Nine

37 1 0
                                    

Mariah Levine's POV

"Araaaaaay!" Agad akong napabalikwas dahil sa bigat na naramdaman ko sa aking tiyan.

Minulat ko ang aking mga mata. Good morning sunshine! Ang taas ng sikat ng araw ngayon ah? Sabagay ang lakas ng ulan kagabe.

"Ate kising ka taw sapi Papa." Niyugyog niya ako kahit na hindi naman ako masyadong nagagalaw nitong chikiting na ito. Ito pala yung pumatong sa tyan ko kanina. Bigat bigat.

"Zero mamaya na." Mamaos-maos kong sabi sa kanya.

"Okay! Pahala ka." Sabi niya naman sabay belat sakin tapos bigla nalang tumakbo palabas ng kwarto ko.

Hays. 6 years old na bulol pa rin.

Tingnan ko naman ang wall clock sa taas ng bintana sa kanang bahagi ko. Bigla akong napatayo at napatakbo papunta sa banyo upang maligo na. 7:30 am na pala. Patay late nanaman.

Natapos akong maligo at magbihis sa loob ng 30 minutes. Patay 20 minutes nalang time na. Lagi pa naman naming first subject teacher adviser namin.

Achoo!

Napabahing ako bigla habang tumatakbo papunta sa kusina. Watdahel? Bakit may sipon ako?

Ay oo nga pala! Yung kagabe!

Naglalakad na ako pauwi bitbit yung mga requirements na binili ko. Malapit na kasi dito yung bahay namin.

"Ang lamig. Brrrr." Medyo niyakap ko yung sarili ko nang biglang humangin nang medyo malakas.

Teka. Baka mabasa yung binili ko! Kumuha ako ng plastic galing sa aking bag at pinambalot ito dun sa supot. Hindi na kasi kasya sa bag ko kasi maliit lang yung dala ko.

Pagkatapos kong siguraduhing hindi na ito mababasa ay naglakad na ulit ako. Ang hirap magbalot huh!

Maglalakad na sana ulit ako nang may bigla akong nabunggo. Eh?

Natumba yung nakabunggo saken kaya agad ko namang inalalayan.

May sinasabi pa siya saken pero hindi ko na masyadong naintindihan kasi lumalakas na nang onti yung ulan.

Teka. Eto si ateng biglang humablot dun sa wallet ah? Umiiyak parin siya?

Napagpasyahan ko na lamang na ihatid siya sa bahay nila dahil gumagabi na rin at kailangan ko nang makauwi. Basang basa na rin siya. Non sense yung pag gamit ng payong pero ginamit ko parin.

Nang maihatid ko siya ay bigla akong kinilabutan. Parang may nakatingin sakin.

Dahil sa sobrang kaba ay umalis na rin ako doon.

Sa sobrang bilis kong maglakad ay hindi ko na napansing natatangay na pala ng hangin yung payong ko. Azaaaaar. Inayos ko ito at naglakad na ulit.

Nung one street away nalang ako sa bahay namin ay bumalik na sa normal na bilis yung paglalakad ko.

Basang basa na ako.

Pag uwi ko ay inayos ko muna ang aking mga gamit. Hanggang sa di ko namalayang natuyo na pala buhok ko.

Naligo na ako pagkatapos para makakain na.

"Oh anak bakit ngayon ka lang?" Nagulat ako nang biglang nagtanong si Papa na nanggaling sa front door. Ibig sabihin umalis din siya?

"May binili lang po para sa school." Sagot ko sa kanya sabay ngiti.

"Osya sige kumain ka na para makatulog ka na. Ako na magliligpit pagkatapos." Saad niya kaya tumango nalang ako.

Pagkatapos nun ay natulog na ako.

Inception: Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon