Nika's Pov
Naglalakad kami papuntang library dahil mag babasa kami ng mga libro. Tungkol sa ibat-ibang klase ng potions spell. Dahil kakabukas lang ng secret garden maraming tao ang tuwang-tuwa. Kahit saan ka dumaan ay puro tungkol sa secret garden ang mga usapan.
"Ang galing naman nun. Nabuksan niya mag-isa yung secret garden ng walang kahirap hirap?". girl 1.
"Oo nga!Ano kayang merong elemental charm niya?". girl 2
"Nakita ko na yun. Siya yung babaeng dumaan noon sa garden na lahat ng halaman ay nagsig pugay sakaniya. Pero nung dumaan ako nanigas lahat ng halaman."-girl 3
"Ang ga-". Magsasalita din sana si girl 4 pero pinutol ito ni girl 2.
"Hala?siya yun oh?". Napatingin nalang ako sa kanila. Lahat ng nasa hall way ay nakatingin samin habang naglalakad kami papuntang library. Siyempre ayoko rin maging masama sa paningin nila kaya nginitian ko nalang din ito.
-----------------*library*
"Oy?tingnan niyo to. Invisible potion spell". Torrie.
"Magagamit din natin yan". Sagot ko.
"Teka anong ginagawa ni kira dito?ginulo na lahat ng libro oh?". Athea.
"Malapitan nga". Torrie.
"Torrie wag, ako na". Lumapit ako kay kira at tinanong siya.
"Uhhmm kira?anong hinahanap mo?"
"The book of-". Parang napatigil ito at napatingin sakin.
"Book?what book?"
"The book of Ice element".
"Aahh...gusto mo tulungan na kita maghanap?". Lumingon ako kela athea at sinenyasang tutulungan ko si kira, pero pagka lingon ko sa direksyon niya kanina ay wala na siya.
"Where is she?". Tanong ko dahil bigla nalang siyang nawala.
"Baka nag teleport". Torrie.
"May hinahanap siyang libro."
"Libro?Ano naman yun?". Athea.
May pumasok bigla mula sa pinto ng library. Yung diwendeng nagsundo kanila Athea noong nakaraan.
"Ms.Crowford?Pinapatawag ka po ng dean."
"Ha?bakit daw may kasalanan bakong nagawa?"
"Sumama nalang po kayo sakin."
Kinakausap ko siya habang nasa hallway kami. Naka yuko ito at tinanong ko.
"Anong pangalan mo?"
"Dopey". Maikli nitong sagot.
"Bakit ka nakayuko?nahihiya kaba sakin?". Tanong ko at umiling naman ito.
"Eh ano?"tanong ko dito.Pero umiling ulit ito.
"Hindi kita pagtatawanan kahit ano mang sabihin mo. I promise". Sabi ko at nagsimula na itong mag salita.
"Natatakot kasi ako na baka pati ikaw pagtawanan ako sa itsura kong to. Akala ko kanina di ka sasama sakin. Kasi lahat ng wizards dito pinagtatawanan ako pag nakikita ako. Inaasar akong malaki tenga. Natatakot ako na baka ikaw bullyhin ako. Wala rin akong nagiging kaibigan. Tangin kayo lang tatlong magkakaibigan ang hindi ako pinandidirian at pinagtatawanan". Sagot nito may lungkot na boses kaya naawa ako.
BINABASA MO ANG
Magical Elemental Charm Academy:School of Magic
FantasyCOMPLETE ( UNDER EDITING/REVISING) Nika Shainna Crowford ay isang simpleng tao na nangangarap na magkaroon ng isang kapangyarihan. Mahilig siya sa mga fantasy stories and movies. Hindi nya lang alam na may kakaiba siyang taglay. Makikilala niya ang...
