Someone's Pov
(Dark side)
Isang nakakasilaw na liwanag ang nakita mula sa Ice mountain at ang lakas ng inerhiya ang galing doon.
"Alabor?"
"ANo ang aking maipaglilingkod sainyo aking mahal na diyos."
"Ibigay mo saakin ang libro ng historya."
"Masusunod ho kamahalan".
Naibigay na dark lord ang libro ng historya at binuklat ito mula sa unang-unang kabanata. Binasa niya ang tungkol sa legendary dragon. Sa huling pahina ng libro ay narito ang kaniyang sulat:
"Ito ang gusto kong mapasakin ngunit naisahan ako nito. Iniligatas nito ang sanggol na itinakda na dapat ay mapapatay ko na ngunit biglang lumabas ang legendary dragon at tinulak ako nito at na bitawan ko ang sanggol, hindi ko na ito hinabol at nakakasiguro akong patay na 'yon dahil sa bangin ito mismo nahulog. Matapos ang pitong araw ay nabalitaan kong nabuhay ang sanggol ngunit wala na dito ang kaniyang palatandaan.
Bago ikapitong araw nayon matapos ang digmaan ay binalikan ko ang bangin upang siguruhin kung patay na nga ang sanggol. May nakita akong isang wizard na balot ng balabal. Ipinag palit niya ang damit ng kaniyang bitbit na sanggol sa damit ng prinsesa. Dali-daling umalis ang nakita kong wizard at naglaho na parang bula. Makailang araw ay nabalitaan kong biglang nawala ang dalawang miyembro ng spell casters na si Heireen at ang aking kapatid na si Smith. Nag karoon ako ng teorya na sila ang nagtakas at ang kumuha sa prinsesa. Hindi ako makakapayag at nagpakawala ako ng maraming bantay maski sa mundo ng mga tao upang hanapin ang aking kapatid na taksil. Ilang taon rin ay nakalap ko ang balita na nasa mundo ng mga tao ang prinsesa. Alam kong babalik siya sa kaniyang mundo kaya ako'y nag-antay na lamang. Kailangan ko maunahang kunin ang kapangyarihan ng inosenteng dalagang ito upang hindi na ako mahirapan sakupin ang mundo. Ngunit siya ay bantay na bantay ng kaniyang elemento. Ang Linus Cup ang isa pang paraan upang matalo ko ang prinsesa na inaasahan ng mundo". Isinara ng dark lord ang kaniyang libro ng historya tungkol sa unang kabanata ng legendary dragon.
"Ang propisiya ay nagsasabing mag babalik ang itinakda at nandito na nga ang aking pinakahihintay. Wwwuuuhahahahaha..."
Muli nitong binuksan ang isang replikang libro ng historya at nakatala sa unang kabanata.
"Ang sanggol na may hawak ng legendary dragon ay siyang may pinakamalakas na kapangyarihan sa mundo ng majika. Tanging ang prinsesa lang ng Elementhalia ang may hawak nito.
Ngunit ito ay nawala ng mangyari ang ika unang digmaan. Sa pagitan ng Kadiliman at kabutihan. Ang prinsesa ng Elementhalia ay siya lamang ang may kakayahang kontrolin ang apat na elemento dahil sakaniya ito pinagkaloob ng diyosa ng apat na elemento. Ang prinsesa ay pinagtangkaang patayin ng dark lord ngunit ito ay niligtas ng kaniyang legendary dragon sa kapahamakan at sa kasamaang palad nabitiwan nito ang sanggol at nahulog sa bangin ang sanggol ng maikapitong araw natapos ang pagluluksa ng lahat sa pagkawala ng prinsesa dahil natagpuan na nila ang prinsesang duguan. Dinala ito ng batang lalaking nakatagpo ng saggol sa hari't reyna na unti-unti ng nawawalan ng pulso. Agad naman itong pinagamot ng reyna at naagapan agad ang buhay nito.Nagdiwang ang lahat sa saya na ang prinsesa ay muling nabuhay.
Hindi man nakita ng reyna ang palatandaan nitong balat sa kaniyang balikat,hindi man sigurado ang reyna kung talagang anak niya ito. Pero hindi ito pinansin ng reyna dahil parang wala paring pinagbago ang itsura nito at dahil narin sa suot nitong damit na prinsesa din ang kasoutan. Minahal ito ng hari't Reyna at inalagaan ng maayos."
"Kawawang, Hari't Reyna, nabuhay sa maling paniniwala". Saka sinunog ang libro.
"Bakit mo itinakas ang sanggol? Kapatid?". Sunod na tanong ng dark lord.
"W-wala akong kinalaman sa pinagsasabi mo". Sambit ng kaniyang kapatid.
"Bakit ka nawala dito sa mundo ng majika matapos ang Unang digmaan? Bakit hindi mo dinala ang prinsesa s'akin? "
BINABASA MO ANG
Magical Elemental Charm Academy:School of Magic
FantasyCOMPLETE ( UNDER EDITING/REVISING) Nika Shainna Crowford ay isang simpleng tao na nangangarap na magkaroon ng isang kapangyarihan. Mahilig siya sa mga fantasy stories and movies. Hindi nya lang alam na may kakaiba siyang taglay. Makikilala niya ang...
