"Alam mo bang yang mukhang pinapakita mo sakin ngayon, sikat na sikat sa papel, yung perang 500? HAHAHAH" <- Mica
"Eeehhhh Mica naman eh..." <- Ako
"HAHAHA. Oo na, hindi na kita aasarin. Aga aga sayad na naman yang nguso mo sa lupa. May umalis lang eh, kala mo namatayan kung magluksa" <- Mica
Oa naman tong babaeng to, nakakatamad lang talaga ang mga araw ngayon, wala din masyadong pinagkakaabalahan. At Oo nga pala madaming nangyari sa isip ko kaya di ko nasabing niresched yung Singing Contest. Yung magduduet sana kami ni Matt na hindi natuloy. Pero next week na daw yun sabi ng baliw na babaeng kasama ko. At isa pa si Brenna naman na ang kaduet niya, kaya naman wala akong karapatang mangulit kay Matt Kuging.
"Tara na! Mall tayo para mabuhayan ka" sabay tumayo siya mula sa pagkakahiga sa kama kong mukhang dinaanan ng bagyo.
"Oo tara, alisin mo muna diyan ang kalat mo. Puro junk foods oh. Tss KALAAAT" ngumiti lang siya sakin at nag peace sign. Baliw eh. Haha
Ako nalang ang nagbihis dahil ready to go na ang suot niya, wala, baduy baduyan lang ang porma ko. Casualan lang. Nang makarating kami sa mall, pumunta kaming Ice Cream House. Umorder kami ng sundae, stress ako eh, at dahil sa kaistressan ko nastress din siya.
NAgkukwentuhan lang kami ni Mica tungkol sa gagawing preparations para sa contest next week ng may lumapit saming dalawang lalaki.
"Yo, Hey Girls" <- lalaking matangkad, maputi, at mukhang swagger ang porma in other words jeje.
Tumango lang kami ni Mica at ngumiti. Nag aantay na umalis na yung dalawa. Aba, umupo pa yung isa sa tabi ko at nag offer ng handshake.
"Denver"
kakamayan ko ba to? kung sa pisikal lang mukha silang mapagkakatiwalaan eh, pero sa approach ? hell, big NO.
" She is playing it hard, bro!" sabi nung isa sa Denver.
"Don't worry, I'm no trouble" pagtatanggol ni Denver sa sarili
" Uhm sorry, we have to leave. Mica, Tara" tumayo na ako tinanguan si Mica
"Already?" hinawakan ng lalaki ang wrist ko
Ano ba gusto neto?! GULO?! Pilit kong Kinakalas ang kanang kamay ko sa pagkakahawak niya ng may nagsalita sa likod ko.
"Bitawan mo kamay ng girlfriend ko, Pare"
Napalingon ako at nakita ko si Matt. Oh Yes! Pero..wait ..girlfriend?! O_o?
"Matt, buti nalang dumating ka, may gusto ata ang isa sa girlfriend mo" sulsol ni Mica. At talagang sinakyan niya pa ah.
"Pare, bitawan mo na sabi eh!" <- matapang na sigaw ni Matt, at tinulak ang kaliwang braso ng Denver. At sinuntok ng kasama ni Denver si Matt at napatumba niya to.
"Tama naaa!" Hinampas ko ang bag ko sa swagger at tinulak ako neto.
"Aahhh! Micaaa!" naramdaman kong hinawakan ni Mica ang ulo ko at inalalayan akong umupo.
"HOY! Kayong dalawa!" sigaw ng matabang security guard na parang si jollibee.
Agad namang tumakbo ang dalawang lalaking lumapit samin at tinangay nila ang bag ko at agad na hinabol ni Jollibee, ay este nung security guard ang mga to.
Ansakit ng ulo ko, tumama sa may handle ng upuan. at yung likod ko kumikirot.
"Van?" <- Mica
"Ayos kalang ba?" pag aalalang tanong sakin ni Matt.
Tumango lang ako sa kanya, at nanlabo na ang paningin ko.
"Matt, ikaw na muna bahala ah, tinawagan ako ng daddy ko, im sorry"
"sige, Mica. Ako na bahala sa kanya."
At narinig kong nagsara na ang pinto, dinilat ko ang mga mata ko at nasa puting kwarto ako, at sa tabi ko nakaupo si Matthew. May hawak siyang yelo sa kaliwang pisngi niya.
"Oh! Okay kana Van?" pag aalala niya
Tumango lang ako sa kanya, medyo nahilo lang ng kaunti. Di naman ako nakaconfine pinagpahinga lang dito sa clinic. Oa naman diba? HAHA
"Ayaaan! Sa sunod kasi pag aalis kayo, o IKAW, itext mo ako" paninisi nito
"Wow ah! Boyfriend?"
"Oo kaya" pangiti niyang sagot sabay hawak sa pisngi ko "Kaya ikaw babe, makinig ka sakin"
"Anak ng tokwa!" tinapik ko nga kamay niya "Kelan kita naging boyfriend?! Assuming ka!"
"HAHA, dahil gusto ko"
"Oh?" tinaasan ko siya ng isang kilay. "tigil-tigilan mo nga ako ah! kung hindi...."
"kung hindi, ano? ano gagawin mo?" at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, gaya nung nasa music room kami, malapit as in nose to nose.
"O_O" <- Ako
"Ano vanessa?" Seryoso ang pagkakasabi niya kaya napalunok ako. Napapikit ako, hindi sa nag aantay ng kung ano pero kasi naduduling ako, HAHAHA
At nilayo niya ang mukha niya sabay tawa
"HAHAHAH! So akala mo, hahalikan kita?HAHA" <Matt
"OY! HINDI NOH! FYI, naduduling ako!" Napaupo ako at binato sa kanya ang unan
"aray! ang defensive naman masyado babe, halata ka" pangisi niyang sagot
AAAAAAAAAAAAHHHHHHH! Nakakairita ka! Humiga nalang ako ulit at tumahimik. kinukulit niya ako pero di ko siya pinapansin.
"Oy babe"
Bahala ka
"uy"
-__-
"ngingiti na yaaan"
At naramdaman kong niyakap niya ako.
O_O
"Babe, Sorry"