Matthew’s POV
Maaga pa sa 9pm ng hinatid ko si Vanessa kagabi. Pano ba naman kasi napag usapan namin yung ex ko. Naitanong niya pa kasi sakin, dibale mali ko rin naman, kung hindi ko sana siya tinanong about sa ex niya, eh di sana hindi niya rin ako natanong about sa ex ko.
Ako nga pala si Matthew Andrey Tuazon Tiu. Matangkad. Hindi masyadong Maputi. Marunong kumanta, pati mag gitara. Sumayaw? Medyo lang, di ako swagger eh. Sabi ng iba Pogi daw ako, sabi ng Mom ko, “You’re handsome”. So ayun, kayo na bahalang manghusga.
Kakatransfer ko lang sa school kung san una kong nakilala si Brenna, ganun na din si Vanessa. Lumipat ako ng school dahil ayoko ng maalala yung ex ko, pero kahit san ako mapunta siya yung naaalala ko.
PAgpasok ko nun sa school, agad akong pinatawag nung dean at dun kami nagkita ni Brenna. Nakalagay kasi sa description about sakin na marunong akong kumanta. Kaya pinag audition nila ako agad. At since head si Brenna ng Apollo’s club for singers. Siya ang nag audition sa akin, at agad naman akong nakapasok. After kong manggaling sa dean. Paakyat ako nun nang may nakita akong babae na nakasilip sa may handle ng stairs.
Para siyang baliw, kaya nilapitan ko.
“ehem excuse me? Miss? Ano pong nangyari? “
“huh?! Ahh ehhh Wala.. sige mauna nako” (pagkakita sakin, agad namang napraning)
“hoy!”
(talagang tumakbo siya sa kahihiyan. Para kasing baliw, nagsasalita ng mag isa. Appropriate ba yun?)
Pagpasok ko sa room 12A, nakita ko parin dun yung babaeng nakasilip sa may handle ng stairs.. nakaupo siya..........malapitan ko nga... ^__^
“Aha! Hello Miss, hindi ba ikaw yung nagsasalita ng mag-isa sa sa may hagdanan?”
(nginitian ko siya)
“uh.ahm.. Hindi noh! -___- excuse me, busy ako” ( Nahiya nga. HAHAH)
“eh? Hindi raw....(umupo ako sa tabi niya) ikaw yuuuun :p andrama mo kaya kanina, may lahi ka ba?”
“Lahing artista? Hmm.. Oo mga 50% lang nman”
(LAhing artista daw oh. Feeling din tong babaeng to eh. HAHA)
“hindi! Lahi ng mga baliw! Hahah”
“ tss.. nice joke wag mo na nga akong kausapin..chuchu”
“eto naman, joke lang eh, mukha namang may lahi kang artista...uhmmm ako nga pala si Matt, blockmates pala tayo eh” (inabot ko yung right hand ko, pero hindi niya ako pinapansin, napikon ata. Hahaha)
“ wala akong paki”
“dali na “
(hindi parin ako pinansin so ayun)
“ ok then I’ll see you later”
(umalis nalang ako at lumipat sa 2ndrow)
Medyo mahaba pa pag ikekwento ko kung pano ko nakilala si Vanessa eh, pero ang shortcut nun eh nung nakilala ko siya as partner ko.
At dun ko narinig ang boses niya, magaling pala talaga siyang kumanta... ^_^
Oo magaling siyang kumanta..
Maganda rin siya
Kaya naisip ko...baka eto na ang tamang panahon para kalimutan si Yna.yung ex ko.
Niyaya ko si Vanessa magdate, hindi para maging panakip butas kundi mag open ulit ng isang panibagong pintuan para magmahal. Gusto kong kilalanin ng husto si Vanessa....