Kasalukuyan pong nag aayos ako ng dress ko ngayon para sa dance competition namin bukas. Medyo kinakabahan ako ng kaunti pero ayun, kakayanin ko to! Isa pa nandiyan naman si Eric eh, kahit pa magkamali ako, dadalhin niya nalang ako. Gaya nung Highschool kami, parati akong nagkakamali, parati niya naman ako dinadala...
Haaayy.. sana nga talaga okay lang si Eric after nung nangyari noong nakaraang araw...
*Flashback*
Agad-agad akong tumayo sa pagkakatumba namin ni Eric. Tumawa siya at humarap sakin...
“sinabi ko lang na i want to court you nawala ka agad sa focus” pinat niya ako sa likod at ngumiti
O_o? <-Vanessa
“Biro ko lang naman yun eh, tsaka alam ko naman na ayaw mo na sakin” <-Eric
Nabigla ako sa sinabi niya,
“Eric.....” <-Vanessa
“mukhang hindi ko narin mababago ang isip mo, halata naman eh..... may gusto ka na sa lalaking yun” <-Eric
“Eric, I’m sorry....” <-Vanessa
“Kalimutan mo nalang, isipin mo ng maigi yung practice natin, kay? Mag Focus!” <-Eric
“Eric, I’m sorry .....” <-Vanessa
“sorry ka ng sorry diyan, okay na... kasalanan ko rin naman eh, ako yung bumigay, eto ako rin ang nawalan....Alam ko naman na hindi to madali pero susubukan kong makalimot....wag kang mag alala, friends parin naman tayo eh, diba?” <-Eric
Ngumiti siya At niyakap niya ako, alam ko labag sa kalooban niya ang sinasabi niya, alam ko.... kasi nararamdaman ko sa pagpatak ng mga luha niya sa balikat ko....ramdam na ramdam ko ang pagluha niya.....alam ko mahal niya parin ako......mahal ko rin siya..... pero hindi na gaya ng dati... HINDI NA GAYA NUNG DATI..ayoko ng ganito, pakiramdam ko kasalanan ko...pakiramdam ko ang sama sama ko T_T
At Niyakap ko rin siya pabalik...dahil sa lahat ng mga sinabi niya sakin yun lang ang kaya kong isagot. YUN LANG.
“Kita nalang tayo sa compet ha?” pinunasan niya ang pisngi niya at patakbong umalis
*end of flashback*
Matapos nun hindi ako makatulog, hindi rin ako nakakausap ng maayos nila mama at papa dahil naistress ako sa kakaisip, dinagdagan pa ni matthew na panay kulit sakin tungkol sa gagawin ko daw yung lahat ng gusto niya. Para siyang ewan na hindi ko maintindihan...Ewan ko ba ..kaya sa lahat ng pangungulit niya sakin nitong nakaraang araw hindi ko siya muna pinansin dahil may iniisip ako, at meron akong inaalala.
Kesa magisip ako ng mga ganyan nagready na ako para sa event bukas...Maaga akong matutulog ngayon dahil ayaw kong malate. alam niyo naman yan, diba? ^_^
Dance Competition.
2hours before nung competition nasa school na ako, grabeee namamawis na naman ang kamay ko -____-' Sila mama at papa kasama kong pumunta. Kanina pa nila ako pinapaypayan sa sobrang tense din nila.
"Nak, vanessa, nagpractice ba kayo ng maigi?"
"Oo naman Ma!" <-Vanessa
Si mama naman eh, sasabak ba ako pag di kami ngpractice ng mabuti..lalo tuloy akong kinabahan. para akong naiihi na ewan neto..
At nagsidatingan na ang ibang estudyante. shemay.Ramdam ko ang pressure ng nakita ko ang dean, naalala ko tuloy ang sinabi niya sakin -__- Napatingin ako sa likod ng inuupuan ko, hanggang ngayon wala pa rin si eric. Sila Mica, at Matt naman eh nasa dulo. Hindi man lang ako nilapitan para sabihan ng goodluck -__-
"Vanessa"
"Oh! Eric! Ba't ngayon ka lang?"
"natraffic ako eh....tara sa backstage?"
"Uy eric, galingan niyo ah" ^__^
"oo naman po Tita ^_^ " <-Eric
Tama na yang closeness :)) Dumiretso na kami ni Eric sa backstage para magready, ngcountings ulit kami. Infairness ang pogi niya ngayon sa ayos niya, naka white siya na long sleeves and black pants. Ako naman naka balckdress yung fit sa katawan pero flowy sa may bandang legs para maemphasize mamaya yung ikot sa tango ^_^
"Eric, about last day...."
"Van, It's ok. kalimutan na natin yun. No matter what happens, I'm still here for you, You know that. Okay?" <-Eric
Napangiti ako sa sinabi niya, kahit papano nabawasan yung guilt ko, pakiramdam ko kasi kasalanan ko kung bakit di na namin maibabalik yung dati. Umayos ako ng tayo at sumenyas sa kanya na countings ulit.
"Oops, wait lang"
at lumingon ako at nakita ko si Matt, kasama si Mica
"maiwan ko muna kayo"
"Vanepooot!! galingan mo ah! ^__^" <-Mica
"Van, you look great" <-Matthew
Napangiti ako sa pinagsasabi nila, aaminin ko medyo nakakataba ng puso. napalapad yung labi ko ^_^ at dahi dun Hinug ko si Mica
"sige micapot ^_^ cheer mo'ko ah!"
"Oo naman! ako yung maririnig mo dun mamaya na sisigaw para sayo^_^" <-Mica
"Hoy! ako?! hug mo rin ako!"
nakoo matthew, hug lang eh, oo naman ikaw pa! ^__^ wala ako sa panahon para magtaray baka mamaya karmahin ako sa sayaw. delikado -__-
"sige na nga hahah" <-Vanessa
- -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ano kaya ang mangyayari sa competition? magawa kaya ni Vanessa ng maayos ang prinactice nila ni Eric? ^_^
chamita, this is for you
Vote.Comment.Fan ^_^