Chapter 38>>Darkness End II

733 10 12
                                    


Nika's Pov




Namulat ko ang aking mga mata at pinag masdan ang paligid puro nakahandusay at dugong dumadaloy sa lupa ang aking mga nakikita. Unti-unti akong tumayo at mas nasilayan ko ang buong paligid na kahit isa ay walang natirang buhay. Nanghina ako sa aking mga nakita, nag lalakad ako kahit di ko alam kung san ako tutungo. Kasalanan ko ba to? Nakita ko si Torrie dilat ang mata at nakatingin pa sakin na tila walang hustisya ang pagkamatay nito. Nagsitayuan ang mga balahibo ko at unti-unti na akong nakakaramdam ng takot. Hindi ko na makikilala ang mga mukha ng mga wizard naka handusay.


" Mom?........Dad?.....anyone?." Tanging echo lang ng aking boses ang naririnig ko.

Umiiyak na ako ngunit may narinig akong boses, "Nika.." Agad akong napalingon sa paligid baka sakaling may makita pa akong buhay ngunit wala. Sa aking harapan lumitaw ang Apoy, Lupa, tubig at hangin. Nagpakita ang mga dyosa ng elemento malungkot na ngiti ang ibinati nila sa akin na mas ikinalambot ng ng aking damdamin.



"Eto na ang ang araw na itinakdang nakasulat sa propesiya." Fire goddess



"Malapit na mahuli ang lahat. Kung magtatagumpay ang Dark Lord ay lalaho narin kami habang buhay dahil mawawala na ang aming mga balanse." Water goddess




"Anong gagawin ko? Tulungan niyo ko." Napapikit ako habang umiiyak dahil walang wala na akong pag-asa.



"Ang gabay namin ay laging nasa tabi mo Prinsesa.....Hanapin mo ang Linus Cup, patakan mo ng iyong mga dugo at inumin mo ito." Earth Goddess.

"Ang baso ay isang gamitan lamang, sa oras na madikitan ito ng labi ng kahit sino ay mapapawalang bisa na ang kapangyarihan nito." Air Goddess



"Paano ba matatapos ang gulong to?" Nanghihina kong boses.




" Ikaw lamang ang nakaalam ng iyong kilos. " Fire Goddess.





"Ang kwintas ng Avillon ay nag bibigay isang kahilingan lamang." Air Goddess



"Sa pag sapit ng araw, buwan ay papanaw at butuin ay mananatiling nag niningning. " Earth Goddess




Isang bugtong ang iniwan sakin bago sila tuluyang nag si laho. Bakas sa aking mukha ang pagtataka kung anong ibig nilang sabihin.

------------------


Idinilat ko ang aking mga mata na parang walang nangyari hinawakan ko ang aking dibdib at pakiramdaman ko ay nawala na ang yelo sa dibdib ko. Bakas sa mukha ni Mrs. Criften ang gulat at ng iba pang councils. Sa aking pag gising ay nanatiling ginto ang aking mga mata, rinig na rinig ko ang pagsabog sa labas sumilip ako sa bintana at parang madudurog ako dahil marami na ang nakahandusay na mga wizard. Isang malakas na hangin aking pinakawalan upang masira ang bintana. Mula sa bintana ay tumalon ako pabagsak sa lupa at isang pyrokenesis ang aking pinakawalan.





Patuloy ako sa aking pag lalakad at bawat dark wizards na humaharang sa akin ay sinusunog ko, nagiging bato, tumatalsik at naninigas. Kelangan ko hanapin ang Dark Lord.

"Livitucus esme lè da vìo, dí madulom esperasitus okarene soxiua!." banggit ko habang tuloy-tuloy ang paglalakad ko at sinasalubong ang isang malakas na hangin. Dahil sa binigkas ko ay nag karoon ng malaking pagsabog.





Magical Elemental Charm Academy:School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon