Seven

34 1 0
                                    

3rd Person's POV

Habang nag uusap ang dalawa sa control room ay nagsasalita naman si Deareanne at kinakausap ang di umano'y mahal niya.

"Sana sinama mo nalang ako" wika ng babae

Matapos niyang magsalita ay hinintay niya naman kung magsasalita ang kanyang kasintahan ngunit kahit anong pantititig ang ginawa niya at pagmamakaawa ay tanging tingin lang ang naisagot nito sa dalaga.

"Magsalita ka naman please..." Dagdag pa nito.

Hindi niya napansin ang pagdating ng kasama niya kanina. Nang mahalata ay di pa rin niya inaalis ang tingin kay Jero.

"Kumain ka na, Dear." Wika ng kasama niya

"Salamat nalang pero wala kasi akong gana." Malumanay niyang sagot.

"Hindi yan magugustuhan ni Jero."

Natigilan si Deareanne nang marinig ito. Alam niyang tama ang sinabi ng kanyang kasama. Ngunit nangingibabaw ang lungkot sa kanyang saya sa ngayon dahil hindi siya kinakausap ng kasintahan.

"He's really nowhere to be found Dear. Mahirap makakuha ng access kaya video call lang ang naibigay namin sayo. Yun nga lang hindi siya makakasagot." Malungkot niyang saad but deep inside, gusto niya nang makapatay sa inis.

Napagtanto ni Deareanne na nakakahiya pala ang kanyang ginawang pagtanggi. Siya na nga ang binibigyan tatanggihan niya pa. Sa kanya na nga nagmamalasakit masama pa ang loob niya.

"Namin..." Pabulong na sabi niya

"Oo. Namin Dear. Hindi ko naman kakayanin 'tong lahat 'no." Medyo asar niya nang sagot

"Oh. Sorry. Sige kakain na ako. Sabay ka?" Ibibigay niya sana ang plato sa kasama ngunit pinigilan siya nito.

"Wag na. Date niyo kaya 'to. Sige alis nalang muna ulit ako. Enjoy." Ani nito at naglakad na paalis

Kinilabutan ang babae sa huling salitang binitawan ng kanyang kasama kanina. Parang may ibang kahulugan.

"Paranoid mo. Gutom lang yan." Sabi sa sarili.

Nagsimula nang kumain ang dalaga. Hindi niya napansin kanina na kakalagay lang pala ng mga pagkain sa hapag nung bumalik yung kasama niya kanina.

Lahat ng paborito niya ay nandito kung kaya't ginanahan siya bigla. Matapos niyang lagyan ang plato niya ay nilagyan niya naman ang platong nakalaan kay Jero. Nilagyan niya ito kahit na alam niyang hindi naman ito makakain.

Nagsimula na siyang kumain. Hindi niya namalayan na nakadalawang plato na siya atsaka palang nakaramdam ng hiya sa sarili.

Pagkatapos niyang kumain ay dumating muli ang kasama niya kanina. Ngayon niya palang napagtantong hindi niya pa ito kilala dahil halo halo ang emosyon niya kanina.

"Tapos ka na?" Tanong ng kakarating lang na babae

"Uh. Oo. Pasensya na ha. Hindi pa pala kasi ako nakapaghapunan kanina kaya ayan ang dami ko tuloy nakain di man lang ako-"

Pinutol siya ng babae dahil naiinis na siya sa pagiging madaldal at madrama.

"Okay lang. Monthsary niyo naman eh."

"Teka. Sino ka nga ba? Bakit mo 'to ginawa? I mean bakit nag set up ka ng ganitong date? Bakit ka nakamaskara?" Sunud-sunod niyang tanong

Hindi na napigilan ng isa ang kanyang sarili. Hindi niya na kayang magbait baitan pa. Konti nalang.

"I have my own reason Dear so shut your mouth cause it's too annoying." Saad niya

Nagulat si Deareanne sa inasta ng kanyang kasama. Bigla siyang nabalutan ng hiya at takot. Gusto niya nang umalis. Gusto niya nang tumakbo at pumunta kahit saan basta malayo dito.

Napatingin siya sa tablet na may mukha ni Jero. Napatitig siya dito at napansin ang paulit ulit nito ginagawa. Fake ang video, yan ang nadiskubre niya. Ang tanga niya para hindi niya ito mapansin kanina.

"SINO KA?!" Sigaw ng babae.

"Ako lang naman ang papatay sa'yo Dear."

Yan na ang huli niyang narinig dahil bigla na lamang siyang nawalan ng malay.

Inception: Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon