Jace Pov
Ilang araw narin ang nakalipas at maayos narin ang lagay ni Ethan at Nika. Alam na ng lahat na si Nika ang magbabalik na nakatala sa propesiya at dahil sa ipinagkalat ni Zach ang balitang ito. Natakot ang karamihan dahil tulad ng nakatala sa propesiya magbabalik ang darklord sa oras na bumalik narin ang itinakda. Lahat ay naghahanda narin sa possibleng hindi inaasahang pangyayari. Pumunta ako sa sa isang lugar ng academy na tahimik bukod sa secret garden, ay may isang lugar pa itong tahimik lang at malawak. Humiga ako sa damuhan at pinagmamasdan ang mga ulap. Ipinikit ko saglit ang aking mga mata habang nakapatong sa braso ko sa ulo ko.
"Ppsstt?" may sumitsit pero di ko ito pinansin. Ayoko ng pinag titripan ako baka gawin ko tong abo.
"Psstt?" hindi ko ulit pinansin.
Nagulat akong may dumamping labi sa labi ko kaya naidilat ko agad ang mga mata ko and she's the girl I love.
"Hahahah ayaw mo kasi mamansin eh." sabay irap niya sakin.
"-.-"
"Sorry." sabay higa niya sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Ikaw ang dapat kong ttanungin ko. Anong ginagawa mo dito?" lumingin siya sakin.
"Pake mo ba?" pumikit ulit ako.
"Sigh, kahit kelan ang sungit-sungit mo." then she pinched my nose.
"Tsk! Sigh." ang kulit talaga netong babaeng to kahit kelan.
"Alam ko na. Para di naman boring lumipad nalang tayo kasama yung elemental spirit natin." sumilip siya sa mukha ko habang nakatungkod at isa niyang kamay sa ulo niya.
"Let's go." tumayo ako at pitik ko siya sa noo. Napahawak naman siya sa noo at masamang tumingin sakin. Ngumisi lang ako at inilabas si phoenix
Nika's Pov
Inilabas ko na yung legendary dragon ko at nagwawala nanaman ito at pumupusnga.
"Wwaaahhh Mr. Destination?anong gagawin ko?" natataranta nanaman ako.
"Paamuhin mo." hinihimas niya ang pakpak ni phoenix.
Sinubukan kong lapitan ito pero talagang nagagalit siya. Wwwaahhh di koto keri. Sinubukan ko ulit ito ng dahan-dahan.
"Easy dragon,easy," tinitigan ko siya ng mata sa mata at nakita kong parang lumaki yung itim na bilog sa mga ginto niyang mata at yumuko.
"Ano pang hinihintay mo?" Jace. Napalingon ako sakaniya.
"Ano bang gagawin?hehehe." napangiwi ako.
"Hawakan mo na yan."
Hahawakan daw? di ko talaga kaya to baka mamaya i toast ako nito bigla. Pero sinubukan ko parin.......Whhat? is this real? wwaahhh siya na mismo yung nag adjust para mahawakan ko hahahahaha...astig. Nahahawakan ko na siya at bigla nanaman siyang yumuko.
"Gusto mokong sumakay sayo?" tinuro ko yung sarili ko. Baliw nako kinakausap ko tong dragon na di naman nag sasalita. Pero nagulat ako nong pumusnga ito. Ibig sabihin?wwaahhh gusto niya nga sumakay ako sa likod niya. Kaya agad naman akong sumakay.
"Good."Jace. Sumakay siya sa likod ni phoenix. Biglang nag bow si phoenix sa dragon ko.
"What is the meaning of that?"
BINABASA MO ANG
Magical Elemental Charm Academy:School of Magic
FantasiCOMPLETE ( UNDER EDITING/REVISING) Nika Shainna Crowford ay isang simpleng tao na nangangarap na magkaroon ng isang kapangyarihan. Mahilig siya sa mga fantasy stories and movies. Hindi nya lang alam na may kakaiba siyang taglay. Makikilala niya ang...
