CHAPTER 24

140 2 0
                                    

---JAKE'S POV---

mabilis pa sa kidlat akong lumingon sa pinanggalingan sa tumutunog na CVR. nabuhayan ako ulit sa pagkatingin ko't hindi na nag mukhang straight line ito. napalingon naman lahat ng nandun sa E.R at kumaripas na tumango sa hinihigaan ni jarry. dinali daling nagpatuloy ang mga nurses at doctor na nandun. hindi sila ubos makapniwala na nabuhay ang pasyente ulit. napahigpit ang yakap ko kay ryan na andito ngayon saking tagiliran. napatulo ang mga luha ko sa pagpapasalmat na buhay ulit si jarry. umalis na ako doon sa loob at hinihintay nalang ang pagtapos ng operation. hindi ako mapakali na para akong baliw na pabalik balik ang lakad. "tol! kanina pa ako nahihilo sayo pweding umupo ka muna dito?" pagrereklamo ni ryan na kanina pa sunod ng sunod ng tingin sakin. hanggang sa nangalay natong paa ko't tumabi sa upuan ni ryan. ngayon ko lang naramdaman ang paghihina ng aking katawan na medyo inaantok na ako't gustong mamahinga. napansin naman iyon ni ryan at pinasubsub niya ako sa kanyang braso. hindi nalang rin ako pumalag sa dahil yan naman ang gusto ng katawan ko. makapahinga lang ako ng konti ay okay na sakin.napapikit ako sa paglapat ng aking ulo sa malalaking braso ni ryan. .

nagising ako nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. wala na pala si ryan sa tabi ko't iniwanan ako dito mag isa sa upuan na nakahiga. tiningnan ko ang cellphone ko't si ryan ang tumatawag. "hello?tol asan ka?" pagtatanong ko't sumagot naman siya ng hindi maganda. napabilis bigla ang pagtibok ng puso ko. "jake si jarry! wala na!" pagtutugon niya habang umiiyak..nanlaki ang aking mga mata sa pagkadinig ko nun. akala ko okay na siya. akala ko buhay siya, akala ko nakayanan niya! hindi nakayanan ng puso ko't napatulo ang mga luha. kanina pako iyak ng iyak! kanina pa ako hikbi ng hikbi. kailan ba to matatapos. puteek! pinatayan ko ng tawag si ryan at kumaripas patungo sa loob ng E.R na nasa harapan ko lang. pagbukas na pagbukas ko palang ay wala nang tao, maliban lang sa nakahigang nakatakip na katawan. kinabahan ako lalo't napaiyak. sa unti unti kong paglapit ay nanalangin na sana hindi ito si jarry! na sana hindi ito totoo! sikip na sikip na tong puso ko sa paglapit ko sa katawan niya. hindi ko pa naman ito binuksan kaagad at natatakot akong makita na si jarry ito! sa pag unti unti kong pagbukas ng takip sa mukha'y pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko sabay nananalangin na sana hindi ito si jarry! mas lalong sumisikip ang dibdib ko kapag inunti unti ko pato! hindi na ako nag aalinlangang hablutin ang nakatakip sa katawan ni jarry. bigla nalang akong napaatras nang makita kong siya ang nakahigang walang buhay! "hindi totoo ito, hindi!" pagpapaniwala ko sa sarili't humagolgol sa pag iyak. nagulat ako nang biglang tumunog ang CVR at nagpormang zigzag ang hugis nito't hinawakan ako sa kamay at umupo nang nakatingin sakin ng nakakaawang expression na parang galit. "SANA IKAW NALANG YUNG NAGDURUSA NGAYON AT HINDI AKO.SANA IKAW NALANG ANG NANDITO'T NAGHAHABOL NG BUHAY! SANA IKAW NALANG JAKE. SANA IKAW NALANG!!!" pagsisigaw ni jarry sakin.

"waaahhhhh???" bigla kong tili sabay bangun at naghahabol ng hininga! ang bilis bilis ng tibok ng puso ko! para akong hindi makahinga! nadatnan ko nalang ang aking sarili na basang basa ng pawis! "okay ka lang tol?" pagtatanong ni ryan. tumango tango lang ang ulo ko na nagpapanggap na okay lang. ang sama sama ng panaginip ko. nilingunan ko siya't napaatras ako ulit.bakit si jarry na ang katabi ko? bakit hindi si ryan? nanlaki ang mga mata ko't napaatras sa takot. pinikit ko ang aking mga mata nagbabakasakaling mawala sa paningin ko ang imposibleng mga pangyayari. maya maya narin ay naagaw ang pansin ko nang hinagkan ako ng napakahigpit "MAHAL NA MAHAL KITA" bulong na alam na alam kong boses ni jarry! sa walang pag alinlangan ay lumingon ako sa likod at bigla ko nalang nakita siyang nasa gitna ng kalsada't may paparating na sasakyan! nagulat ako na hindi ko maintindihan!para itong bumalik sa dati noong hindi pa masagasaan si jarry! tumayo ako't kumaripas ng takbo patungo sa kanya!hindi ko nato papalagpasin na iligtas ang mahal ko!na mas gugustuhin ko pang ako nalang ang masasagasaan at hindi siya. "JARRRRRRRYYYYYYYY!" pagsisigaw ko sa kanya. pakiramdam ko na kahit sobrang lakas na ng takbo ko pero mahinang mahina parin ito, na para bang nagiging slow motion. na kahit ano pang pilit mong paglakas ng iyong pagtakbo ay ganun parin. nilingonan niya lang ako't ngumiti't may binulong sa hangin! "I LOVE YOU" at tuluyan nang dumikit ang katawan niya sa tumatakbong sasakyan at wala akong magawa kundi umiyak!!

"JARRRRRRRYYYYYYY!" pagbubungad ko ng salita sa hangin at bumangon sa pagkakahiga! napatulala ako saglit at hindi makapaniwala. sobrang bilis ng pagtibok na puso ko't nadatnan ang sarili na umiiyak at puno ng pawis!talagang habol na habol ko ang hininga ko na para akong galing sa pagtakbo.nilingon lingon ko ang aking paningin! "okay ka lang tol?" pagtatanong ni ryan. tinitigan ko siya ng hindi kaaya ayang expression. "tol? namumutla ka?" pagsasalita ni ryan pero titig na titig parin ako sa kanya. hindi ko alam pero baka hindi na naman ito totoo! inabot sakin ang tubig ni ryan pero hindi ko man lang ito magawang kunin!panaginip parin ba to? hanggang sa naramdaman ko nalang ang paglapat ng baso saking labi't pumasok ang masasarap na tubig. wala akong tinira sa baso ni kahit isang pitik ng tubig ay hindi mo makikita. totoo na pala ito. hindi na ito panaginip. hinagkan ko ng napakahigpit si ryan at humagolgol ulit. ramdam kong hinagud hagud niya ang likod ko't pilit pinapatahan sa pag iyak at paghikbi! hindi ko lubos maisip na kung bakit ako nanaginip ng ganun kasama! na puro pasakit at hirap sa kalooban ko ang nandun! bakit kailangan pang ipaulit ulit ang mga nangyari?inaamin ko naman na kasalanan ko na! na ako na yung mali. na ako na yung nakagawa ng kasalanan!

hindi ko pa tinanggal ang aking pagkakayakap kay ryan at patuloy paring humagolgol sa likod niya. ito na ba yung tinatawag nilang konsensya? ito na ba yung mga sakit na binigay ko kay jarry? ito na ba yun? ayoko ng pakiramdam ng ganito. ayaw ko ng mananatiling ganito. hindi ko na pag aaksayahan ng panahon kapag bibigyan ako ng isang pagkakataon pa ni jarry. "si jarry! si jarry tol! si jarry!" kusang pagbigkas ng aking bibig sa hangin! hagud hagud parin ako ni ryan at wlang tigil sa pagtatahan sakin! pinaharap niya ako sa kanya! tinignan sa mga mata ko na puno ng luha't pagdurusa! "sshhhh!! jake tama na! tama na!"pagtatalak ni ryan sakin. "si jarry! si jarry ray sa panaginip ko. si j---aa--rr--yy" pag iiyak ko sa kanyang harapan na hindi parin ako nakakarecover. "tahan na jake! panaginip lang iyon!panaginip lang iyon!" pagbibigay nya sakin ng tugun na siyang nakapgpapakalma ng kalooban ko. . unti unti narin sumanib ang aking kaluluwa sa katawan ko't napamulat sa katotohanan na panaginip lang pala ang lahat.

"huwag ka ng mag alala jan! dahil buhay na buhay si jarry! tara na't puntahin natin siya sa room niya!"


HE'S INTO HIM 2: LET ME BE THE ONE (BOYxBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon