Vanessa’s POV
Di ako makaget-over sa nagawa ko kahapon kay Matthew... Kahit papano napangiti ko rin siya, kahit sa simpleng isaw lang^_^ Hooray to meeee. Nakalimang isaw nga siya eh! ^___^ Desidido na talaga ako sa desisyon ko.. yun ay ang tulungan ko siyang makalimutan niya ang ex niya. Kahit pa alam kong may posibilidad na mahulog ako sa kanya.
Oo may posibilidad na mahulog ako sa kanya
Oo baka magkagusto ako sa kanya...
Kakatapos lang nang class namin, at ayun nakaabang nalang silang dalawa sa labas ng room. Ang bagal ko kasing magligpit ng gamit ko.
At paglabas ko ng room, nakita kong wala na si Matt, si Mica nalang ang nag aantay sakin.
Vanessa: “Mica, asan si Matthew?”
Mica: “Niyaya daw mag arcade ng mga kakilala niya dito sa school eh”
Vanessa: “ahh.. ok, tara may kukunin pa ako sa locker eh”
Mica: “ako din”
At dumiretso na kami sa locker. Nakakadisappoint naman, ba’t hindi man lang nagpaalam sakin si Matthew na aalis siya....Hay sa bagay, hindi naman kami ganun ka Friends. Di naman kami ganun kaclose. Pero bat ako affected? . :<
PAgbukas ko ng locker ko, may nakita akong letter, baka naman si Matt to, baka tungkol sa pag aarcade niya. Siya lang naman ang mahilig sa mga notes eh. Pero infairness prepared to ngayon. Scented pa yung envelope. Favorite color ko pa ah, violet
Mica: “Vanepot, ano yan? Loveletter? Taray ah!, may secret admirer lang?”
Vanessa: “Hindi noh!”
At binuksan ko na yung letter.
Vanessa,
Can I talk to you tomorrow? 4pm at the parking lot.
Eric P.
O____o???
Mica: “ Sino si Eric P?”
Vanessa: “hay....yung ex ko, yung nakwento ko sayo”
Mica: “ so ang ibig sabihin nandito siya?”
Vanessa: “malamang sa malamang.”
Ito na nga yung kinakakatakutan ko eh, ang magkita kami....pero Makikipagkita ba ako? Hay -___-“
May kung ano akong naramdaman, kinabahan ako na ewan, alam mo ba yung pakiramdam na yung taong namimiss mo dati eh parang gusto mo nalang pagtaguan at layuan. Na parang ayaw mo na siyang pagbuksan ulit ng pinto matapos ang lahat ng nangyari. Simula nung Break up namin sa phone hindi na kami nag usap ng matino. Sinubukan ko siyang eemail, pero ni isa hindi siya nagreply. Ilang beses ko na rin siyang tinawagan pero hindi ako sinasagot. Pati yung kapatid niyang si Sky, tinatanong ko about sa kanya.
Lumipas ang dalawang buwan na yun at yun ang ginagawa ko, pero dumating ako sa punto na napagod ako...at tuluyan ko na ngang tinigil ang paghingi ng tawad sa kanya. Kung tutuusin may kasalanan din naman siya eh, WALA SIYANG TIWALA SAKIN.
Ngayon pakiramdam ko, di ko na siya kelangan pang makausap o Makita, pakiramdam ko napunan na ang kulang...
Mica: “pag makikipagkita ka diyan, sabihin mo sakin ah! Nang masamahan kita at maresbakan ko yang ex mo!
Vanessa: “nakoo. tara na nga”
Hindi matapos tapos ang pag iisip ko ng kung ano-ano.
Sa sobrang tulala ko sa jeep, lumampas ako sa kanto kung san ako palaging bumababa para mag abang ng isa pang jeep. Pagkaminamalas ka nga naman!