Nika's Pov
Nagligpit na kami ng mga gamit namin. Abalang-abala lahat ng mga kasamahan ko.
"Master?". Paglapit ko kay master Noah.
"Ano iyon iha?"
"Salamat sa lahat ng dahil sayo nalaman ko kung talagang sino ako.Di ko alam kung pano ko kayo pasasalamatan sa lahat ng ginawa niyong kabutihan samin."
"Iha walang ano man. Mission ko iyon at ginawa ko lamang. Isa kang espesyal. Marami kapang dapat malaman. Alam kong konting panahon nalang at malalaman mo na ang tunay mong pagkatao". Ngumiti s'akin at ngumiti rin ako.
"Uhm! Master ako po ba ang-".
"Hoy?bilisan mo jan pabagal-bagal ka pa kailangan na nating umalis". Sigaw ni Mr. Destination at ang layo na pala nila.
"Oo na anjan na". Sigaw ko pabalik. Di ko na natanong si Master Noah tungkol sa panaginip na sinabi ng mga diyosa na ako ang itinakda.
"Nika bilisan mo jan". Sigaw naman ni torrie.
"A-ah eh kasi,wait lang saglit lang."
"HHmmm m-master?y-yung ano kasi eh."sabay kamot ko ng batok.Letche bat si ko masabi sabi?-.-
"Hahahah iha kahit di mo sabihin hindi ko ito makakalimutan". Inilabas nito yung baso saka ibinigay s'akin.
"Yan ho ba yung immortal cup?". Gulat kong tanong dahil gintong-ginto parin ito kung titignan mo.
"Oo iha ito nga iyon.Sa isang tao lang ito nararapat at para sa iyo ito. Matagal kong itinago at pinag ingatan ang bagay na iyan. Sana ganun ka rin. Matagal na ito hinahanap ng dark lord ngunit hindi niya mahanap-hanap, ilang beses narin nila akong pagbantaang patayin para ibigay ko sa kanila ang bagay na ito. Ngunit hindi sila nagtatagumpay kahit i alay ko pa ang buhay ko para lang mapanatili ang kaligtasan ng basong ito, gagawin ko. Nasa basong ito ang kapangyarihan ng pagiging immortal ng isang wizard. Dugo ng itinakda lamang ang pumatak sa basong ito ay magiging immortal ay makapangyarihan ang sino mang makakainom. Sagrado ang basong ito.Kailangan mapanatili ang kaligtasan nito. Sa ngayon ikaw na ang nararapat mag bantay sa basong ito. Huwag na huwag mong ipapa alam sa mga taong nasa paligid mo kung nasaan ang Linus cup. Maaring ito ang maging dahilan ng pagkawala ng baso sa iyo".
Napatulala ako sa mga nasabi niya. Kailangan ko nga talagang ingatan ang bagay na ito hindi ito basta-bastang basong iniinuman ng tubig.
" Master paalam po". Nag mano ako at ngumiti siya s'akin.
"Hoy?tanda?nasaan na yung baso?". Galit na sigaw ni Mr.destination at papalapit silang anim s'amin.
"Hahaha bulbulin kong iho. Ang tanda mona eh ang sungit mo, abay umaatras ka ng paurong". Biro ni master.
Agad ko naman ipinasok sa bag ko yung baso. Wala namang nakakita. Inaakbayan ni master si jace at halatang hindi trip ni Jace yung ginagawa sa kaniya ni master.
"Master aalis na ho kami". pag paalam ni Ethan.
"Huwag na kayong dumaan sa yebe. Hayaan niyong ihatid kayo ng portal papuntang gubat para hindi na kayo magpakahirap pa".
Gumawa si Master ng isang portal at naunang pumasok agad si Mr. Destination di manlang nag paalam -.-.
"Master? Kailangan na ho naming bumalik. Salamat po". Kyle at pumasok sa portal.
BINABASA MO ANG
Magical Elemental Charm Academy:School of Magic
FantasyCOMPLETE ( UNDER EDITING/REVISING) Nika Shainna Crowford ay isang simpleng tao na nangangarap na magkaroon ng isang kapangyarihan. Mahilig siya sa mga fantasy stories and movies. Hindi nya lang alam na may kakaiba siyang taglay. Makikilala niya ang...
