who's that girl 2

22 4 0
                                    

A.N. = hello salamat sa nagbabasa pa rin nang medyo boring kong story, hahaha.. Yung last update is longest update I made so far .. Salamat sa nag pupush nang story, try reading misery thank you.
God bless.
Enjoy reading ☺
★★★★★★★★★★★★★★★★★★

Pero sa pag baba ko nagulantang ako nang makita ko si Nathan, habang nakatayo sa gilid nang sofa, walang ngiti sa kanyang labi ngunit hindi rin naman sya naka simangot, oo aware ako na gwapo sya, nakita ko na rin syang naka formal nung party nya, pero bakit parang mas gwapo sya ngayon at mas gwumapo sya sa aking paningin, tila ba parang unang beses namin nagkita tapos na starstruck ako sakanya, at Hindi kagaya nung party nya, nakakaramdam ako nang kaba, hindi dahil sa 'hindi ko alam ang ganap' kundi dahil kumakabog nang malakas ang aking dibdib, natatakot rin marahil ako na madapa at mapahiya sa harap nya.

Salamat at nakababa ako nang hagdan nang hindi nadapa, nilapitan ko sya, ilang hakbang na lang ang distansya namin sa isa't - isa nang matapilok ako, medyo nawalan ako nang balance kaya natumba ako, buong akala ko babagsak ako sa sahig ngunit kagaya nang dati agad akong nasalo ni nathan, isang kamay lang and distansya namin sa isa't-isa, hawak nya ako sa kanang braso at kaliwang baywang, napa titig ako sa magaganda nyang mata, nag salubong ang aming mga tingin at naibubulalas ko ang tanong na 'kapag ba nahulog ako sayo sasaluhin mo rin ba ako?' Sa aking isipan, gusto kong manatili sa ganitong posisyon hanggang sa magkaroon ako nang lakas nang loob na masabi ang tanong sa aking isipan o mas marapat ba na kimkimin ko na lang ito sa aking saloobin?, nakapag desisyon ako na itanong sakanya ang bagay na gumugulo sa aking isipan
"Nathan" tawag ko sakanya
"Hmm?" sagot nya nang hindi man lang kumukurap o ibinubuka ang kanyang bibig
Sisimulan ko na sana ang pag sasalita kaso
*ding dong* isang door bell ang nagpatigil sa akin at nagpabalik sa aming ulirat, itinayo ako nang maayos ni nathan
"Ako na" sabi nya
"'hindi ako na" pigil ko sa kanya, agad naman akong naglakad upang makasiguro na hindi na sya makaka-angal pa

Anu ba yung pumasok sa utak ko?, balak ko ba talaga na sabihin yun?, mahal ko na ba sya?, pero masyadong maikli ang panahon na kasama ko sya, malamang nababaitan lang ako sa kanya, hay mapag buksan na nga yung istorbo lumapit ako sa gate at dahil hanggang dibdib ko lang naman yung gate kita ko na agad ang naka helmet at motor na lalaki

"Anu ho iyon?" Tanong ko dito sa istorbong lalaki
"Delivery po para kay Rica Alvarez nang #125 diamond St."
Ay Lechugas, nakaka badtrip ito ha
"Kuya unang-una #124 ito ayan oh nakalagay" sabi ko sabay turo dun sa number na nakalagay sa labas nang bahay "pangalawa kuya walang Rica Alvarez dito" sabi ko "at pangatlo kuya pwede ba bago kayo kumatok siguraduhin mo muna na tama ang address mo o kaya naman kung mag tatanong ka dun ka sa mga taong nasa labas mag tanong" lintanya ko sakanya
"Sorry ho, lumingon sya sa katapat na bahay at nakita ang #125 sign agad syang pumunta doon upang mag doorbell
Nakakainis yang mga deliverer na yan, nakaka istorbo sila Hindi ba nila alam yun?

Tapos minsan natutulog ka iistorbohin ka nang mga deliverer pero PAAASAHIN KA LANG NILA kasi Hindi naman para sayo yung package, mga PAASA.
Nakita ko na lumabas ang isang makinis, maganda at matangkad na babae sa katapat na bahay

"nung isang araw ko pa ito hinihintay ah" narinig ko na bulalas ni ate.

Hay naku! ganyan naman sila kung Hindi ka paaasahin pag hihintayin ka naman sa wala, mga deliverer na yan mangangako pa na in time daw at pagdating daw sa padala sila ang maasahan psh, pero madalas pag hihintayin ka lang nila sa wala, kailangan mo pang i-follow up kaya ka nga nag padala na lang para Hindi hassle sa oras pero eto naiistorbo ka pa rin kasi kailangan nang follow up, pssh.

Nang maka alis ang delivery boy nakita ko ang pag salampak sa sahig nang babae sa tapat na bahay, teka naka short pa naman sya baka magasgasan yung legs nya makinis pa naman, nag atras abate ako nang lakad teka anu bang gagawin ko? *kamot ulo* huminga sya nang malalim at pakiramdam ko any moment babagsak ang luha nya, whattodooooo?
Narinig ko ang pag bukas ni Nathan nang pinto at pag lakad palapit sa akin habang inaayos ang suot nya
"Divina, sino yun? Late na tayo tara na alis na tayo"

house of memoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon