Five

40 1 0
                                    

3rd Person's POV

Hindi siya mapakali.

Pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya.

Tingin siya nang tingin sa paligid ngunit mga abalang tao lang naman ang kanyang nakikita.

"Kailangan ko nang makauwi." Sabi niya sa sarili.

Mas binilisan pa niya ang kanyang lakad dahil may kailangan pa siyang patunayan at hanapan ng iba pang impormasyon.

"Hindi naglayas si Jero." Bulong niya sa sarili habang nakatitig sa pitaka ng kanyang nawawalang kasintahan.

Mahal na mahal niya ito at alam niyang mahal na mahal din siya nito kung kaya't hindi siya naniniwalang naglayas ang binata.

Marami siyang pinuntahang mga kaibigan upang ipaalam ang kanyang hinala ngunit ayaw siyang paniwalaan kahit na ipinakita niya ang wallet na kanyang natagpuan.

"Hindi siya maglalayas nang hindi dala ang wallet niya! Andito lahat ng pera at credit cards niya kaya imposibleng naglayas siya!" Humagulgol siya sa isa sa mga itinuring niyang kaibigan ngunit hindi siya pinaniniwalaan ni dinadamayan.

"Deareanne, stress lang yan. Baka naman iniwan niya yan kasi gusto niyang magsimula ulit. Itulog mo nalang iyan." Ani ni Jastine na matalik niyang kaibigan singtagal ng pagkaalala niya.

"Hindi Ja! Hindi pwede yun! Bakit niya kailangang umalis?! Akala ko ba mahal niya ako?!" Nagsimula nanaman ang pagtulo ng luha ng dalagang nangungulila.

"Deareanne. Listen. Kung mahal ka niya, babalikan ka okay?"

Wala nang nagawa ang dalaga dahil kahit ang pinakamalapit niyang kaibigan ay pinagdudahan pa rin ang hinala niya.

Lalo siyang pinanghinaan nang loob.

Nagsimula nang umambon ngunit wala siyang pakialam kung mabasa man siya.

Ngunit nang bumuhos na ang ulan ay dali dali siyang tumakbo papunta kung saan man siya dadalhin ng kanyang mga paa.

Sa sobrang pagmamadali ay may nabangga siyang babaeng naglalakad sa gitna ng ulan na nakapayong.

Bigla na lamang siyang napaupo sa sahig dala na rin ng pagod.

"Hala ate! Tumayo po kayo dyan at baka magkasakit po kayo!" Ani ng isang babaeng may bitbit na isang supot.

"H-h-h-indi s-siya n-ag l-l-layas."

Nanginginig si Deareanne dulot na rin ng lamig at kanyang paghagulgol kung kaya't inalalayan siya ng babae upang makatayo nang maayos.

Pilit pa niyang ipinakita ang wallet sa babae. Nagbabakasakaling paniwalaan at tulungan siya.

"Magkakasakit po kayo niyan. Taga saan po ba kayo ate? Ihahatid ko na po kayo sa inyo." anyaya ng babae upang mabaliwala ang sinabi ni Deareanne na mukhang hindi niya masyadong naintindihan.

Sinabi ni Deareanne kung saan siya nakatira ngunit siya ay natagalan dahil sa dami ng iniisip.

"Dito na lang ako. Salamat." Pasasalamat niya sa babae at pumasok na sa loob ng kanyang bahay na lumulutang pa rin ang isip.

Napagpasyahan niyang maligo na dahil napagtanto niyang bawal siyang magkasakit dahil marami pa siyang gagawin kinabukasan.

Inabot siya ng dalawang oras sa paliligo dahil bigla nalang siyang nawawala sa ulirat.

Pagkatapos niyang maligo ay nakaramdam siya ng gutom at lamig kaya pumunta siya aa kusina upang tignan kung may pagkain ba.

Wala man siyang gana ay kailangan niyang kumain dahil iniisip niya ang maaaring reaksyon ng kanyang kasintahan kapag nagpalipas siya ng gutom. Tumulo nanaman ang luha niya.

Napagpasyahan niyang pumunta nalang sa pinakamalapit na convenience store at doon kumain at mag kape.

Naglalakad na siya dala dala ang kanyang pitaka at munting payong.

Malapit na siyang makarating sa kanyang pupuntahan nang namalayan niyang hindi niya dala ang wallet ng kasintahan at maaaring mawala ito kaya bumalik siya sa kanyang bahay.

Ilang hakbang nalang ay makakarating na siya sa kanyang bahay nang biglang dumilim ang paligid niya.

Inception: Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon