Ten

33 1 0
                                    

Deareanne's POV

"Arachne!" Tawag ni Ja.

Agad namang napalingon sa direksyon namin ang kasama nitong babae.

Inakbayan naman nito ang aking kapatid at mukhang may ibinulong. Sasabihin sigurong may mga college students na nakatingin at tumatawag sa kanya.

Pagkalingon naman ni Arachne ay kumaway ito kay Jastine at ngumiti. Tinanguan naman siya ng aking kaibigan habang papalakad sila papunta sa kinauupuan namin.

"Ate. Ate Jas. Kuya Neil. Si Ranceine nga pala, classmate ko po." Sabi ni Arachne

Napansin ko naman ang biglang pagtigil ni Neil sa pagtatype ng kung ano sa kanyang cellphone samantalang si Jastine ay nginitian at kinamayan lamang si Ranceine at nagpakilala.

"Oh bat ka natigilan dyan Neil?" Tanong ko out of curiousity

"Nah. I just find her name Ranceine unique and cool that I might add her in my story."

Sumulyap lamang siya sa babaeng kasama ng aking kapatid na si Ranceine ngunit bumalik agad ang kanyang tingin sa kanyang cellphone at muling nagtipa ito. Bigla namang napayuko ang babae.

Minsan ang weird talaga neto ni Neil. Minsan playful tapos biglang magiging seryoso tapos guguluhin bigla ni Jero para asarin.

Jero asan ka na ba?

Agad namang nagsalita si Jastine kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Bakit nga pala kayo nandito sa college department caf? Di ba bawal high schoolers dito?" Seryosong tanong niya sa dalawa na ngayon ay nakatayo parin sa harap namin

Mukhang natakot yung dalawa dahil bigla silang namutla na parang naubusan ata ng dugo. Jastine talaga bully.

Nakita ko namang nagkatinginan yung dalawang babaeng nakatayo sa harap namin at parang nag uusap gamit ang mata.

"Uhm ate kase a-" magsasalita pa lamang sana si Ranceine ngunit agad naman siyang pinutol ni Ja

"Hulaan ko. Puro gulay nanaman meals dun noh? HAHAHAHAHAHA!"

Tingnan mo 'tong kaibigan kong 'to. May pagkaabnormal din nang trip pa. Napatawa nalang din kami ni Neil. Napatawa din si Arachne dahil medyo kilala niya na si Ja na medyo bully.

Si Ranceine naman ay tulala pa rin. Lagot ka Ja.

"Osya osya. Bakit di pa kayo bumibili ng pagkain ninyo? Dito na rin kayo makitable sa amin para chika chika you know!" Napapalakpak pa siya habang sinasabi yun

G na g talaga pag chika ang pinag uusapan. Hays Ja. Napatawa nanaman ako sa pag akto niya.

"Mamaya nalang po. May hinihintay pa po kasi kami ate." Pagdadahilan ni Arachne

"Boylet?"

"Hindi po ate Ja. Classmate din po namin ni Ranceine. Childhood friend ko po."

Childhood friend?

"Russelle?" Tanong ko

"Si Levine po ate." Bigla naman siyang napatungo.

Levine. Hmmm.

Lumapit naman si Ranceine sa kanya at mukhang may ibinulong nung bumalik na siya sa kanyang wisyo.

"Ako nalang maghahanap sakanya baka naliligaw na yun kakahanap sa C.R. dito ka nalang muna Ranceine at baka maligaw ka din pag ikaw ang naghanap sa kanya eh di mo pa naman saulo yung univ."

Tinanguan na lamang siya ng kaklase niya at umupo na sa katabi kong upuan. Samantalang ang aking kapatid naman ay nagsimula nang maglakad papalabas ng cafeteria.

Inception: Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon