Vanessa’s POV
After ng class lumabas na ako, nakita ko kasi si Eric na nag aantay sa labas ng room. Oo si Eric Park, yung ex ko. Kaaga- aga diba? may eksena siya agad -__-
*flashback*
Vanessa: “Anong ginagawa mo dito?”
Eric: “Sabi ng dean pumayag ka na daw na sumali tayo sa dance contest”
Vanessa: “Oo, so?”
Sorry tinatarayan ko siya..after all siya ang may kagagawan kung bakit hindi ako makakakanta para sa AC T_T
Eric: “We have to practice soon as possible”
Vanessa: “ Practice? Ngayon na?”
Eric: “yep, sa Dance studio para mas convenient. Naghire ako ng instructor”
*end of flashback*
Kaya ayun nandito kami ngayon ni Eric sa Dance Studio. Sa totoo lang tuwing tinititigan ko siya, there’s nothing special. Wala na yung excitement, Malamang ,sinaktan niya ako eh at para sakin, second chance para sa kanya is not appropriate. Masisisi ba niya ako?
Pakikisamahan ko nalang siya na parang wala lang. Schoolmates lang kumbaga. Tinalian ko ang buhok ko, at ginawa kong bun, kaso hindi na kasing taas gaya ng ginagawa ko. Pinaiklian kasi ni Matt eh.
Speaking of Matt. Hindi ko pa siya nakakausap simula nung hinatid niya ako sa bahay after ng 2nd date namin. Hindi ako nakapagreply sa text niya dahil wala akong load. At eto nagtext naman siya
From: Matt
Van, sa’n ka?
I was about to reply ng dumating yung instructor.
Eric: “Van, andito na yung DI”
Kaya lumapit na ako sa kanilang dalawa..Tinignan ako ng DI
DI: Ba’t di ka pa nagpalit? (ansabe ng nakataas ang kilay niya?)
Sorry ah, kausapin mo kasi yang si Eric. Hindi ako prepared sa practice di ako nakadala ng extraclothes.
Eric: “uhm actually kanina niya lang nalaman na may practice and I guess wala siyang dala”
Buti naman at alam mo-__-
Naka uniform kasi ako ngayon, pero meron akong dalang extra shirt. Yun lang..maliban nalang kung magshortshorts ako dito. eksena yun -___-
Di: “well, let’s do the basic”
Tinuruan niya si Eric ng first figure, yun ay ang ipapaikot niya ang partner niya and then step backward and sway , At sa akin namantinuro niya ang 2counts na paglapit kay Eric and iikot tapos mag sstep backward kami then sway.
Ginawa namin yun ng tatlong beses, at yung second figure eh maghaharap kami, ako nakahawak sa balikat niya, siya sa bewang ko, habang magkahawak naman ang left and right hand namin. Then, pinaikot ako hanggang sa magkalayo kami ng 2meters. (Oh diba, 2meters? PRECISE NA PRECISE. :D HAHA)
Tapos kailangan ko daw kumembot sabi ng instructor. -___-"
Hindi ko magawa ng maayos yung second figure. Hindi ko siya matignan ng diretso. Kaya pinapagalitan ako ng DI dahil parati akong yumuyuko pag nasa step na maghaharap kami. 3 na pasado at kelangan na daw umalis nung DI kaya naiwan kaming dalawa ni Eric sa Dance studio.
Eric: “ipractice natin yun ulit Van, yung second figure”
Kung tumingin siya sakin parang wala lang kaming pinagdaanan, nagagawa niya akong tignan sa mata na parang hindi niya ako sinaktan, kaya gaya ng sabi ko pakikisamahan ko siya gaya ng kung ano mang tawag na pakikisama niya sakin.
Tumayo na kaming dalawa at humarap sa salamin, ginawa namin mula first figure hanggang sa second... ganun at ganun lang ang ginagawa ko parati akong umiiwas sa tingin niya.
Hinawakan niya ako sa chin at inangat niya ng konti para magkatinginan kami
Eric: “ganito lang kadali Van” (at ngumiti siya sakin)
Alam niyo ba yung ngiting mapang-akit?? Yun Yun! As if maaakit niya ako :P
Ginawa namin ulit mula first , hindi ko parin nagawang maayos. T__T
Eric: “tumingin ka sa mga mata ko”
Tumingin ako sa kanya,
At nagkatitigan kaming dalawa...
ng matagal......
He almost kissed me pero umiwas ako ng tingin at kunwaring inayos ko ang buhok ko..
Buti nalang! Ninjamoves siya dre!
Vanessa: “ Eric, Bukas nalang ulit tayo mag practice” at kinuha ko na yung bag ko sa sahig
Eric: “wait, sa’n tayo magpapractice bukas?”
Vanessa: “Ikaw bahala”
Eric: “sa bahay nalang namin, if that’s ok with you?” (ofcourse HINDI!)
Vanessa: “Dito nalang ulit sa dance studio...”
Eric: “Okay, hatid na kita” (lumapit siya at kinuha yung bag ko)
Vanessa: “Hindi, kaya ko namang umuwi eh. Thank you nalang” (at kinuha ko na ang bag ko)
Nang biglang kumulog nang malakas. O____o
Eric: “ I suggest ihatid na kita, wag ka nang kumontra, kay?”
( ng widesmile ang manloloko at kinuha niya ang bag ko at tumakbo)
Wala akong nagawa at hinabol ko nalang siya papuntang parking lot. At dun , nakaabang na ang pulang sportscar? O_o? Dati wala naman siya niyan eh,
Pagsakay ko, inayusan niya ako ng seatbelt, kung makapag ayos ng seatbelt, sobrang ang lapit ng mukha niya sakin... humarap nalang ako sa side mirror. At nagsalita siya
Eric: “birthday gift sakin to ng dad ko, ayos diba?”
Tumango lang ako sa kanya, at nag fake smile. At nagmaneho na siya, sinabi ko sa kanya kung san ako nakatira at hinatid niya ako mismo malapit sa bahay. Hindi siya makapagpark sa tapat meron kasing nakapark na itim na sasakyan.
Eric: “ sa inyo ba yang civic na itim?”
Napatingin ako sa itim na sasakyan..
Matt?O_o?
Imposible hindi siya yun, ano namang gagawin niya dito? Tss
Vanessa: “ ah.. hindi noh, sige baba na ako. Ingat ka”
(bumaba na ako, parang meron pa siyang sinabi pero dumiretso na ako. hindi naman umulan eh, kulog lang yun kanina. False alarm-__-)
Nakatayo na ako sa tapat ng bahay namin, at binubuksan ang gate ng may humawak sa balikat ko.
O_o