Chapter 22. 1WEEK

16 1 1
                                    

- Itext siya ng goodmorning at goodnight

-sabayan siyang umuwi

-every thursday sasamahan ko siya

-tatawagin ko siyang babe

pinakamasaklap

-wala akong karapatang umangal

         Iilan lang yan sa mga gustong mangyari ng amo ko. Sa loob ng isang linggo, Aaminin ko ah, medyo natutuwa ako kasi masusulit ko ang pagkakataong kasama siya. Di niya naman alam eh. Safe naman as long as di ako magsasalita. 

"Babe" <- Matt

"Hmm" <- Ako

"Anong Hmm?" "Natatae ka ba?" pangisi niyang tanong sakin

"tss..okay." " babe, ano yun?" sagot ko ng may pang asar na ngiti

"Yaaaaan very good"  "mag arcade tayo" pangiti niyang aya sakin

"May karapatan ba akong umangal?" pang aasar ko sa kanya 

"Actually...... WALA" 

Kumindat nalang siya sakin at ginulo ang buhok ko. "After ng rehearsals, alis tayo" dugtong niya.

            After kasi ng class namin ngayon may practice pa sila ni Brenna, kaya eto, may time ako to be with Mica, actually after ng mga nangyayari, minsan ko nalang nakakasama tong babaeng to, buti nalang kamo at di marunong magtampo sakin, natutuwa pa nga eh -_- mas natutuwa pa kesa sakin. HAHA

"You know what, simula palang talaga alam kong may papel yang matthew na yan sa buhay mo eh, simula nung......... pinastalk mo sakin" sabay kindat niya at tusok sa tagiliran ko. "HAHAH tingin mo, vanepot?" 

"What do you mean?" kunot noong tanong ko sa kanya, nakakaintindi naman ako pero mas gusto ko lang na malinaw mula sa bibig niya.

"Like...Like you're second time around?" pangiti niyang sagot "yieeee HAHAH" 

             Napaisip ako. Well, Oo. Ganun naman talaga, pag may umaalis, may dumadating, diba? nagkataon lang na si Matthew yung andun sa hagdanan at nakasaksi sa pagbabaliw- baliwan ko, nagkataong naiwan ko ang panyo sa corridor at hinabol niya ako para isauli yun. Nagkataon lang na andun siya sa mga oras na malungkot at binubuo ko palang ang sarili ko. Pero siya nga ba talaga? kasi.. tantsa ko..... ako lang tong assuming at nag iillusyon eh. One Sided kumbaga. 

"Ayaaaaaan...Bangin na naman!" pasigaw na sabi ni Mica sabay bagsak sa hawak niyang libro. "Sino pa ba ang pinag-utangan mo, ha?" Lagi kanalang tuliro, tulala, nag iisip... nakoooo di nako magugulat kung makikita naman kitang tumatawa ng mag-isa" pang aasar niyang sabi sakin.

Tinignan ko lang siya na parang Not-SO-Funny-Look. 

"Okay, sorry. HAHAH Puyat ka ba? dugtong nalang nito

"Tss. Gutom ako. Yun lang" Pagsisinungaling ko naman

"Oh, well, ako din eh. Tara, cafe?" 

"May sapak ka ba?" Pangiti kong tanong sa kanya "May last period pa tayo" dugtong ko 

          Kaya ayun, nagtawanan nalang kaming dalawa, nagtawanan ng nag tawanan. pagulong-gulong sa sahig, at nagkakamutan ng ulo hanggang sa nagmukha na kaming unggoy. HAHAHAHAH Joke. Siyempre pumasok na kami at nakinig sa lecture ni Miss Villacruz at maya maya pa ay nagdismiss na din. Dumiretso nalang kami sa AC para sa practice nila Matt at Brenna.

Now, It's You (My Second Time Around)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon