I dedicated this chapter to my best friend huhuhuhu thank you for saving this chapter buti nalang may screen shot ka. Na delete ko siya ng hindi sinasadya HAHAHAHAHAHAHAH. Iyak na sana ako e. namishaina191825
Nika's Pov
Pagkagising at pagkagising ko, yon agad unang pumasok sa utak ko huhuhuhu. Mapapamura ako dito. Nanaginip lang ako diba? Nag lalakad kami sa hallway pero di natatanggal sa utak ko kung pano naging kami. Kasi ang bilis diba? Hindi niya manlang hinintay yung sagot ko, akala ko simpleng dare lang. Nako naman Nika di mo alam lung anong pinasok mo! Baka mamaya ako nanaman dumugin ng mga estudyante dito, kesyo inagaw ko yung demonyong yon?
"Hoy? Tulala ka nanaman jan?". Athea. Habang naglalakad kami papasok sa klase.
"Ugh, huh? Ano kasi e, basta ewan hindi ko maipaliwanag". Natataranta ako.
Nasa harapan na kami ng pinto at pumasok kami sa loob. Gaya ng dati maingay parin. Nakarating kami sa upuan namin at napatingin ako sa likod ng upuan namin. Nandito si Mr. Destination naka scowled face na nakatingin sakin. Nailang nanaman ako kaya humarap nalang ako ulit.
"Nika? Nandito kana pala? Kamusta party with my cuz?". Ian na umupo sa taas ng table namin.
"Wag mo na paalala yan, walang masaya kagabi.". Nag c-cringe ako.
"Kasi di mo ko naisayaw? Hahahahahahahaha". Lakas ng tawa niya at inirapan ko lang siya.
"Sorry, si Jace kasi sumusulpot-sulpot nalang bigla-bigla pag moment na natin HAHAHAHAHAHAHAH".
"Sayang nga e, may surpresa pa naman sana akong sasabihin sayo. Sayang hindi natuloy, pero pwede pa naman ngayon diba?". Ian. Kumindat sakin.
"Ano naman yon?". Napakunot noo ako.
"Ang totoo kasi niyan". Nilabas niya yung bulaklak at nahihiyang napakamot ng ulo.
Nagulat nalang ako nang may biglang humila sakin patayo ng upuan at kinaladkad ako papunta sa harapan. Hinila niya ako papalapit sakanya at inakbayan ako. Nakakahiya sobra, parang gusto ko matunay ngayon mismo. Bastos talaga tong Destination nato e, walang pag-iingat palagi. Tumahimik ang klase at nakatingin samin lahat.
"You already know this girl, don't you? But one thing you don't know about us is, we're already in a relationship". Ngumiti siya sakin ng nakakaloko. May halong gulat at inis ang tingin ko sakanya pabalik. Napatingin ako kay Ian at wala na siya sa lamesa namin. Nasaan na kaya yon?
"Nooooo!!! Papa Jace pinagpalit mo na ako?". Classmate 1.
"Papa Jace? Di na nga ako galit e pinag palit mo pa ako.". Classmate 2.
Madaming babae ang nag-iiyakan yung isa pa himatay effect pa. Juskuu! Ganito ba ka gwapo tong demonyo nato at habol na habol sila sakanya?
"What?? No, tell me you're joking Jace. Hindi pwede!". Tumayo si kira at pumunta sa harapan ko habang ang sama ng titig.
"Lahat nalang ba kailangan sayo?". Sinampal niyako sa unang beses.
"You whore!!". She slapped me for the second time and raised her voice. Hindi ako makapalag kasi naman e, ayoko rin ng away. Baka nasaktan lang talaga siya.
"This is for everything you bitch!!". Sa pangatlong sampal niya ay pumikit nako at wala akong naramdamang palad sa mukha ko.
Dinilat ko ang mga mata ko at hawak ni Mr. Destination ang kamay ni kira habang lumiliyab ng apoy ang kamay niya at nakatitig ng masama sakanya.
BINABASA MO ANG
Magical Elemental Charm Academy:School of Magic
FantasyCOMPLETE ( UNDER EDITING/REVISING) Nika Shainna Crowford ay isang simpleng tao na nangangarap na magkaroon ng isang kapangyarihan. Mahilig siya sa mga fantasy stories and movies. Hindi nya lang alam na may kakaiba siyang taglay. Makikilala niya ang...
