Maaga akong nagising sa araw na ito, agad kong chineck si danica nang naka labas ako nang kwarto, mahimbing pa ang tulog nya,, nagluto ako nang almusal at naligo na, pagkatapos ko maligo ay naabutan ko na kumakain na si danica sa kusina, naka bihis na sya at handa nang pumasok, lunes nga pala, lumapit ako sakanya at binati sya
"Good morning :) " bati ko nang may ngiti sa labi
"Good morning ate :) ,kumain ka na?" Saad nya
"Ah, oo tapos na" sabi ko kahit Hindi pa naman talaga, wala akong gana
"Ate, huy ate"
Hindi ko namalayan na natapos na pala syang kumain"Ha?, Anu yun? May sinasabi ka?"
"Ay, si ate naman kanina pa ako nagsasalita"
"Sorry, anung sabi mo?" Tanong ko
"Sabi ko po, diba wala ka pang pasok?, pwede ka po bang pumunta sa school for the meeting" sabi ni danica
"Ah, sure" sabi ko sakto naman na naka bihis na ako, naligo na kasi ako kanina pag gising ko, para naman mahimasmasan ako
"Alis na po tayo?" Tanong nya
"Sige, halika na" iniligpit ko na ang pinag kainan nya, pagkatapos ay nag-iwan ako nang note para kay Nathan
Hindi ko alam kung tama ba na nag iwan ako nang note,
Kasi Hindi ko naman alam, kung may pakialam ba sya kung saan ako pupunta***
Mabilis natapos ang meeting sa school ni danica, mga 15 to 20 mins. Lang
"Ate, uuwi ka na?" Tanong ni danica nung makalabas kami nang classroom nila, agad ko syang hinarap para mag tanong
"Bakit?" Tanung ko sakanya
"Ah, wala naman ate baka kasi may dadaanan ka pa" sagot nya
"Ah, wala naman sa play ground lang siguro, akala ko naman may kailangan ka pa" nakangiting pahayag ko
"Ay, wala na po ate, sige ingat ka po, see you later :) love you"
"Love you too, ingat pag-uwi" then I give her a peck on her cheeks
***
*playground*Naisipan kong pumunta dito para makapag isip-isip, naalala ko nanaman ang mga naganap kagabi, para talaga akong sira, pero buti na lang effective yung dasal ko kagabi na sana pag gising ko, Hindi ko na gustong iumpog ang ulo ko sa pader, at true Hindi ko na sya gustong iumpog kanina, kasi ngayon gusto ko na syang alisin at palitan nang bago.
Nagpasya ako na umupo sa swing, at iduyan ang sarili ko, sana sa bawat pag duyan ko, natatangay din nito ang mga gumugulo sa isip ko?
anu nga ba ang gumugulo sa isip ko?
isa lang naman,