Mariah Levine's POV
Linis dito. Linis doon. Linis kahit saan. Bakit ba ang daming kalat dito?
First day ng first sem, community service? Really? Ugh.
Ganito kasi yung nangyare kanina. Late ako kasi 8:20 am pala start ng klase ko. Akala ko 8:30. Tapos dumating ako ng 8:31.
So ayun. Nasermonan ako sa homeroom class namin. Nagdidiscuss na si Sir Riley ng house rules para sa section namin eh natyempuhan ko pa na ang topic na niya ay self discipline.
Ayaw niya daw na may nalalate sa klase kaya ayun. Ginawa niya pa akong example. Nabigyan pa tuloy ako ng parusa.
At anong parusa? Ang paglilinis lang naman ng soccer field. Breaktime ngayon. Oo breaktime. Nakakahiya kasi kahit first day palang eh madami na ang natambay dito. Sabagay maganda naman talaga ang ambiance dito.
Nang natapos na ako sa pagwawalis at pagpupulot ng mga kalat ay binitbit ko na yung dala ko trash bag papunta sa pinakamalapit na basurahan.
Pag bukas ko ng takip nung basurahan ay may biglang tumalsik papalabas. Ano yun?
Tinaktak ko na yung laman ng trash bag na hawak ko papunta dun sa mas malaking basurahan at nilagay ko naman yung trash bag sa gilid. Pagkatapos ay tiningnan ko yung bagay na tumalsik papunta sa sahig.
Wallet.
Binuksan ko yung wallet na makapal at tumambad saken ang ilang libong piso at iba't ibang credit cards sa loob. Tinignan ko yung ID sa loob. Bs Computer Engineering.
Kyle Jero S. Huedes
Eh? Paano napapunta 'to sa basurahan? Sobrang yaman ba neto ni kuya at basta basta nalang nagtatapon ng pera? Literally. Sayang pogi pa naman.
Baka naman naiwan lang? Pero bakit sa basurahan? Magnanakaw kaya 'to?
Ayokong madamay kaya napagpasyahan kong itapon nalang ulit. Ayokong dalhin sa lost and found. Baka mamaya pagkamalan pa akong magnanakaw edi guidance office deretso ko.
Itatapon ko na ang wallet nang may biglang marahas na humablot neto sa kamay ko kaya bigla akong napalingon.
Isang babae. Isang babae ngayon ang nakatitig sa wallet. Nakatitig sa picture na nasa wallet nang may biglang lumandas na luha sa kanyang mga mata.
"Uh ate? Nakita ko lang po yan dito nung may itatapon ako. Hindi ko po yan kinuha or ninakaw. Inosente po ako." Sabi ko habang kinakabahang nakatitig pa rin sa kanya.
"T-t-tama a-ak-o." Sabi niya na humahagulgol na
"Hala ate! Wala po talaga akong kasalanan. Pinaglinis lang po ako tapos nakita ko lang p-" naputol yung sinasabi ko nang bigla nalang siyang tumakbo.
Guidance na ba ito? Bakit ang weird ng mga tao dito?