Other Side Pov
"Mahal kong kapatid panahon na, panahon na ng aking pag hahari muli. Sa pag kakataong ito ay mapapasakamay ko na ang lahat."
"Pakiusap kapatid hayaan mo ng maging mapayapa ang mundo."
"Payapa?Hindi nga ako nabigyan ng kapayapaan ng mundo. Ako mismo ang kukuha ng sarili kong kapayapaan."
"At huwag kang mag alala aking kapatid. Malapit narin ang iyong kamatayan kasama ang iyong pinaka mamahal na anak anakan.....Sa gabing ito sa pag sapit ng pulang buwan mag hahari ang kadiliman."
"Hindi ka mag tatagumpay." wika ng ina ni nika na nag susumamo.
"Matulog ka muna." pabulong na wika ng dark lord kasabay ng inihipan nito ang muka ng ina ni nika.
"Tigilan mo na ito kapatid.Mapapahamak ka lamang."
"Matagal ko ng ninais ito kaya bakit pako titigil?Ngayon na ang itinakda.Bwuhahahahaa......Mga kawal mag si bangon kayo at mag aantay tayo ng paglabas ng pulang buwan."
Biglang may naglilipran na itim na kaluluwa at naging anyong tao ang mga ito na nakasuot ng mga itim na balabal.
"Panginoon alam na nila ang ating pinaplano." biglaang sulpot ni zack upang mag hatid ng balita.
di bali ng malaman nila dahil ngayon narin naman na ang pag sapit ng pulang buwan at hindi natin ito maaring palagpasin.
"Kapatid parang awa mo na wag mo na ituloy ito." sambit ng ama ni nika ngunit hindi ito pinapakinggan ng dark lord.
Lumapit ang dark lord sa tenga ng binata at may ibinulong ito.Agad namang sumang ayon si zack at nag bigay pugay ito bago pumanaw.
Nika's Pov
Hinanap ko yung immortal cup sa aking lalagyan upang dalhin ito kung sakanilang mag karoon ng gulo.Nais kong pag handaan ang ano mang maaring mangyari.Tumapat ako sa salamin at pinag masdan ko ang gintong baso.Pinag mamasdan ko ito at tilang natatakot ako na nabubuhayan ng loob na hindi ko maintindihan.
"Poprotektahan kita upang mapanatili ang balanse ng mundo." kasabay ng pagkawala ng baso saaking kamay upang itago ito saaking sarili.
Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko kung saan nasisilayan ko ang puting buwan pero tila may kakaiba.Nilapitan ko ito sa may binta ng aking silid at tinitigan ito ng mabuti. Mga ilang sigundo akong nakatitig dito ng bigla itong nilalamon ng dugong kulay. "Ang buwan nagiging pula." Agad agad ako lumabas ng kwarto at nag mamadali akong mag lakad papunta sa office ni Mrs. Criften.Malapit nako sa pinto ng office ngunit biglang may humawak sa balikat ko at para bang nanigas ako.Pagkatapos ay bigla nalang akong nawalan ng malay.
Jace Pov's
Nag paalam si Nika na may kukunin lang sandali sa kwarto nila dahil may kukunin daw.Habang napag uusapan namin ang mga balak na hakbang na maaring susunod na pag dipensa sa kalaban.Ngayong nanganganib na ang buhay ni nika.Ilang oras minuto na ngunit wala padin si Nika kaya nag tataka nako.
"I have to go for a while." tumayo ako at nakakailang hakbang palang ako at bigla akong napatigil.
"Pula na ang buwan. Maraming buhay ang manganganib.Dumating na ang takdang oras." gulat na nanginginig na sambit ni Mrs. Criften.
BINABASA MO ANG
Magical Elemental Charm Academy:School of Magic
FantasyCOMPLETE ( UNDER EDITING/REVISING) Nika Shainna Crowford ay isang simpleng tao na nangangarap na magkaroon ng isang kapangyarihan. Mahilig siya sa mga fantasy stories and movies. Hindi nya lang alam na may kakaiba siyang taglay. Makikilala niya ang...
