chapter 25 part II

30 4 0
                                    

(A.N. = naputol yung last update, nasira tuloy moment, hahaha xD .. may konting inedit po ako dun .. Continue reading)

🎶Can we go back to the days
Our love was strong🎶

Sa paraan nang pagkaka kanta nya, mararamdaman mo yung sakit

🎶Can you tell me how the perfect
Love Goes Wrong🎶

Yung bawat lyrics na binibigkas nya may diin

🎶Can somebody tell me how to
Get things back
The way they used to be🎶

Para bang ipinaparating nya talaga ito Sa isang tao

🎶Oh GOD give me a reason
I'm down on Bended knee🎶

yun tipong gusto nya talaga mangyari sakanya ang bawat lyriko na kanyang binibigkas, pakiwari ko pa ay anu mang oras ay maiiyak na sya.

🎶I'll never walk again until you
Come back to me
I'm down on Bended knee🎶

muli ko syang nilingon, ngunit kagaya kanina nananatili Sa pagkaka yuko ang kanyang ulo, at focus Sa pag gigitara,
nilingon ko si nico, abala pa rin sya sa pagkain naisipan ko rin na ipagpatuloy na rin ang pagkain ko.

Naging abala man ako sa pagkain, nanatili rin naman na abala ang aking tenga Sa pakikinig sa pag kanta nang performer, maya-maya lang ay tapos na kaming kumain ni nico

🎶Oh God give me a reason
I'm down on bended knee🎶

napakinggan ko rin ang ang pagtatapos nang babae Sa kanyang kinakanta

🎶I'll never walk again until you
Come back to me
I'm down on Bended knee🎶

Narinig ko ang palakpakan nang mga customers, kaya agad din akong pumalakpak gaya nila, hindi naging boring ang lunch ko kahit hindi ako kinakausap ni Nico, masyadong kamangha mangha ang boses at emosyon na inilalabas nya, lilingon na sana ako sakanya nang mapansin ko na naka tayo na pala si Nico Sa gilid ko.

"Wala kang balak tumayo dyan?" Masungit nyang tanong

"Eto na boss, sorry na" sarcastic kong sabi, agad naman akong tumayo nang bigla kong maalala yung bill
"teka! hindi pa pala tayo bayad, magkano sakin?" tanung ko

"nabayaran ko na, babagal-bagal ka kasi" nakasimangot nyang sagot "yung totoo, sinadya mo siguro talagang magbagal para maka libre no?" naka ngisi nyang dagdag

"What the! ang kapal mo, teka sabihin mo magkano yung sakin babayaran ko sayo" naiinis kong sagot sa kahit kelan kapal muka na si nico

"Pssh! Wag na, treat ko to.. ako nang hila sayo dito diba?" nakangiti nyang sabi
nahawa naman ako Sa pagkaka ngiti nya, Napa ngiti din ako, marunong naman pala sya tumawa. Eto kasi ang unang beses kong nakita syang naka ngiti, masyadong nakaka silaw ang ngiti nya, napansin ko rin na may hawig pala si nathan sa kanya, pareho silang nakakasilaw ang ngiti.
'Si Nathan!' Bigla kong sabi sa aking isip dahilan para mawala ang ngiti sa aking labi, naalala ko sya, hanggang ngayon hindi pa kami nag kakausap nang maayos, masyado syang busy, hindi ko rin naman alam kung anu ang inaasikaso nya, nahihiya naman akong mag tanong O mag usisa kasi anu nga naman bang karapatan ko?.

"Oh! Malusaw ako nang kakatitig mo ah" bigla akong bumalik Sa ulirat nang marinig ko ang kayabangan iyon ni nico, hindi pala sila pareho hindi kaya mayabang si nathan pssh.

tinalikuran ko si nico at sinimulan ko ang paglalakad, nakaka tatlong hakbang palang ako nang nahinto ako dahil narinig kong nagsalita ang performer Sa mic.

"Baka po may gustong kumanta sainyo?"

ilang segundo ang lumipas at narinig ko ang palakpakan nang mga kumakain, nilingon ko ang maliit na entablado, may isang ginang ang lumapit malamang gusto nyang kumanta, pero agad napako ang mata ko sa babaeng performer, na ngayon ay nakatayo na Sa gilid nang ginang at nakaharap Sa gawi ko habang ang paningin ay nasa ginang.
Sya? Bakit sya?

house of memoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon