One

152 2 2
                                    

Signed by: Keith Valentine Sampson

Isinarado ko ang aking notebook matapos pirmahan ang agreement namin.

Agreement na sapilitan. Pirmahan mo man o hindi, mapapasali ka.

"AAAAAAAAAAH!!!!!"

Tuloy tuloy ang pag agos ng kanyang dugo galing sa kanyang mga mata.

"Oh shut up Jero! Kasalanan mo 'to! Teka. Di ba ginusto mo naman 'to? You should be happy right now!"

Unti unti niyang hinila ang scalpel na ginamit niyang pantusok sa mata ng lalaki.

"A-ano b-b-ang k-asalanan k-k-o s-a inyo?" Hirap na hirap niyang sabi.

Mas lalo pang rumagasa ang dugong nanggaling sa kanyang mga mata nang tuluyan niya nang mahugot ang scalpel.

Napasama rito ang kanyang mga mata kung kaya't mas lumakas pa ang kanyang palahaw.

"ANO BA TALAGANG KASALANAN KO SA INYO?!" Buong lakas na sigaw ng kawawang Jero.

"Marami Jero. Marami. At di mo na 'to gugustuhin pang malaman. Pero dahil naaawa ako sa'yo" lumapit siya sa duguang lalaki "Sabihin nalang natin na may alam ka pero hindi ka nagsalita! Nagbulag bulagan ka Jero!"

Napatakip nalang ako ng aking tenga dahil sa lakas ng sigaw niya.

"May magagawa ka pa sana Jero! Pero wala kang ginawa! Ang selfish mo! Sarili mo lang inisip mo!"

Napasinghap nalang siya nang may lumandas na luha sa kanyang mga mata.

"I-I'm s-s-sorry." ani ni Jero

"H-hin-di k-ko s-sina-s-sad-AAAAAAAAH!!!!"

Unti unting nawala ang ingay sa loob ng abandonadong morgue dito sa aming university.

"Tapos ka na?" Tanong ko sa kanya

"Hindi pa."

Umupo siya sa isang bakal na hinihigaan ng mga bangkay habang nakatitig sa bangkay ni Jero.

"Really dude? Oh well papel. Bahala ka na dyan. Alam mo naman na gagawin mo." Humalakhak ako

"Help me."

Napatigil ako saglit sa aking pagtawa ngunit napatawa ulit ako nang nakitang seryoso ang kanyang mukha.

"Wag mong sabihing..."

"Stop it Val! You know my principles! Don't stare at me like that."

Napahalaklak na lang ulit ako. Maluha luha na ako kakatawa nang mapansin kong ang sama na ng tingin niya saken. Wow.

"Okay. Okay. I know. It's just that... nevermind."

Kinuha ko na ang gloves na nakalaan para sa bangkay na ito.

"Bs Bio dean's lister huh?"

"Val!"

Sinimulan ko na ang kailangan kong gawin pero hindi pa rin siya naalis.

"Magpalit ka na dude. You're so eww na talaga. Masangsang na amoy mo. Hahahahahahaha."

"Okay. Siguraduhin mong malinis kang magtrabaho."

"Malinis akong magtrabaho oy! Actually we're on the same page nga eh. Bs Bio dean's lister din ako. Hypocrite serial killer din like you!"

Imbis na pansinin niya ako ay nagpatuloy lang siya sa pag aayos ng gamit niya.

Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Nang matapos ako'y inayos ko na rin ang mga gamit ko at ang bangkay na kailangan kong idispatsa.

Inception: Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon