Eight

41 1 0
                                    

Deareanne's POV

Tuloy tuloy ang pag-agos ng aking dugo mula sa aking braso.

"TULUNGAN NIYO AKO!" Napabangon akong bigla.

Teka. Panaginip lang iyon? Nilibot ko ang aking paningin. Pink at yellow na wallpaper. Mga nakasabit na picture frames. Puting pintuan. Bakit nandito ako? Paano-

"Ate? Ate!" May biglang kumalabog sa pintuan.

Teka. Bakit nandito siya? Naalala ko yung panaginip ko. Dugo. Tiningnan ko ang braso ko pero wala namang sugat o gasgas o hiwa.

"Ate?" Tumambad sakin ang mukha ng aking kapatid.

"Bakit ka nandito?" Malamig kong saad.

"N-narinig kasi kitang sumigaw. M-m-masamang panaginip nanaman ba?" Nakayuko siya ngayon siguro ay natatakot sa akin.

"May pake ka pa pala matapos mo akong iwan?" Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at hinagilap ang aking tuwalya upang maligo na. Marami pa akong kailangang gawin.

"Ate hindi kita i-iniwan. Inasikaso ko yung mga papeles para sa-" pinutol ko siya

"Para sa academy na yon? Ilang beses ko na bang sinabi sa'yong ayaw kong dun ka kumuha ng senior high?!

Malayo yun Arachne! Oo nga mataas ang kalidad ng pagtuturo nila pati na rin ang facilities pero academy sila! Ibig sabihin dun ka magsstay!" Galit kong sabi sa kanya.

Hindi lang naman iyon ang rason ko pero yun ang pinaka. Marami na rin kasi akong naririnig na karamihan daw ng mga estudyante doon ay weirdo.

May nababalitaan din akong marami na rin ang namatay sa academy na iyon pero hindi lumalabas sa media dahil exclusive school yun. Meaning mayayaman ang mga estudyante at nadadaan sa pera ang lahat.

"A-a-te." Bigla siyang umiyak sa harapan ko.

"Hindi ako papayag. Para sa ikabubuti mo ang iniisip ko. Sa Quartz University ka magtatapos." Saad ko at naglakad na papunta sa banyo pero bago pa man ako nakarating doon ay may biglang humawak sa binti ko.

"Ate sige na please? K-kahit ngayon mo lang ako pagbigyan." Humagulgol na siya habang nakaluhod sa harapan ko.

Sorry Arachne. Kapakanan mo lang naman ang iniisip ko eh.

"Hindi." Madiin kong sabi sa kanya at iniwan ko na siya doon.

Pagpasok ko sa banyo ay narinig ko naman ang pagkasarado ng pintuan ng aking kwarto.

Napahagulgol nalang ako bigla.

Unti-unting na kaming nagkakalayo.

Wala kaming balita sa aming mga magulang pero nagpapadala naman sila ng pera sa amin.

Hindi namin sila nakakausap kahit sa skype man lang.

They left us seven years ago. Para pumunta raw sa Italy at dun magtatrabaho.

I was 12 years old that time. Si Arachne naman ay 8 years old palang. We were very close kasi ako yung nag aalaga sa kanya. Pero nagbago iyon nang tumapak siya ng Grade 8. Dun nagsimulang hindi na kami magkasundo.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumaan ako sa kwarto ng aking kapatid. Black ang pintuan at nakalock ito kaya hindi ko na nasilip.

Isang linggo rin siyang hindi umuwi kaya baka maalikabok na ang iilan niyang gamit.

Hindi ko alam kung saan siya tumuloy sa mga araw na iyon pero nang pinacheck ko ang bank account ay natrace kong may bawas ito kaya siguradong nakakuha siya ng pansamantalang tirahan at pang gastos sa loob mg isang linggong iyon. Pinag awayan kasi namin ang tungkol sa academy'ng iyon pero hindi ko naman inakalang hahantong sa paglalayas niya ang alitan naming iyon.

Inception: Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon