot nyang dugtong

"Anu ka ba hindi ah, iniisip ko lang na ang saya natin, bago to" pagtanggi ko

"Ganun ba? maganda yan namiss ko to" sa pagkakataon na ito ang muling nanumbalik ang ngiti sa kanyang mga labi "I want to tell you something"

"hmm? anu yun?" tanong ko

"Later"

"ngayon na" nagpatuloy ako sa pangungulit upang sabihin nya sakin ang gusto niyang ipaalam ngunit puro mamaya, later o kung anu ang sinasagot nya, hanggang umubo sa tito na nasa harapan namin na syang umagaw sa atensyon namin.

"Nathan and Vina, I would like to introduce Rafa" sabi ni tito sabay turo sa lalaki sa kanyang likuran, ito ay naka puting T-shirt at slack pants nakasuot din ito ng itim na sapatos. nilingon ko si Nathan nangunot ang kanyang noo "he will be your driver and guard here" bago pa magtanong si Nathan ay nasabi na tito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

house of memoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon