Tinago ko yung binigay na note ni matt, nilagay ko sa lagayan ng abubuts ko, andun nga rin yung unang note na bigay niya sakin eh. Kahit insultador siya nun, binalik niya yung panyo ko kaya tinago ko, malay ko ba. Ganun talaga ako ^_^
Nagpalit na ako ng pants at shirt at dollshoes at dumiretso kina Mica. Kasi kukunin ko yung notice na sabi niya. Nakalimutan ko nga siyang bilhan ng pasalubong eh -___-“
PAgpasok ko sa kanila, yun ang una niyang hinanap, ang pasalubong HAHA, pinaghahampas niya ako ng unan ng sinabi kong wala akong dala. ^__^ at bukod pa dun pinansin niya yung buhok ko na bagong gupit, kinwento ko sa kanya ang lakad namin ni Matt at tuwang tuwa naman siya. Loka eh ^___^
Tapos nun, Inabot niya na lang sakin yung notice. At binasa naming dalawa. Nakalagay dun na kelangan kong pumunta sa office at meron daw importanteng sasabihin.
Thursday Morning
Gaya nga nung sabi ko, pinapapunta ako sa office ng dean, kaya maaga palang nandito na ako sa office nung dean at nag aantay na dumating siya.At gusto ko lang nga pala iinform na ngayon at kahapon wala kaming pasok kaya nkapagdate kami ni Matt.
Mayamaya pa eh, pumasok na yung dean
Vanessa: “Goodmorning Miss”
Dean: “Goodmorning”
Vanessa: “may problema po ba kaya pinadalhan niyo po ako ng notice?”
Dean: “uhm, actually kelangan kitang kausapin...”
Vanessa: “about po saan?”
Dean: “Malapit na yung Dance contest natin sa school... at may nagsabi sakin na magaling ka daw sumayaw?”
Vanessa: “naku hindi po, baka po niloloko lang kayo..”
(tumingin ako sa dean at nakataas ang kilay niya, tingin ko mali yung sagot ko kaya binawi ko nalang)
Vanessa: “uhmm Opo miss, marunong po akong sumayaw pero hindi po ganun kagaling...sino po ang nagsabi?”
Dean: “ Mr Park told me....an IT student, and since konti lang tayong psych, parating kakampi natin ang IT sa mga contest"
Vanessa: “Si Eric Park po?”
Nag nod siya, ako naman tangang tanga sa pinagsasabi nung dean hindi ko parin makuha kung ano ang ibig niyang iparating.hanggang sa sinabi niyang
Dean: “tulungan mo naman ang course natin na makuha ulit yung championship, sumali kayo ni Mr.Park”
At dun ako kinabahan sa sinabi niya, hindi ko alam kung kinabahan ako dahil sa magpeperform na naman ako, oh dahil sa magkakapareha naman kami ni Eric sa sayaw.
Vanessa: “Pero Miss, nagpapractice din po ako para sa Apollo..hindi po kaya magkagulo ang sched ng contest?”
Dean: “Ibigay nalang natin ang slot kay Miss Brenna na magduet sila ni Mr. Tiu”
Vanessa: “pero po....”
Dean: “please Ms. Lee”
Sa sandaling yun para akong binagsakan ng ulap, Wala akong nagawa kundi pumayag sa gusto ng Dean..Napayuko akong lumabas ng office.. Nalulungkot ako kasi hindi na ako kakanta, at hindi ko na makakaduet si Matt...Natatakot ako kasi sasayaw ulit kami ni eric.
Sinabi kong ayaw ko na eh
Pero bakit ganun?
Sabi ko ng kakalimutan ko na siya eh
HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY -_____________________________-
Minsan..hindi ko na talaga maintindihan ang tadhana
Hindi muna ako umuwi ng bahay, dumiretso na muna ako sa Mall, nagpalamig at kumain ng sundae...Yun ang comfort food ko sa mga pagkakataong ganito... Tinext ko si Mica at pinasunod sa mall. Pagdating niya kinwento ko agad sa kanya, at wala naman siyang nagawa kundi bumili nalang din ng sundae dahil nastress din siya -____- tama nga sila
BIRDS THAT HAVE THE SAME FEATHER< FLOCK TOGETHER.
Stupid Notice-____-‘
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bestieee marini, sayo ito dedicated..:") Because we have the same feather. :D
VOTE.COMMENT.FAN! ^______________^