---JAKE'S POV---
pagkasabi palang ni ryan sakin ng mga salitang sobrang nagpapagaan saking kalooban ay gusto kong tumakbo at putahan siya agad agad.sinusundan ko lang si ryan kung saan siya tutungo. siya lang din naman ang nakakalam kung nasaan ang room ni jarry. bigla akong napaisip kung bakit ni hindi man lang ako ginising ni ryan. huminto kami sa isang pinto at halatang halata na malaki itong silid. hindi ko na pinatagal at pumasok na kami sa loob. doon ko nakita ang nakahiga nilang katawan. iisang silid lang pala ang pinagpasukan nina mark at jarry. pariho silang nakapikit at sugatan! hindi naman masyadong na damage ang mukha nilang dalawa pero kung ibaba mo ang iyong paningin. doon mo pa makikita ang mga sugat na kay rami rami. hindi ko napigilan ang sarili ko't lumapit sa natutulog na jarry. gusto ko siyang yakapin, halikan,kulitin pero hindi pa pwedi. hindi pa nga niya ako napapatawad! napaupo nalang ako't hawak hawak ang kanyang kamay habang umiiyak. "sorry sa nagawa ko jar. sorry kung humantong pa sa ganitong situation. sorry kung nagdurusa ka sa ginawa kong kasalanan. sana mapapatawad mo pa ako" pagbubulong ko habang umiiyak sa kamay niya. hindi man niya ako maririnig basta maiparating ko lang na nagsisisi ako ng lubusan. iyak ako ng iyak hanggang sa nilapitan ako ni ryan para ipatigil. "jake, tama na! hindi mo na kailangan pang umiyak ng todo basta sa pag gising niya maipadama mo sa kanya na nagsisisi ka! na siya ang mahal mo, na siya ang pinili mo." pagbibigay ng pananalita sakin ni ryan. bakit sa dami dami ko pang pagkakamali bakit ito pa. para narin akong naaksidente kagaya ni jarry.
lumipas ang isang linggo. isang linggo sa pagbabantay ko kay jarry at mark, wala ako masyadong tulog.puyat gabi gabi araw araw para lang mabantayan ko sila. kahit ramdam kong hinang hina na ako'y hindi ko yun pinansin at tinutukan sa pag babantay kay jarry. ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari itong lahat at nagsisisi na ako doon!if i could only turn back time? i will never hurt him. if just i could only adjust the time, if only i could playback the scenario. im so sorry jarry! iyak parin ako ng iyak na hindi makamove on sa pangyayari. araw araw sinisisi ko ang aking sarili sa pangyayari. bigla bigla nalang tumutulo ang luha ko kapag napapaisip ako kay jarry. kung gaano siya katapat magmahal. kung gaano niya ako minahal!samantalang ako? walang ginawa kundi pahirapan at saktan siya. kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya gumigising at patuloy paring lumalaban sa binggit ng kasakitan. "jake? kain ka muna! ilang araw ka na ding kape lang ang laman ng tiyan mo" pagtatalak sakin ni marko. siya muna kasi ang pumalit kay ryan dahil inaalagaan ang resort ni jarry. "umiling iling lang ako't tinanggihan ang pagyayaya ni marko.palagi niya akong pinipilit sa pagkain pero hindi parin ako nadadala, wala parin akong gana!hihintayin ko munang gumising si jarry at sabay na kaming kakain. yumuko nalang ako sa may kamay niya't pumikit.
---JARRY'S POV---
nagising nalang ako na andito na pala sa hospital. akala ko wala na ako, pakiramdam ko lutang na lutang ang katawan ko sa kalawakan, pakiramdam ko hindi ko na makikita ang mga mgulang ko't ang mahal na mahal ko! bigla nalang akong napalingon sa isang kama na halos magkatabi ko na!kahit medyo may hinanakit ako dito sa puso ko ay may awa parin ako para sa pinsan ko. itinaya niya ang buhay niya para sakin. mas ginusto pa niyang mamatay siya kaysa ako dapat. napalingon naman ako sa aking kabila't naidlipan si jake na nakayuko sa kamay ko. ramdam ko parin ang sakit na ginawa niya sakin. napagalaw naman ang kamay ko na siyang nakakuha sa kanyang attensiyon at nagising. sa pagtingin ko palang sa kanyang mukha'y imbis na hablutin ko siya't murahin,paalisin at pagtabuyan ay bigla kong naramdaman ang pagkirot ng aking dibdib . kirot na hindi galit ang namumuo. hindi ko alam kung bakit ako ganito! lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo! napansin ko ang pagdampi ng maiinit na tubig sa pisnge ko galing sa itaas. "jarry? salamat at gising ka na. ano ba pakiramdam mo? masakit ba?"pagtatanong ni jarry habang tulo ng tulo ang kanyang luha. tumingin siya sakin na patuloy paring umiiyak. hindi man lang ko man lang magawang magalit sa kanya.hindi ko man lang magawang ipagtabuyan siya.ganito ba talaga kapag mahal na mahal mo? "jarry. patawarin moko saking nagawa. sana mapapatawad mo pako!" pagmamakaawa niyang tinalikuran ko lang ng ulo. ayaw ko munang magsalita, ayaw ko munang maramdaman ang mga sakit na ginawa niya sakin. "umalis ka muna dito jake! ayaw ko yang pag usapan ngayon."pagtataboy ko sa kanya't bigla kong naramdaman ang pagtulo ng aking mga luha. bakit ang dali dali akong maaapektuhan, bakit ang dali dali kong maiyak? hindi ko kayang tingnan si jake na umiiyak at nagmamakaawa sakin. pakiramdam ko'y isang pagmamakaawa lang niya'y bibigay ako kaagad. sobra lang siguro ko siyang minahal, sobra lang siguro akong naging mabait.
nagpumilit si jake na patawarin ko, hindi lang ako umiimik. wala akong naging reaksyon sa mga salita niya. hindi rin tumagal ay sumuko siya sa paghihingi ng patawad sakin, umalis siya't nagpahangin. "okay lang yan sir! mawawala din yang sakit na nararamdaman mo ngayon" pagyayakap sakin ni marko't pinapahinahon ako sa paghikbi. bakit kahit anong sakit ng iyong pakiramdam kapag ang mahal mo na ang humihingi ng tawad ay ang dali dali mong madala. kahit galit na galit ako noong hindi pa ako naaksidente ay parang unti unti namang nawawala ngayon. "kamusta pala si jake?" pagtatanong ko kay marko't napayuko naman. "okay lang naman siya. kaso nga lang puyat siya sa pagbabantay sayo, hindi siya natutulog halos hindi na nga kumakain eh. kakain lang daw siya pag gising mo!"sa pagkasabi ni marko'y napabuntong hininga ako. nakaramdam ako ng awa. kaya pala ang lamya lamya ng kanyang mga mata, ang itim itim at may eyebags na. kung magaling lang sana ako ngayo'y sinundan ko na siya sa labas. mahal na mahal ko parin yun kahit biniyak niya ang aking tiwala. maya maya'y bumukas ang pinto't pumasok si jake na may dala dalang pagkain at bulaklak.umalis naman din kaagad si marko sa pagkakaupo't pinasingit si jake. "para sayo! sana mapatawad mo pako,naiintindihan ko naman kung hanggang ngayo'y galit ka pa sakin. hindi naman kita masisisi sa dahil kasalanan ko naman, pero jarry! maniwala kaman o hindi. mahal na mahal kita"napatulo na naman tong mga luha ko sa paghihingi niya ng tawad. nilapitan ako ni jake at niyakap. namiss ko siya, na miss ko kaagad tong manlolokong ito. namiss ko agad lahat lahat sa kanya. "matatanggap mo pa kaya ako jar? kahit hindi ka man sumagot ngayon ng oo pero maghihintay at maghihintay ako" pagbubulong niya sa tenga ko.
hindi ko alam kung bakit gumagaan ang aking pakiramdam. na kahit wala pang kasiguraduhan na titino na siya. but for the sake of love! and for the sake of our relationship. handa akong magpatawad at patawarin siya. . sa dahil hindi ko siya mayakap dahil sugat sugat patong kamay at katawan ko. hinayaan ko nalang siyang siya ang yumakap sakin. "kahit sinaktan mo man ako, kahit binayak mo man ang tiwala ko. sana lang maisip mo kung gaano kita kamahal, kahit anong gawin ko, di na maibabalik ang dati, hindi na matatama ang mali kaya nga ginawa ang chance para sa pagbabago!and everyone deserves to have it.kung bibigyan kita na maging akin ka ulit. dapat ako at ako lang" pagtatalak ko sa kanya. bigla bigla naman siyang humarap sakin. "oo. ikaw at ikaw lang jar. bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon. di ko na yun sasayangin pa!" pananalita niya na parang siguradong sigurado. hindi naman siya mukhang nagbibiro sa sinasabi niya. "will you be mine again?" paghahabol niya ng mga salita. .
tumango tango lang ako "OO, JAKE.". . .
BINABASA MO ANG
HE'S INTO HIM 2: LET ME BE THE ONE (BOYxBOY)
Romancewill you hold on me still? or letting my hand apart from you. Will you do have the consistency of the thing called love? How long will it be ? Will you cheat? Will you fight for us? Will you fight for me? Will your love be my protection? Or... Will...