Chapter 23.Party

23 1 1
                                    

Kanina pa ako nakatunganga sa harap ng cabinet. Naghahanap ng isusuot para sa party mamayang gabi. Mabuti nalang talaga at pupunta sina Brenna at Mica, nako kung hindi, maliban sa utos ng amo ko di talaga ako pupunta, eh kaso lang naman sabihin ba naman saking "Please be there tomorrow, I'll be waiting. I have Something to tell you" plus ngiting mapang akit,  di pa ba ako maeenganyong pumunta? Tss. 

Hindi kaya sasabihin niyang..gusto niya rin ako, or more than that? Wait.. Assuming ba masyado? Phew. Di ko na alam kung ano ang dapat kong isipin eh. Pinilit kong ngumiti at wag mag-expect ng anuman pero sumasagi padin sa isip ko eh, baka, baka sakali lang naman na... na mahal niya rin ako.

Pumatak na ang 7:00, di na ako nagpatagal sa pag-aayos sa sarili ko, hindi ko naman party yun. Nag- aabang nalang ako kina Brenna. Susunduin daw niya ako, at nakisabay nalang din si Mica, bakit pa kasi wala akong sasakyan -_- HAHA dibale ok na, kung lahat naman ng kaibigan mo may sasakyan diba? maghahanap ka pa? libre din pamasahe. safe na. may aircon pa :DD 

"Vanessa! Ayan na!" sigaw ng nanay ko sa labas

"Opo, Mama, bye" 

Nagmadali akong lumabas ng bahay at sumakay na sa sasakyan ni Brenna. Andun nadin sa front seat si Mica. At tinaasan nila ako ng kilay.

"Oh? Ano na naman?" tanong ko

"Prepared ka  ata" pang aasar nila sakin

"Compliment ba yun?" di nila ako sinagot at ngumiti nalang silang dalawa at dumiretso na kami kina Matthew. 

*vroooom*

*vroooom*

*vroooom*

*vroooom*

*vrooom*  (yaaaaan tunog sasakyan kana reader HAHAHA ^___^ v joke lang) 

       Pagdating namin kina Matthew, madaming magarang sasakyan ang nakapark sa harapan, at sa bandang pintuan naman ng malaking bahay na punong puno ng ilaw may nakatayong lalaking naka suit and tie. Siguro siya ang naka-assign sa mga nagsisipasok at labasan na mga bisita. 

          Malaki at magara ang party na to, di siya puchu-puchu lang, lahat ng mga bisita maliban saming tatlo nila Mica at Brenna, ay puro businessmen at kasama ang mga anak nito na siyang tagapag-mana ng mga sikat na kumpanya dito sa bansa, pati ang mga kasosyo nitong kumpanya sa ibang bansa. Kaya siguro mas lalong lumalaki ang kumpanya ng nakararami kabilang ang kumpanya nila Matthew. 

              Speaking of him, nakita ko siya, nakatayo, katabi ang isang matandang lalaki, puti at makapal pa ang buhok, naka suit and tie din siya, sa tindig niya masasabi mong isa siyang taong puno ng dangal at nirerespeto ng halos lahat ng bisita dito. Sa kanan naman nito, nakatayo ang isang lalaki na halos kasing-edad lang din ni Matthew, tingin ko kuya niya yun. Pogi din :") pero Matthew padin :""") HAHAHA 

"Mga apo yan ni Pres Tiu, si Michael at Matthew", sabi nung babae sa kausap niyang nakatayo sa likuran ko.

"You mean, the successor of the company?", tanong ng matandang lalaki

"Yes. Adorable, right?" sagot pa nung babae at tumango nalang ang matanda. 

           Maya-maya pa ay nagsalita na si President Tiu. Natigilan ako at may kung anong kumurot sa puso ko ng marinig ko ang mga salitang yun 

"My grandsons Michael and Matthew in front of you, the successor of the family's company with the partnership of two other companies"  "May I welcome the two lovely ladies Kim Young, Michael's Fiance and VANESSA YIN, MATTHEW'S FIANCE" 

Narinig kong nagsipalakpakan ang mga bisita, tumingin naman si Mica at Brenna sakin na puno ng pagtataka. bigla kong nabitawan ang basong kanina ko pa hinahawakan, at nabasag. Kasabay nito ang pagkabasag ng puso ko na puno ng pag asa. Napalingon sakin ang mga bisita ng marinig nila ang pagkabasag ng baso, pero hindi ang puso ko... tumingin ako kay Matthew at nakita kong umiiling lang siya, unti-unting nanlabo ang paningin ko ng may namuong luha sa mga mata ko. 

Kelangan ko ng umalis,

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad, pinigilan ako ni Brenna at Mica, pero kumalas ako sa kanila at dumiretso sa di ko alam na direksyong tinatahak ko. 

Tumakbo ako palayo

Palayo..

Palayo..

Pero pinigilan niya ako..

Hinawakan niya ako sa braso at agad agad na niyakap. At dun na tuluyang bumigay ang mga mata ko. Pinipilit kong pigilan pero mas nasasaktan ako, parang tinutusok ng karayom ang dibdib ko ng paulit-ulit, mas kumirot ito ng sinabi niyang 

"vanessa, I'm sorry" Tang*na sorry lang?! sabihin mo mahal mo din ako! hindi ko kelangan ang sorry mo! 

Hindi ko masabi sa kanya ang mga bagay na yun, wala akong karapatan eh, ako lang naman tong umasa. Lumayo ako sa pagkakayakap niya, pinunasan ko ang mga luha kong walang katapusang lumalabas at Pinilit kong ngumiti, isang pekeng ngiti 

"Vanessa...."

"Alam mo to?" pahikbi kong tanong sa kanya

"Hindi....Hindi ko to alam" nanginginig niyang sagot sakin

Napangiti ako sa sagot niya, pakshit ang saya. ang saya ng party nato "Eto ba ang sasabihin mo sakin, ha?!" napalakas kong tanong sa kanya. "Eto ba?!" 

Umiling lang siya, napayuko at di ako tinititigan sa mata 

"Matthew..." ..." aaahhh  Matthew naman ehh" pinipigilan kong humagulhol sa iyak pero hindi ko kaya eh. "Matthew wala sa usapan natin to diba?" "Bakit ganto?" "bakit ako nasasaktan?" nagmamakaawa kong tanong sa kanya 

"Vanessa...." pilit niyang inaabot ang kamay niya sakin pero agad akong umiiwas

"Deh, Okay lang!" pangiti kong sagot sa kanya  "OKAY LANG...." pagdidiin ko. "Antanga tanga ko kasi"   "I'm sorry I didn't mean to fall inlove with you, Matthew"  Napayuko ako sa sinabi ko, nag aantay ng sagot na sasabihin niyang siya din, mahal niya ako..pero hindi. WALA AKONG NARINIG NA GANUN.

"Sir Matthew, Pres. Tiu needs you inside" pasingit na sinabi ng lalaking naka suit and tie.

Tumango nalang si Matthew at humarap sakin sabay sabing ,"Vanessa, I'm sorry". at tumalikod na at naglakad papalayo. At dun na gumuho lahat. Ansaya saya, PAKSH*t!

Now, It's You (My Second Time Around)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon