"stay here"
Natigilan ako ng sinabi ni Matt yun, may kung anong paruparo sa tyan, ibon na nagsisiliparang dala ng dalawang salitang yun. Napatingin naman ako sa direksyon kung san patungo si Eric. Palayo na siya ng palayo sa paningin ko. Gaya din ng dati. Palayo ng palayo. Pero kung iisipin mas mabuti na din to, bago pa man kinasusuklaman ko na ang pagkakataong magkakapareha kami sa dance compet, pero ngayon tapos na ang sayaw, at wala na ang tugtog... tapos na din ang koneksyon namin sa isa't isa.
Lumipas ang isang linggong di ko nakikita si Eric, kahit pa sabay ang labasan ng IT at PSYCH. At ganun din nung Victory party kung san lahat ng IT at PSYCH students ay nagcecelebrate, wala siya, ni anino. Wala ding text mula sa kanya, ang gulo nga eh, dati rinding-rindi ako, ngayon parang hinahanap hanap ko presence niya. Namiss ko mga pang aasar niya. Oo. Pati ang mga chinito niyang mata. Malinaw na sakin na napatawad ko na siya at nakalimutan ko na ang lahat. Isa lang naman ang inaantay ko eh. Paalam.
Si Matt naman, missing in action na. Parang kelan lang yung naging sweet ang kumag na yun ngayon wala ring paramdam, Oo nga, mabuti pa yung multo nagpaparamdam. Sabi ni Mica, may inaasikaso daw si Matt, sabi ko naman, okay lang. Kahit sa loob ko, HINDI. Kung san kelangan ko ng mangungulit sakin para mabawasan tong pag iisip ko ng malalim, eh wala siya.
Ngayon nakaupo lang ako sa sulok ng room, pa EMO ang dalaga. Ewan ko ba, nakakatamad ang buhay, lutuan ba naman ako ng tatay ko ng sunog na sunny side up. -__- Paborito kong ulam sa breakfast, wala, nasunog, sinubukan kong iligtas gamit ang ketchup pero ganun padin ang lasa. Sunog na Itlog. Haaayy... Nakakatamlay. Dagdagan pa netong propesor naming kakapasok lang.
"Sorry for being late, but i have a good news" wika ni miss
Umupo ako ng maayos mula sa pagkakasandal sa pader. Lahat ng mga kaklase ko nakangiti, aba naman. Ako lang tong may drama sa buhay.
"I have a meeting in 10mins soo..." patuloy ni miss pero nahinto din agad dahil sa sigawan ng mga kaklase ko. Pyesta eh. Saya. wohoo.Sumenyas si miss na tumahimik, at agad naman silang sumunod.
"good news, right?" pangiti niyang sabi "...so I have to go class. Bye" At lumayas na siya. sabay nagsitayuan naman mga kaklase ko, habang ako napag -iwanan na ng mundo. Dito na muna ako siguro, palipas lang. total malamig naman dito. Sayang Aircon.
*BLAG*
Okay, Loner na.
"Vanessa"
Napatingin ako sa may bandang pintuan kung san siya nakatayo. Eto na nga ata ang inaantay ko. Ngumiti ako sa kanya, alam kong ito ang pinakamabuting pambungad sa umaga bukod sa sunog na sunny side up.
"Oh" patangong sagot ko sa kanya
"Loner?" tanong niya
"kanina, Oo. Pero ngayon, Hindi na." pangiti kong sagot
Lumapit siya at umupo sa tabi ko, sobrang tahimik at tanging ugong lang ng aircon ang maririnig mo sa room. Inilabas niya ang panyo niya at nilagay sa mesa ko.
"Para sayo" sabi niya
"Ha? Para sa'n? Aanhin ko yan" kunot noo kong sagot sa kanya
"Baka umiyak ka eh" pangisi niya namang sinabi
Namiss ko ang ganitong usapan kasama siya, masyadong matagal na din yun bago kami nagkausap ng matino, kaibigan sa kaibigan at walang iniisip na anong bagay o problema. Alam kong simula nung magkahiwalay kami eh di na kami nagkaron ng masinsinang usapan. Kilala ko siya, at kapag seryoso na ang usapan, singkit padin naman mga mata niya, pero yun ngalang walang sigla ang mga ito kung pagmamasdam mo ng maigi. Kilala ko siya, hindi ganto ang approach niya, maliban nalang kung may importante siyang sasabihin.
"Eric...may problema ba?" tanong ko sa kanya
"Thank you nga pala ah, pinagbigyan mo ko sa dance compet." Iniba niya ang usapan
"Wala yun... atleast okay na tayo, siguro?" patanong ko sa kanya na agad naman siyang ngumiti
"Oo naman..."
Ngumiti lang din ako, at ayun narinig ko na naman ang ugong ng aircon. Sobrang ingay ng katahimikang ito. Magsasalita na sana ako ng inunahan niya ako
"so i guess, that was our last dance?" napatingin ako sa kanya ng punong puno ng pagtataka, nag aantay ng kadugtong, paliwanag o anuman. Pero hindi, inaantay niya ata ang reaksyon ko. Kaya
"What is it this time, Eric?.. Tell me..."
"...I'm leaving" matamlay niyang sagot
Napatingin ako sa kanya, sa mukha niya kung gano siya kaseryoso, sa mata niya pero wala akong nakitang bahid ng biro. Napayuko nalang ako. Alam mo ba yung pakiramdam na gusto mong umiyak pero walang luhang lumalabas? Yun! Yun ang nararamdaman ko ngayon.
"Kelan? Bakit?" tanong ko sa kanya na nakayuko padin
"OH! ano yan? wag kang iiyak ah...NAku vanessa ah!... pero sige, yan oh, naglabas ako ng panyo, gamitin mo lang" nakangiti niyang sabi
"Nakuha mo pang ngumiti? Loko ka." napatayo ako at ayun naiiyak nako.
Naramdaman kong tumayo din siya, at niyakap ako.
"Sabi na eh, kelangan mo panyo ko. Tama na yan. wag kana umiyak" palambing niyang sinabi sakin
"Ganyan naman eh, kala ko ba okay na tayo?" Pahikbi kong sinabi sa kanya
"kung san okay na....., dun naman nang iiwan.... yan naman lagi eh, NANG-IIWAN" dugtong ko
Lahat ng yun nabitawan ko sa sobrang lungkot, pero lahat din yun nasagot ng nakita kong naluluha siya matapos niyang sabihin to:
"Yun na nga Vanessa eh, Okay na tayo, Okay ka na, pero... Ako, Hindi pa. Masakit para sakin knowing na you're already happy with someone else, and it's my fault, i loose a grip and let you go, now... I have to face it. Alam ko naman na unfair tong gagawin kong pag alis eh, pero i hope you'll understand... I just can't stay here, if you're not stayin with me..."
"Eric.."
"I know si Matt yun, diba? I'll be ok, Far way than better... Just promise me one thing.. Stay happy"
Naluluha siya, at ganun din ako. Niyakap ko siya ng mahigpit at agad naman siyang naglet go. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at nilagay ang panyo, at umalis na siya. Pinunasan ko ang mata kong namumugto na naman at napaupo. Eto na yun, yung paalam na inaantay ko.