Two

73 3 0
                                    

Mariah Levine Ralto's POV

Another sem, another chem. Oh how I loooooove Chemistry!

Naglalakad ako ngayon papunta sa chem lab since maaga pa naman.

Ang laki naman netong Quartz University.

Inilibot ko ang aking paningin upang maikumpara ang naglalakihang mga buildings sa map na hawak ko.

Chem lab. Chem lab. Chem lab.

There. You. Are.

Tinahak ko na ang daan papunta sa science department kung saan nandoon ang pinakamalapit na chem lab.

Nang makarating ako sa classroom na iyon ay sinubukan kong buksan yung pintuan pero naka lock ito kaya sumilip nalang ako sa tinted na bintana.

Nahirapan akong makita ang nasa loob kaya mas lalo kong inilapit ang mukha ko sa bintana.

"Excuse me, miss?"

OH. MY. DIZ. IZ. CLOUD. NINE.

"Miss?"

Konting silip pa lang nakakaamaze na!

"Miss? Naririnig mo ba ako?"

Ang laki nung Chem lab tapos mukhang kumpleto pa sa facilities. Tapos may isa pang pintuan sa loob nung room. Siguro doon nakalagay yung mga machines, freezers, etc.

Biglang may humarang na malaking katawan sa harapan ko. Watdahel?

"Excuse me po kuya. Ako pong nauna dito."

Aba hindi ako pinapansin. Wow.

"Kuya?"

Kinalabit ko na siya sa balikat nung hindi niya pa rin ako pinapansin pero wala talaga ata siyang balak mamansin kaya siniksik ko yung sarili ko sa pagitan niya at nung pader.

"So anong feeling na hindi ka pinapansin? Na pinagmumukha kang baliw kakatawag sa taong di ka pinapansin?" Sabi niya habang parang malalim ang iniisip.

Ay may pinagdadaanan? Hala.

"Uh. Kuya kung may problema po kayo siguro naman po may guidance counselor dito. Baka po makatulong sa inyo."

Wala ata siyang balak humarap saken kaya napagpasyahan kong umalis nalang. Baka malate na ako hahanapin ko pa classroom ko.

Inayos ko na ang aking backpack at papalakad na sana palayo nang biglang may humablot sa braso ko.

"So after mo akong hindi pansinin iiwanan mo nalang ako bigla?" Lumingon siya sa akin.

"Eh?" Weird.

"Miss Ralto. Bawal ang high school students dito. Hindi mo ba alam?"

Mula sa pagiging emotero ay nagbago ang aura niya. Seryoso at matalim niya akong tinignan.

"Pasensya na po. Transferee lang po kasi ako dito. Sige po hindi na ako babalik. Babuuuuush!"

Tumakbo na ako nang sobrang bilis kasi nakakakilabot talaga yung tingin niya. Prof ba yun? Parang di naman.

Hinanap ko na yung classroom ko. Ah oo. Grade 10 palang ako. Pero babalik ako dun! Gusto kong makapasok dun. Hays heaven.

Room 204

There you are.

Time check! 8:31

Fudge?! Advance ba relo ko? Oh no.

Inception: Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon