Six

35 1 0
                                    

Signed by: Keith Valentine Sampson

Isinarado ko ang aking notebook matapos pirmahan ang agreement namin.

Agreement na sapilitan. Pirmahan mo man o hindi, mapapasali ka.

"TULONG! TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!" Sigaw ng kawawang babae.

Hindi siya kawawa. Hindi. Hinding hindi.

"Chill! Kahit anong sigaw ang gawin mo, walang makakarinig sa'yo, Dear." Bulong ko sakanya.

Bigla naman siyang napatahimik kung kaya't napahalakhak nalang ako.

"A-anong k-a-a-kasalan-an k-o s-sayo?" Pautal niyang tanong.

"Wala naman. Pero di ba ginusto mo naman to?!"

Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang panyong nagpapadilim sa kanyang paningin.

Pagtanggal ko sa panyo ay bakas sa kanyang mukha ang pagkamangha at pagkalito.

"A-asan a-a-ako?" Tanong niya

Tuluyan ko nang binuksan isa isa ang switch sa remote na hawak ko. Unti unti namang umilaw ang mga lanterns na nakahilera sa gilid ng isang pink carpet na may mga nakakalat na petals.

Sa kabilang dulo ng carpet ay may table for 2 na nakahanda.

Lasapin mo ang sarap hangga't nariyan pa.

Inalalayan ko siya upang makarating sa kabilang dulo dahil mukhang hanggang ngayon ay di pa napapawi ang pagkagulat niya na kitang kita sa kanyang mga mata.

"J-j-jero?" Sabi niya.

Pinaupo ko siya sa upuang nakahanda para sa kanya. Nakaharap siya ngayon sa harap ng taong nais niyang makita, makasama, at mahal na mahal niya.

"Happy Monthsary sa inyo Deareanne!" Bati ko sa kanya kasama ang isang malapad na ngiti.

Ngiting umaasang magtatagumpay ang aming plano kahit alam kong madali lang naman 'to.

Muli naman akong sumulyap sa kanya at kitang kita ko ang labis niyang kasiyahan. Nakatitig siya ngayon sa kanyang mahal habang humahagulgol na sa saya.

Parang kinukurot ang puso ko.

Hindi tama 'to. Hindi tama 'tong nararamdaman ko.

Tama lang na magdusa siya. Oo magdusa. Pero kailangan niya munang magsaya.

Papasayahin muna namin siya ngayon.

"Hindi siya makakapagsalita, Dear. Nasa malayong lugar siya. Ginawan lang namin ng paraan para makita mo siyang muli. Kaya kung ako sa'yo, sasabihin ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kanya dahil alam kong maririnig niya ako." Ngumiti ako sa kanya. "Sige. Iiwan ko na kayo dito ha?"

Tumango lang siya. Buti naman ay naiintindihan niya pa ako kahit na humahagulgol pa rin siya.

Oo nasa malayo na si Jero.

Nasa impyerno na siya syempre.

At oo. Video call lang ang pinakita ko sa kanya kanina. Actually hindi talaga siya video call dahil recorded na yun. Maikling video na pinaulit ulit lang pero hindi masyadong halata.

Matagal ko nang hawak ang video na iyon. Recorded when Jero was still alive. Still kicking. For future purposes of course. At eto na yun.

Umalis na ako sa lugar na iyon at pumunta sa control room ng buong apartment upang mapanood ko pa rin ang nangyayare. Kailangan ko siyang bantayan.

Pagdating ko sa kwarto ay naabutan ko siyang nakaupo sa nag iisang upuan dito kaya nanatili akong nakatayo at tumingin nalang sa mga monitors.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko nang hindi tumitingin o sumusulyap man lang sa kanya.

"I'm your partner." Sagot niya.

Hindi na ako nagtanong pang muli dahil hindi rin naman siya sasagot nang maayos.

Napansin niya atang nakatayo lang ako habang nagmamasid sa monitors samantalang siya ay nakaupo at hindi naman nangangalay kaya bigla siyang tumayo.

Akala ko ay papaupuin niya ako ngunit inilabas niya lang ang upuan sa loob ng kwarto at sa sahig umupo.

Problema nito?

Hindi ko nalang ito pinansin at pinagtuonan ko nalang ang monitor na para sa kwarto ni Deareanne.

Hanggang ngayon ay hindi pa siya nagsasalita upang kausapin si Jero. Si Jero na iniwan siya nang wala man lang paalam. Kumbaga naglayas at hindi na muling nagpakita.

"Sigurado ka bang di yan papalya?" Tanong niya sa akin kaya napalingon ako dahil sa bigla niyang pagsasalita.

"Hindi pwede." Diin ko.

"Hindi pwede pero maaari." Mas madiin niyang saad.

"Hintayin mo lang. Bibigay din yan. Alam mo naman sigurong halos lahat nang tao ay nakokontrol ng emosyon nila di ba?" Tinignan ko siya. "Isa ka na nga sa mga nabiktima nito eh." Sabay ngiti sa kanya.

Alam kong nabiktima na rin siya. Ako rin naman eh.

"Shut up Valentine." Sabi niya na tila naiirita na sa akin.

"Valentine." Sabi ko

"Valentine. Valentina. Romance...Love" humarap ako sa kanya "She's currently conquered by love kaya magagawa niya ang mga bagay na hindi niya inaakalang gagawin niya o kaya niyang gawin." Paglilinaw ko sa kanya.

"Tapos?" Tanong niya habang nakapangalumbaba

Ugh. I hate this human.

"At ngayong nasasaktan siya dahil iniwan siya bigla, mas titindi ang nararamdaman niya. Just wait until she shatters."

Bumaling ulit ako sa monitor upang tingnan kung ano na ang nangyayare sa loob.

Umiiyak pa rin siya.

Pero this time, nagsasalita na siya.

Kinakausap niya na ang nasa harapan niya.

Utu-uto.

Inception: Let The Game BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon