Signed by: Keith Valentine Sampson
Isinarado ko ang aking notebook matapos pirmahan ang agreement namin.
Agreement na sapilitan. Pirmahan mo man o hindi, mapapasali ka.
"Val!"
Andito nanaman siya...
"Not my fault." Huminga ako ng malalim. "I should go now may klase pa ako."
Tumalikod na ako upang iwanan siya sa kinatatayuan niya ngunit muli niya akong iniharap sa kanya at hinawakan ang aking magkabilang braso.
"Class? As far as I know vacant niyo ngayon." Nagtiim ang kanyang bagang. "Are you trying to escape from me?"
"Bakit naman ako tatakas? May dapat ba akong takasan?" Sagot ko sa kanya habang sinusubukan kong alisin ang aking mga braso sa kanyang kamay ngunit mas malakas siya sa akin.
Mayroong gustong takasan ngunit mahirap.
"You killed h-"
"I didn't!"
"Yes, you did." pabulong niyang saad habang ang kanyang boses ay parang pilit na pinapaos.
"Juan Lee was the one you picked during that night yet he refused.
"He ran away from you Val kasi natatakot siya sayo at sa maaari mong magawa at gawin."
"Funny mo." I said.
"What?"
"Joker."
"So now you are giving me an endearment. How sweet of you Val."
He was about to hug me from my back nung nakakita ako ng chance para kumawala sa kanya kung kaya't agad naman akong nakalayo.
"Aww rejected by Valentine. I have feelings too partner." Arte niya na parang nasaktan nga."So you think na hindi mo ako nasaktan sa pambibintang mo sa akin tungkol sa pagkamatay nung Juan Lee na yun ha?" Tumalikod ako sa kanya at umarteng nagtatampo.
I can play games too, partner.
"I was just testing your patience. Malay ko ba kung ikaw talaga ang gumawa nun." He said with his lips pouted.
"You are judging my skills! Kung papatayin ko man siya, hindi ko ibabalandra sa publiko ang aking obra! Mahal ang talent fee ko fyi."
"Aww I'm sorry my own version of Quinn."
Umakma siyang lalapit sa akin ngunit agad kong pinahinto sa pamamagitan ng pag senyas.
"I called you a joker because you were funny at that moment. Hindi iyon nangangahulugang Joker ni Harley Quinn! Yuck par please stop." I laughed with disgust.
Bigla naman siyang sumeryoso matapos kong sabihin yun.
"Malaki ang problema kung hindi ikaw ang pumatay."
Matapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya ngunit muli akong nilingon nito.
"Hihintayin kita sa Q7 pero kapag nalate ka ay aalis na ako. I'll go now."
At muli siyang tumalikod upang maglakad palayo.
Agad namang tumunog ang bell na nagsasabing bumalik na sa kanya-kanyang silid ang mga may klase.
Nagmadali naman ako bigla dahil mukhang kailangan kong imbestigahan ang kasong iyon lalo na nang sinabi niyang malaking problema ang nangyari.
Humahaba na ang listahan ng mga kailangan kong gawin at hindi ako makahanap ng tyempo para masimulan ito.