Chapter16. He

41 2 1
                                    

       Matapos ng beach party namin, hindi ko na nakausap si Matthew. Paminsan minsan bago kami mag practice ni Eric ng sayaw dumadaan muna ako ng AClub. Nakikita ko si Matthew, mukhang busy sa cellphone, malamang katext siguro si Yna. Umiiwas na nga rin ako sa kanya eh, matapos na umamin ako sa sarili ko na gusto ko siya. Umiiwas na ako sa mga pagkakataong magkakasabay kami, at magkakasalubungan kami. Hay feeling ko tuloy nagmomove-on ako kahit pa hindi naman naging kami ni Matthew. Ayaw kong makaramdam ng stress ng dahil sa nararamdaman ko para sa kanya kaya mas tinutok ko ang sarili ko sa pag aaral, at sa pag practice ng sayaw.

Malayo na rin ang usad ng practice namin ni Eric. Hindi narin ako ganun ka MEAN sa kanya dahil din siguro unti-unti ko na siyang napapatawad. Madalas nga nakikipagbiruan na ako sa kanya gaya nung highschool days na hindi pa kami. Minsan hinahatid niya ako sa bahay, hindi lang basta hatid. Tumutuloy pa siya samin, namention ko naman na close sila ni mama dati, diba? Ayun mas naging malapit parin si eric sa mga parents ko. Alam din nila na magkaibigan nalang kaming dalawa.

Naging malapit na rin ang loob ni Mica kay Eric, nagkakasundo rin sila sa iba't ibang bagay. Nangyari ding lumabas kaming tatlo after ng midterms. Masasabi ko Okay na rin halos...Pero eto iniisip ko pa rin si Matthew bago ako matulog.

Monday Morning...

Nasa school ako ngayon nakikinig sa professor namin na kung ano ano ang pinagsasabi. Nakatutok lang ang mga mata ko sa prof pero nalipad ang isip ko. At ng may pumasok ng room

Yaaaaan late na naman siya, parati nalang siyang late. Hindi yata marunong bumangon ng maaga to eh. Diretso lang sa paglakad si Matthew pero ng dumaan siya sa pwesto ko may nilagay siyang note sa mesa ko at dumiretso na siya sa upuan niya.

Tinignan ko ang note at binuksan.

Mag-usap naman tayo :p

-Matthew

At tumingin ako sa pwesto niya at nakatingin siya sakin...at ngumiti

Shemay! Yung ngiting yun parati akong dinadali , parati akong kinakabahan

Natapos ang klase namin, at lalabas na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko

“Vanessa....”

“bakit matt?”

“ba’t ka umiiwas sakin?”

“hindi ah...busy ka, busy rin ako, ganun lang yun”

“Hindi eh...galit ka pa rin ba dahil sa ginawa ko?”

“ba’t naman ako magagalit? “

“dahil nakipagbalikan ako kay Yna”

“hindi noh, nasabi ko lang naman yun kasi baka umasa si Yna, pero sa napapansin ko sayo, mukhang ok na ok naman na yung relationship niyo eh, mahal mo parin siya kaya ayos na sakin yun.”

“wala na kami”

Parang natanggalan ako ng tinik ng sinabi niya yun pero wait...ano naman kung wala na sila -___-

“why?”

“I realize that I’m already inlove with someone” at ngumiti na naman siya. Ampogi...hay-__-

Ayown.may mahal narin naman pala siyang iba eh.great. -___-

“oh..good. sige Matt, I have to go, may practice pa ako”

Now, It's You (My Second Time Around)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon