Nika Pov's
"Move!now!" Jace. Dumating siya sa training field at sinigawan niya kami.
Bat parang beast mode nanaman si kuya? Sungit talaga kahit kelan ttsss. Gumawa siya ng barrier na hindi kami makikita kahit anong gawin namin sa loob. Walang sino man ang makakarinig kung may mga sasabog man dito sa loob.
"Hindi na tayo mag b-basic training. Matatanda na kayo kaya siguro kaya niyo na protektahan sarili niyo kahit ilang kalaban pa ang sumalakay sainyo." Jace
Grabe siya ang hard niya naman diba pwedeng easy muna bago hard?Eh, wala pakong alam tungkol sa mga mahihirap haayyss bahala na.
"Ano bang gagawin?" inosente kong tanong ko. Promise di ko alam gagawin ko Hahahaahha.
"Kaming tatlong lalaki magkakampi at kayo ring tatlong babae ang magkakampi. Ako ang unang maglalabas ng elemental charm tapos susundan niyo. Ituring nating kalaban ang isa't-isa matuto tayong protektahan ang sarili natin sa kalaban." Jace
Pumunta na siya sa gitna at pinalabas si phoenix bird kaming lahat ay nakatunganga lang hanggang sa sumugod na si phoenix at tumalsik kaming lahat, dahil iniwasan namin si phoenix. Naglabas na ng kaniya-kaniyang elemental charm ang lahat bumalik si phoenix at bumubuga na ito ng apoy at sakin ito papunta. Kaya inilabas ko ang elemental charm kong supot na hindi gumana kung kelan ko siya kailangan siguro ay dahil sa pagpapanic ko nanaman kaya naging seryoso nako at gumawa ako ng sheild. Nagpalabas ako ng Water blades para kay Ethan, Air blades para kay Kyle, Rock at fire blades naman para kay jace. Pinilit nilang iwasan pero di sila nakaligtas. Lumitaw kaming lahat sa ere at di ko namalayang nasa uluhan ko pala si phoenix napatingin ako kay Mr. Destination at nag evil smile siya. Bubuga na si phoenix ng apoy pero hinila siya ng mga ugat sa lupa.
"Thanks Torrie." hingal na hingal ako.
"You're always welcome."
"Watch out." sigaw ni Torrie at bigla ako bumaksak sa lupa. Shit! Sakit non ha. Tinamaan ako ng langit yung elemental spirit ni Ethan na akala mo anghel eh demonyo pala ang ugali.Naglabas ito ng air bomb at sakin pinatama.
Naglabas ng malaking fire ball si Mr. Destination at hinagis sa direksyon ko kaya nahirapan ako bumangon dahil malakas yung impact ng pagkabagsak ko sa lupa. Tatama na sana ito sakin ng biglang humarang si Athea para pigilan ito.
"Nika!Umalis ka na diyan." Athea. Hinaharang niya yung fireball na tatama na sana sakin.
Hindi na kayang ni Athea pigilan ang apoy kaya gumawa ako ng hurricane at hinigop nito ang apoy. Kinokontrol ko ito at hanggang ngayon ay hirap parin akong kontrolin dahil hindi ko pa masyadong master to. Si Ethan na sinusubukang pigilan ang hurricane ngunit hindi niya magawa.Hinabol sila ng hurricane at na nahuli din sila. Biglang may humampas sa likod ko ng naging dahilan ng pagkatalsik ko iyon ang water dragon na elemental spirit ni Kyle. Napangiwi ako dahil sa sakit at nawala yung hurricane.
"Ilabas ang elemental spirits." Athea. Nagkatalikuran kaming tatlo.
Nagkatinginan kaming tatlo at sabay-sabay naming inilabas ang elemental spirits namin. Umaapoy ang dragon ko nang lumabas ito sa pentagram niya. Nagwawala nanaman agad ang dragon at binugahan ng blue fire si phoenix. Ang elemental spirit ni Athea at Torrie ay naglaho kay phoenix. Sakin nalang ang natitira inatake ng dragon ko ang elemental spirit ni Ethan dahil sinakal ito ni dragon ko at napalaho ng dragon ko at demonyong anghel. Samantalang ang elemental spirit ni Kyle na water dragon ay naglaho din, at si phoenix ay natamaan ng eye lazer ng legendary dragon ko. Sa huling tira ay nagpalabas ng water blade si Kyle at air blade si Ethan pati narin si Jace na naglabas ng fire blast at ipinatama sa direksyon naming tatlo at bumagsak sa lupa. Ang sakit sobra! hindi na kami nakabangon agad.
BINABASA MO ANG
Magical Elemental Charm Academy:School of Magic
FantasiCOMPLETE ( UNDER EDITING/REVISING) Nika Shainna Crowford ay isang simpleng tao na nangangarap na magkaroon ng isang kapangyarihan. Mahilig siya sa mga fantasy stories and movies. Hindi nya lang alam na may kakaiba siyang taglay. Makikilala niya ang...
