Twelve

33 2 0
                                    

3rd Person's POV

"Di pa nga napopromote, namatay na." Bulong ng isang taong dumaan

Isang linggo mula nang huling makita si Xia sa unibersidad ay lumabas ang nakakagimbal na katotohanan. Isang linggo na ang lumipas magmula nang nangyare ang di inaasahang insidente. Usap-usapan naman sa buong paaralan ang biglaang pag drop out ng isa sa pinaka sikat na estudyante rito na si Xia. Ang hindi alam ng karamihan ay tuluyan na ngang namaalam sa mundo ang estudyanteng ito at hindi lamang nagbakasyon.

"Ehem!"

Tumunog ang malilit ngunit maraming speakers na nakalagay sa bawat sulok ng departamentong kinabibilangan ng estudyanteng nagsasalita. Kung ihahalintulad sa ibang departamento, mas marami ang nakakabit dito dahil mas marami ang naging kaibigan ng estudyante sa lugar na ito.

Kung papansinin ang mga hallway, patuloy lamang sa paglalakad at pakikipagkwentuhan ang mga estudyante habang ang iba naman ay abala sa kanya-kanyang gawain.
                                                              
"Hi everyone! Xia Ezrene Fuello speaking!"

Dahil sa paglalahad ng kanyang katauhan, nakuha nito ang atensyon ng karamihan sa mga estudyante kasama na ang mga may klase gawa na rin ng malakas nitong tunog.
 
"Before I begin this indeed wonderful and beautiful speech like me, I would like to extend my deepest apology to Erica for I have been the lamest yet the bestest friend of yours ever! Ranceine, I'm sorry for not being able to bond with you that much and I think that hanging out with you now is greatly impossible to do."

Nagtaka ang karamihan dahil medyo garalgal ang boses ng dalaga.

"To my closest and other friends, I owe you a lot for accepting me for who I am."

Tahimik ang buong paligid at taimtim na pinapakinggan ang boses ng nagsasalita samantalang ang tinutukoy namang mga kaibigan ni Xia ay grupo grupong nagchichismisan.

"Accepting me for who I am naku kung alam lang niyang pinagtitiisan lang mga kaartehan niya." Bulong ng isang itinuring na kaibigan ni Xia.

"Wow thanks to you sweety we are now as popular as you."

"She gave me a Gucci bag! So cheap!"

Marami pa ang nagbunyag ng tunay na saloobin habang ang iba naman ay nanatiling tahimik na nakikinig.

"To those who used me, I'll forgive you all before I pass away haha."
                                                             
Natahimik muli ang buong paligid kabilang ang kanina'y nagchichismisan lamang.

"In case na makita or makilala niyo yung parents ko who abandoned me years ago, please tell them that I still love them no matter what happens tapos sorry na rin.

"Also, to the whole community of Quartz University, thank you so much for all! Sayang naman hanggang high school lang ako."

Umalis na ang ibang mga estudyante samantalang ang iba naman ay patuloy na nakikinig tulad na lamang ng grupo nila Ranceine na umiiyak na habang patuloy na nakikinig.
        
"One more thing, please give my crown to this transferee named Ranceine."

Namilog ang mga mata ni Ranceine nang marinig ang gustong mangyari ng kaibigan.

"Last na! Hahahahaha. In case na tuluyan man akong mawala, mawala like hindi ako mahanap or mahanap ako as a pretty corpse, the blame is all on me. Lovelots people of the earth especially you Andy!"

Matapos magpaalam ng dalaga ay sabay sabay na sumabog ang maliliit na speakers ngunit sa kabila ng pagsabok nito ay wala namang napinsala at hindi nagdulot ng kahit maliit na apoy kundi naging abo lang ito. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inception: Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon