chapter 25

29 4 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula nang nangyari ang pag tataas nang boses ni nathan sa akin at ilang araw na rin kaming hindi nag-iimikan, ewan ko ba, madalas ata na hindi tugma ang oras namin, minsan madaling araw na sya uuwi at ako naman maaga aalis para pumasok, sya naman tanghalian na gumigising.

"Ate" tawag sa akin ni danica, kasalukuyan nag a-almusal kami

"Bakit?" Tanong ko nang hindi sya nililingon

"Nag-away ba kayo ni kuya nathan?"

"Hindi" sagot ko nang hindi pa rin sya nililingon at tinutuloy ang pagkain

"Ah! I see, dahil ba dun sa babae sa tapat?"

This time nilingon ko na sya, bihira ka lang talaga makapag sinungaling kay danica, masyado syang magaling sa psychology

Tinitigan ko sya at sinagot "Hindi" tinitigan ko sya para alam nya na hindi ako nagsisinungaling, dahil hindi naman talaga

"Ah,so nagtalo lang kayo?" tanung nya ulit

"Hindi" hindi naman talaga kami nagtalo

"OK ate, suko na ko puro hindi lang sinasagot mo, late na ko, bye!"

"Ingat ka"

"Yeah" at nag madali na sya, siguro may quiz o exam yun, kaya hindi na ako kinulit ayaw kasi nun na nalelate, na frufrustrate daw sya pag di sya naka perfect or pag lumagpas sa Lima ang mali nya, mana talaga sya kay Papa.

★★★★★★★

"Hoy! Bhest, seryoso natin ah" -sheena
kasalukuyan kami na nasa trabaho ngayon
Ipinag patuloy ko ang pag liligpit nang table nang isang guest na kaka-alis lang, hindi ko sinagot ang pang-aasar nya

"Bhest naman" muli nyang tawag sa akin

Tinapos ko ang pag punas sa lamesa, bago ko sya hinarap
"Sheena, ang dami pa ng guest na kuma kain so mamaya ka na mag ganyan, tapusin mo muna yang ginagawa mo"

"Pssh" usal into sabay irap at lakad bitbit ang tray na may laman na mga utensils na iniligpit din nya sa kabilang table

Agad rin naman ako na nag tungo sa kitchen at inalagay sa sink ang mga utensils na dala ko

"Vina" tawag sa akin nang head chef

"Po?" Sagot ko, at agad na lumapit dito

"Pwede ba kitang mautusan?"

"Yes po" sagot ko

"Naiwan kasi itong cellphone nang isa sa mga guest, paki dala naman sa lost and found" sabi nya habang inaabot sa akin ang small basket kung saan nakalagay ang cellphone na sinasabi nya

Agad ko rin naman na inabot ito, tinanguan ko sya at agad Na nag lakad tungo sa lost and found section,
Nag lakad ako nang nakatungo, ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay agad na may nakabungo sa akin

"Aist" rinig ko na sabi nito

"Sorry" pag hingi ko nang paumanhin ini angat ko ang ulo ko at agad na nagtama ang paningin namin nang naka bungo ko

"Ikaw na naman?" Sabay naming sambit, at opo sino pa ba ang lagi kong nakaka bangga?

"Hoy! Nico minsan naman tumingin ka sa dinaraan mo ha?"

"Alam mo, ang liit mo kasi hindi tuloy kita makita"

"Yabang" singhal ko

"Break time mo na?" malumanay na tanong nya, kaya medyo nagulat ako

"Hindi pa" tugon ko din gamit ang malumanay sa sagot

"Oh, eh bat pakalat-kalat ka huh?" biglang sigaw nya

house of memoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon