1stmessage
From:Mica
Hoy! Vanepot! May susuotin ka na sa date niyo? Wag masyadong gara ha, baka isipin nun prepared ka
2ndmessage
From: Mica
Nga pala, wag din yung yung maikling damit ha, baka isipin niya Easy to Get ka
3rdmessage
From: Mica
Last na to’ wag kang magpants! Dapat medyo girly ng konti
Baliw din tong Mica na to eh? Ano na? Wag magara, wag maikli, wag pants, SAKO nalang? Tsss
-__-“ Eto ang ayaw ko sa lahat eh, ang maghanap ng damit for a date, I can’t assume, and i don’t want to expect na magustuhan niya ang ayos ko. Hayyy.. Hindi sana ako matutuloy kung hindi lang sana nangyari yung kahapon.
*Flashback*
Matt: “I want a Date”
Vanessa: o_____O? “Date?, Nakoo hindi pwede Matt.I’m so Sorry”
Hinila niya ako papasok sa bahay namin. At nakaupo lang si mama sa sofa at halatang gulat na gulat siya, eh sino namang hinid magugulat. Para namang ewan to si Matt eh
Matt: “Mrs Lee..Good Afternoon po”
Mrs Lee: “Oh!, good afternoon, may bisita pala tayo Vanessa.. Nako.. Upo ka muna”
Vanessa: -____-“
Matt: “ Mrs Lee, pasensya na po, pwede ko po bang sunduin bukas ng gabi si Vanessa? Magdidinner lang po kami sa labas”
Tinignan ako ng aking butihing ina, at ako naman umiiling lang,
Matt: “ Ihahatid ko naman po siya dito by 9pm”
At bumaba si papa galing sa kwarto nila. Narinig siguro ang panunuyo ni Matt. Nakoo. Tay tayo diyan!
Mrs Lee: “Honey, meron tayong bisita..”
At tumayo naman agad si Matt
Matt: “ good afternoon po, gusto ko po sanang...”
Mr Lee: “ Osige, basta iuwi mo siya eksaktong 9pm.maliwanag ba?”
O___o?? Pumayag?
*end of flashback*
So ayun na nga, kaya eto naghahalungkat ako sa cabinet baka sakaling may maisuot ako..maya maya pa eh kumatok si mama.
*tok*tok*tok
Vanessa: “MAaa... hindi ko alam kung ano ang isusuot ko”
(umupo ako sa kama sa sobrang stress sa kakaisip)
Mama: “eto oh, maganda naman to eh, hindi naman ito over”
Pinili niya yung kulay Navy blue na dress.fit sa itaas at flowy naman ito sa ibaba, above the knee ngalang, tapos tinuro niya yung pumps na kulay white.
Vanessa: “ ma naman, ayoko ng ganun white tapos navy blue?” (ang arte ko)
Mama: “ eto oh itali mo sa bewang mo...Maganda yan”
Inabot niya sakin yung puting lace na nakasabit sa may hanger ng cabinet ko. Kahit kelan bagets talaga tong inay ko ^__^
Vanessa: “ Oo nga noh! Tanga tanga ko talaga!” (ginaya ko yung parati naming naririnig sa radio. haha)