Matthew’s POV
Ang agang mag aya na umuwi ni Vanessa kahapon, wala pa ngang masyadong nangyari sa 2nd date namin eh. Kaya no choice ako, hinatid ko nalang siya sa kanila.
Nasa Bahay ako ngayon at nanonood ng replay ng basketball, Miami Heat vs. Indiana Pacers. Eto ang Gawain ng mga taong tamad. Gusto ko sanang tawagan si Vanessa eh, wala akong magawa eh, mangungulit lang. Sa school din kasi wala pa akong masyadong tropa di rin kasi ako gaya ng ibang lalaki na mahilig mag night out at tumambay sa kung san para manigarilyo. Matino po akong lalaki, well kung tutuusin swerte ang magiging 2ndgirlfriend ko. Di rin ako mahilig magDota. HAHAHA!
Nililipat ko na yung iba kong gamit sa bago kong bag, kulay navyblue, Jansport ^_^ pareho kami ni Vanessa. Di ko nga alam kung ano pumasok sa isip ko kung bakit binilhan ko rin siya, at magkapareho pa kami.sabihin nalang natin na Token lang yun dahil di na siya nagtataray sakin.
Kinuha ko yung gitara ko at nag start magpluck, sinubukan ko yung terrified.
At naalala ko si Vanessa na kumakanta nun...
Sobrang kabado siya
Pati kamay niya na hinawakan ko namamawis
Buti nga at hindi siya namutla nun eh
Tuloy ako sa pagflashback nang may nareceive akong text.
From: Brenna
Matthew ako na kaDuet mo sa contest ah.
Ha?! Bakit kaya? Eh si Vanessa??
From: Matt
Nag back out si Vanessa?
From: Brenna
I certainly don’t know. Tinext lang ako ni Mica. Anywayss see you tomorrow ^_^
Badterp-__- bakit kaya nagback out yung babaeng yun? Naging mabait naman ako sa kanya ah, di ko naman siya inaway.
Sa sobrang inis ko napagalitan ko yung kapatid kong si Mj, di ko alam kung anong nangyayari sakin pero hindi naman tama na agad agad nalang siya magback out!
Sinubukan kong tawagan si Vanessa pero hindi sumasagot, tinext ko rin siya ng tatlong beses di rin nagreply. Ano naman kaya Problema nun? :////
*kinabukasan*
Friday ngayon at may pasok kami, every wednesday and Thursday kasi walang pasok. Ang gulo ng schedule namin pero ayos nadin para sakin.Di sagad. Guess? Late na naman ako. Parati naman eh.
Tinignan ko si Vanessa, pero gaya ng pagkakakilala ko sa kanya, tutok na tutok lang sa prof. Agad na akong lumingon sa harapan dahil baka tawagin naman ako ng prof.
Pagkauwian namin, niligpit ko na yung notebook at ballpen ko, ginamit ko na nga rin yung bag eh. :]
Pupunta na sana ako kay Vanessa ng paglingon ko wala na siya,
ABA himala!
Hindi na siya huling lumabas ng room, hmmm dahil siguro sa bagong gupit siya..mabilis na siyang kumilos. HAHAH!
Paglabas ko ng room nakita ko si Mica
Si Mica lang,
Matt: “Asan si Vanessa?”
Mica: “May lakad siya ngaun eh...tara sabay na tayo pumuntang AC, may practice kayo ni Brenna”
Matthew: “yeah, speaking bakit nagback out si van?”
Mica: “Busy na siya eh”
Matthew: “what? Panong busy? ...don’t tell me dahil sakin kaya nagback out siya, pero lately, di ko na siya inaasar ha”
Ngumiti lang si Mica na parang ewan, di niya sinasagot ng maayos yung mga tanong ko kaya tinext ko si Vanessa. Sorry nabobother talaga ako.
From: Matthew
“Van, Sa’n ka?”
1minute ago
2minutesago
10minutes ago
TSSS!-__- Kahit kelan di marunong magreply. Nawalan ako ng mood bigla,
At dahil dun di ako matino sa practice. Napagod lang si Mica sa kakasabi ng “top”
Walang nangyari sa practice namin. Wala ako sa sarili.
Hindi lang siguro ako sanay kay Brenna
At hindi rin siguro ako sanay without Vanessa.
Mica: “Maaaatt, anong problema, hindi tayo makaabot ng bridge”
Brenna: “i guess, Matt needs a Break”
Yeah, I guess I need a break.. DAHIL HINDI KO NA MAIPALIWANAG ANG NARARAMDAMAN KO NGAYON.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kagabi nanood ako ng little mermaid, nashock ako pangalan pala nung Prince dun eh si ERIC. tapos yung seawitch na nagpanggap si VANESSA :D haha share lungss :)
VOTE.COMMENT.FAN ^__^