Four

44 1 0
                                    

Mariah Levine's POV

Susundan ko sana yung babae kasi mukhang hindi siya okay kaso nga lang time na.

Bumalik na ako sa aming classroom at umupo na sa upuan ko kanina. Ano kayang next subject?

"Levine?"

Napalingon ako sa nagsalita. Ako ba yung tinatawag niya?

"Uh. Hi?" Sabi ko nalang para hindi masyadong rude.

"Seriously? Di mo ako makilala?" Sabi niya.

Tignan ko siya mula ulo hanggang paa. Teka. Kilala ko ba 'to?

Nung napansin niyang nagtataka pa ako ay pinakita niya sa akin yung tattoo niya sa kaliwang tenga. Spider.

"Arachne?! Ohmygad ikaw ba yan?!" Napatayo ako bigla at napahawak sa magkabila niyang balikat.

Di ko kasi siya inaasahan dito. Ang alam ko kasi enrolled na siya sa ibang eskwelahan.

Tumango tango nalang siya at naupo sa kanyang upuan na katabi lang nung saken.

Tumingin siya sa may pintuan kung kaya't napatingin din ako dun. Teacher.

Umayos na rin ako ng upo at kumuha ng notebook at ballpen. Good girl ata 'to. Pero syempre makikipagdaldalan din ako.

"Arachne! Akala ko nakapag enroll ka na sa ibang school?" Pabulong kong tanong syempre baka marinig ng teacher.

"Yung totoo Levine? Sabi ko nakapag enroll na ako sa Quartz High School ah? Ibang school ka dyan?" Pabulong din niyang sagot.

Binigay lang sa amin ang listahan ng requirements sa subject na ito pati yung mga topics na itatackle this semester.

Puro ganoon ang nangyare sa lahat ng subjects since first day palang. Buti nga walang surprise quiz eh. May mga ganung teacher kasi.

Pagkatapos ng klase ay inayos ko na ang aking gamit upang makauwi na.

Naglalakad na ako papalabas ng gate nang makita yung weird na babae kanina. Yung kumuha nung wallet?

Mukha siyang natatarantang ewan. Patingin tingin kasi siya sa paligid tapos bigla ulit maglalakad.

Nakalabas na ako ng gate ng high school area at tumingin sa paligid. Tatambay pa kaya ako?

Maglalakad sana ako papunta sa basketball court nang makaramdam ako ng patak ng likido sa aking braso.

Wrong timing. Umaambon na.

Dederetso na sana ako sa basketball court kaso naalala kong mga requirements pa akong kailangang bilhin kaya imbis na dumiretso ay napagpasyahan kong umalis na at pumunta sa pinakamalapit na mall.

Jeep o taxi?

Halos limang daang metro lang ang layo ng pinakamalapit na mall dio kung kaya't napagpasyahan kong maglakad nalang.

Binuksan ko na ang aking kulay pink na payong para hindi ako mabasa. Kahit ambon palang kase pwede na akong magkasakit so better nang sure.

Nang makarating na ako ay pumunta na ako sa school supplies store at inilabas ko na yung notebook kong may listahan nung mga kailangang bilhin.

2 ticklers
Yellow pad
5 long folder (plain white)
Expandable black envelope
Stationary envelopes
and the list goes on

Sa huling bahagi nung page ay may kakaibang nakasulat kasi hindi naman ganito yung penmanship ko.

2 CD/DVD

Inception: Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon