Wala masyadong nangyari kahapon maliban nalang sa inasar ako ni Matt hanggang matapos ang practice namin. Pati Mom and Dad niya inasar din ako sa kanya ganun din si Micapot. -__-“ Late in the afternoon na kaming nakauwi at pagdating ko sa bahay. Same routine, magluluto, kakain, maghuhugas ng pinggan at manonood ng tv at pag 10 na matutulog na kami.
Ngayon, nasa school ako, nakaupo, naghihintay na matapos yung lecture ni Miss Villacruz. Actually hindi ko siya maintindihan kasi kung ano ano na ang pinagkukwento niya samin tungkol sa mga painting. Meron pa siyang nalalaman na pasuklay suklay ng buhok at sasabit naman sa daliri niya..Nakakatawa.HAHAHA..hay nako....shshsh ^__^ Sorry Gawain ito ng mga estudyanteng hindi na interesadong makinig. At isa pa...Gutom na gutom na ako eh.
Ms. Villacruz : “Ok Class, you’re dismissed. Enjoy your weekend”
Class: “Yes!” “Thank You Miss!” “Bye Miss!”
Hayan pag tapos na ang klase lahat ng estudyante magsisitayuan na at magsisilayas na sa room wala ng paki sa mga hinahabol ni miss na announcement. Eh ako as usual huling lalabas ....
Pero sa ngayon tingin ko hindi, linapitan ako ni Matt at kinuha na yung dalawa kong notebook sa mesa.
Matt: “Sabay na tayo” (ngumiti siya at inakbayan niya ako)
Vanesssa: (kinagat ko yung kamay niya nakapatong sa balikat ko) “tss.. huwag mo nga akong akbayan”
Matt: “ ARAY NAMAN! Ba’t ka nangangagat?! “
Vanessa: “Pikon ka? HAHAH”
Matt: “Hindi noh! Ansakit eh, (inamoy niya yung kamay niya) ...tapos ang baho pa nung laway mo..YUCK!” (pinunas niya sa likod ko yung kamay niya)
Vanessa: “MAbaho ba?! Ang arte Mo! Diyan ka na nga!” (walkout din)
Teka nga muna, (huminto ako sa paglalakad) nasan na ba si Mica? Chineck ko yung phone ko at may 2messages. Baka siya to
1stmessage
From:Mica
Vanepot! Sorry nauna ako dito sa AC. Tinawagan ako ni Brenna eh.
2ndmessage
From: Mica
Sumunod ka na dito,Isama mo na si Matt. Dali!
Hay...Matt na naman? Babalik na sana ako ng bigla akong hinila ng isang pamilyar na lalaki.
Vanessa: “Matt?”
Matt: “ bilisan na natin tinawagan ako ni Brenna eh, rehearsals daw”
So ayun binilisan nalang namin. mabuti nalang at naka-flats ako,diba? Tss kung hindi siguro, nako...wasak kong iuuwi yung heels ko.
At dumating na nga kami sa tapat ng Room ng Apollo’s Club siyempre hindi lang naman namin yun titignan diba, pumasok rin kami at pagpasok namin kumpleto yung members ng club.. andun din yung dean namin pati yung ibang professors. Bigla ko tuloy naramdaman yung gutom na kanina ko pa nararamdaman kaso may halong paru-paro na ngayon.
Matt: “anlamig ng kamay mo ah, ayos ka lang?”
Oo nga pala, di parin niya binibitawan yung kamay ko simula nung pumunta kami rito. Susungitan ko sana si Matt kaso kaba yung nararamdaman ko eh wala ako sa mood na magtaray..kaya antanging sagot ko sa tanong niya eh
Vanessa: “ayos lang ako”
Matt: “ himala di ka ngtaray ah, may problema ka ba?”
Vanessa: “ kinakabahan ako”