Hindi ko namalayan na natapos na pala ang mass, masyado kasi akong naging occupied sa pangyayaring naganap kanina
"Let's eat first" sabi nang daddy ni nathan
"Sure dad" agad na sagot ni nathanHindi ko alam kung paano kami nakalabas nang simbahan, dahil naka yuko lang ako the whole time, lord sorry po, alam ko na nag kasala talaga ako, huhuhu :'(
"Ate bakit kanina ka pa tahimik?" Usisa ni danica sa akin
"Wala naman" agad ko rin namang sagot
Sumakay na kami sa kotche ni nathan, at sumakay naman ang daddy nya sa sarili nito na kotche, kasama ang driver nya
*******
Mabilis kaming nakarating sa lugar kung saan kami kakain, isa itong restaurant, ngunit kapag pasok mo sa entrance ay mamamangha ka, isa pala syang open air, at kakain ka sa isang napaka gandang Hardin, na may iba't - ibang makukulay na ilaw na ultimo ay pasko, may magaganda ding klase nang mga bulaklak ang nandoon, at sa bawat round table set ay may mga upuan, upuan na bakal na napapalibutan nang bulaklak ang sandalan, napaka relaxing sa pakiramdam
"Shall we?" Aya ni nathan sa akin, I just nod
Naunang naglakad ang ama ni nathan papunta sa table, inaya naman nya si danica na agad naman sumunod sa kanya, pagka tapos ay naglakad kami ni nathan palapit sakanila, HOLDING HANDS .. Para kaming nag grand entrance dahil maski ang Nasa ibang mga table ay tumitingin sa amin
I saw nathan smirk
"Bagay daw tayo sabi nila" sabi nya
Agad akong napalingon sa kanya, ngunit wrong move dahil nakatingin pala sya sa akin, at halos dalawang inch lang ang pagitan nang aming mga muka, ngunit imbis na umiwas ay mas lalo pa akong napatitig sa kanyang magagandang mga mata, yung mga mata nya na punong puno nang ekspresyon, naghahalo ang saya at lungkot sa mga singkit nya na mga mata, at parang marami itong gustong sabihin
"Ehem, excuse me po" nabalik ako sa ulirat na madinig ko ang tinig nang aking naka babatang kapatid, ilang Segundo, ay Hindi, naka minuto na ata kaming nagtitigan ni nathan
"Baka, gusto nyo po na maupo" patuloy na sabi ni danica
"Ah, oo" sagot ni nathan at nauna na syang naglakad papunta sa table namin, kasama ang dad nya
"Grabe, gumawa talaga kayo nang eksena ate" nang sabihin iyon ni danica, agad akong napatingin sa paligid, ang iba ay sa direksyon ni nathan nakatingin samantala ang iba naman ay sa direksyon ko, napayuko ako at niyaya si danica papunta sa lugar nila nathan, iginayak naman ako nang aking kapatid palapit sa kinaroroonan ng mag-ama,
Agad na umupo si danica, at ako rin ay umupo na sa pagitan nila nathan at danica, eksaktong apat ang upuan, ilang Segundo ang katahimikan na namayani bago ito binasag ni Mr. Cruz"So, danica kumusta naman ang study?"
"Ayos naman po" sagot ni danica
"Anung subject ang mahirap?" Nakangiting tanong nang matanda
"Meron po ba?, hahaha" sagot ni danica na animo ay nag-iisip
Matalino si danica, at laging mataas ang marka nya, dahilan kaya mas nagsusumikap ako na mairaos sya sa kanyang pag-aaral
"Mukang matalino kang bata" muling turan ni Mr. Cruz
"Hindi naman po, may alam lang" segunda ni danica
"Hahaha, mukang Hindi ka nahihirapan sa study mo ha"
"Sabi po kasi sa akin ni ate, kapag sinabi kong mahirap, mahihirapan talaga ako, kaya po minamahal ko ang study, para mahalin din ako nito :) " sabi ni danica, na ikinabigla ko, natatandaan nya pa pala iyon
Iyon din kasi ang laging bilin sa akin nang aming ina, siguro kung nung mga panahon na iyon mas pinursige ko pa ang pag-aaral ay maaari kong masungkit ang valedictorian award, mas maganda siguro kung iyon ang naibahagi ko sa kanila, sa mga huling sandali nila sa mundo