---JARRY'S POV---
sa pagtanggap ko kay jake ay bumalik sa normal ang lahat. siya ang naging tagsubo ko sa tuwing akoy kakain. siya ang nagpapaihi sakin kapag naiihi ako, siya na lahat lahat at talagang pinapakita niya sakin na binabawi niya ang kanyang lahat na kasalanan. pinapatawa niya rin ako't pinapasaya sa bawat minuto,oras at araw ang dumaan. nagising na rin si mark at si marko naman ang nagbabantay. walang sabunutan at away na nagaganap sa kwarto kundi halos lahat ay pagpapatawad at iyakan. ngayon ko lang naintindihan ang pinsan ko ng ikwento niya sakin about sa kanila ni miko. talagang nanabik lang daw ito't sobrang nangungulila kaya niya nagawang landian at harutin si jake. hindi naman daw niya mahal ang mahal ko, napabigyan lang daw siya ng pagkakataon na parang ibalik ulit ang panahon na magkasama sila ni miko kapag kapiling niya si jake. todo hingi ng tawad si mark sakin at sino ba naman ako para hindi magpapatawad? im not a God and aint perfect. tao lang din naman ako at nagkakasala.
habang tumatagal kaming nagsasama sa isang silid at nagpapagaling ay mas lalong tumitibay ang aming pagkakakilala sa isa't isa. mas lalo kong naintindihan ang mga bagay bagay pero kahit na ganun. ang kasalanan na kanilang ginawa'y tumatak na sa isip at puso ko na kailanma'y hindi ko na makakalimutan.maaaring pinatawad ko na sila pero ang sakit na dulot ng kanilang pagtataksil ay nasa puso ko parin.hindi naman yun madaling mawawala and it takes time to heal it.isinantabi ko muna iyon at pilit na kinakalimutan para sa pagbabagong relation namin ni jake. masaya kaming nagkakainan at nagtatapunan ng salita na masasaya.natahimik lang kami nang makuha ang atensyon namin sa pagsagot ni jake sa tawag. nagpormang balisa't na nakakunoot noo. nakatitig lang ako sa mukha nito na balisang balisa.hinintay ko munang ibaba ni jake ang telepono bago nagsalita. "sino yun?" pagtatanong ko sa kanya. "wa--wa-wala!" pag uutal niya ng sagot. may tinatago na naman ba siya? may iba na naman ba siya? nang init bigla ang ulo ko na kanina kanina lang ay kay saya saya. "JAKE? SINO YUN?" mahinahon na paggalit kong tugon nito. handa akong magparaya kung sa ikakasaya niya. kung talagang hindi na siya masaya sakin. kakabago nga lang niyang tugon sakin na ako at ako lang! baka mauulit na naman ang dati!baka mauulit na naman ang mga sakit na nadatnan ko. lumapit naman siya sakin na balisang balisa ang mukha. "ahmm--kasi-- jarr--ahmmm!" mas lalo akong kinabahan sa dahil hindi niya maiparating sakin ng maayos. ano na naman ba to? "ANO?" pagsisigaw ko na sa dahil hindi na ako makatiis. bwesit kasi na pakiramdam to. ayaw ko lang kasi maulit na naman. ."MAY IBA KA NA NAMAN?SINO YUN?" direkta kong datdat sa kanya. "hindi jar. hindi..ganito kasi iyon jar. may nagtitxt sakin na parang palaging nagmamasid sakin hindi ko naman alam kung sino. nung nasa E.R kapa't nag aagaw buhay ay txt ito ng txt ng hindi maganda!" pagkekwento sakin nijarry at pinabasa ang mga text sakin. medyo nakakapanindig balahibo kung mababasa niyo.nagpormang question mark ang mukha ko!! "huwag mo nalang yan pansinin! baka nagtitrip lang yan sayo!" pagpapagaan ko ng loob ni jake. tumango tango naman siya't binaliwala nalang.
hindi rin kami nagtagal sa hospital at sa awa ng diyos ay gumaling na kami. ganun pa din! bumalik sa dati ang lahat. nagtatrabaho na ako sa resort kasama itong dalawang ungas, si ryan at marko. bumalik ang dating pagtetext namin ni jake, ang aming pagtatawagan at pag chachat sa skype tuwing gabi gabi. umuuwi naman siya dito everyweekends at hindi na niya ako hinahayaang lumusob doon sa mindanao para puntahan siya sa dahil siya na ang pupunta dito sakin. tinuloy ko ang buhay ko ng puno ng sigla't pag asa. kahit anong bisi naming dalawa'y pinaglalaanan namin ng tugon ang aming mga sarili. sa dahil matatapos natong bar at siyempre may grand opening nito. inimbitahan ko si mark na pumunta.talagang sinadya kong sabado ito para makadalo si mark.
hindi na nakaantay ang panahon na dumating ang grand opening ng bar. halos mapuno ng sobra ang bar sa dami ng mga tao. siyempre kasama ko ngayon si jake at paparating na daw dito si mark. lahat ng tao'y nagsasayahan, ang iba nag iinuman at ang iba namay nagsasayawan. alas 9 na noon ng gabi't ang dami dami na ng tao. sina ryan at marko ay bising bisi sa pagmamanage at pagbabantay ng mga trabahante dito. "sobrang dami ng tao babe!" pagsisigaw ni jake sa lakas ng music.napangiti naman ako't lumapit sa may tenga niya. "oo nga! kaya dito kalang wag kang lalayo baka may bibingwit na naman sayo!" pagbibiro kong talak kay jake. napapout naman ito. "sayo lang naman ako magpapabingwit babe!" pagtatalak ni jake sakin. kinilig ba daw ako! matagal tagal din ako hindi nakarinig ng mga pasweet sweet niya. hinalikan ko siya't nilasamlasam ang kanyang matatamis na halik. hindi naman niya tinanggal ito't nanggigil pa nga! "aray!" pag aangal ko. napahawak naman ako sa labi ko na kinagat niya. buti nalang hindi dumugo! "sorry babe! ang sarap lang kasi eeh!!" .tumagal ang aming paglalambingan habang nag iinuman. sana ganito nalang kami palagi. walang problema, walang away at palaging masaya. "i love you!" pagtatalak niya't hinalikan ako sa noo!pinakiramdaman ko naman ito hanggang sa inihiwalay niya. maya maya din ay nagpaalam si jake na iihi daw muna. tinanguhan ko lang ng ulo't kumaripas naman siya patungo doon!! pinasyal pasyal ko nalang ang aking tingin habang wala si jake! bigla ko nalang naramdaman na may dumamping kamay saking braso't tinugunan ko naman ng pansin! "oohh? marko? anong problema?" pagtatanong ko. "si jake nakita kong may kinakasama patungong cr!"nang marinig ko ang datdat ni ryan ay nagbago ang ihip ng hangin! nagbago bigla ang paningin ko't tumaas ang level ng aking dugo. wala na akong daming satsat at tumangong cr na naninikip ang dibdib! puteek! hindi ba siya nadadala! habang patungo ako sa cr ay kung ano ano nalang ang aking iniisip. ang kitid kitid na. naaalala ko na naman yung nakapatong siya kay mark sa apartment niya! pilit ko paring pinapakalma ang aking sarili. na baka haka haka lang yun ni marko! sa pagkakaalam ko'y nagbago na si jake at hinding hindi na niya ako sasaktan.
habang papalapit ng papalapit ako sa loob ng cr ay palakas ng palakas ang pitik ng puso ko. napabuntong hininga ako't dala ng kaba!naramdaman ko ang pag init ng aking katawan at sulok ng aking mga mata na unti unting may namumuong tubig! mas lalo akong kinabahan nang nasa harapan ko na ang pinto ng cr. tinatagan ko ang aking sarili't pinasok ang cr ng walang pag aalinlangan!!nanlaki at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko sa pagkakita kong may kahalikan si jake! "GAGO! KA!" pagsisigaw kong bigla siyang napalingon! dahil sa galit ko'y tinapunan ko sila ng aking telepono't kumaripas ng takbo papalayo! puteek! ito na naman! hindi pa nga ako masyadong nakakamove on sa pangyayari nung nakaraang buwan at ito na naman? tulong tulo't sakit ng dibdib ang nararamdaman ko habang tumatakbo palayo! hanggang sa makarating ako sa labas ng bar at biglang naramdaman ko ang pagtakip ng panyo na may ibang amoy sa may bibig at ilong ko't unti unting nawalan ng malay!. .
"TUUUUULLLLLOOOOOONNNNNNGGGGGG!!"
BINABASA MO ANG
HE'S INTO HIM 2: LET ME BE THE ONE (BOYxBOY)
Romancewill you hold on me still? or letting my hand apart from you. Will you do have the consistency of the thing called love? How long will it be ? Will you cheat? Will you fight for us? Will you fight for me? Will your love be my protection? Or... Will...