17th CHAPPY [ The Ex-hunger games part 1]

79 5 3
                                    

Ivo's POV

I have her now.

Nasakin na ulit sya.

Ehh ano naman?

So what?----

E.T's POV

Oh ayan, pinutol ko na agad kung ano pa mang walang kwentang bagay ang sasabihin ni Primitivo.

Kunwari na lang, walang nangyare.

At least napagbigyan ang hiling nyo na POV nya diba? psh!

"Lumayo ka nga!" bulyaw ko kay IVO. Ang lawak lawak ng sofa dito sa hide out nila tapos sisiksikin nya ako?

Yeap. Hide out, dinala ako ng apat na kulugo sa lungga nila. Sosyal ah? Bungalow type lang yung tamabayan nila pero homey sya. Kompleto pati sa gamit.

"No need to shout, fck! my ears are gonna fall off! And stop bawling your eyes out! you look like a fuckin retard!"

-____- sinong retard?! sya kaya ang retarded! Masama umiyak?! ikaw kaya lokohin ng kaibigan mo at ipusta ng walanghiyang fake boyfriend mo?!

"You can't tell me what to do." i said through gritted teeth. "You dont fucking care!" I know Im being harsh and all pero bakit ba? bitter pa rin ako sa rejection ko from him eh.

Natahimik naman si IVO at nag iwas ng tingin dahil sa sinabi ko.

"Bakla! juice ko naman. Tantanan mo na ang pagluha. Grabe naman pala yang Kath at Daniel na yan eh" Cia. Kanina habang umiiyak ako ay ikinwento ko sa kanya yung nangyari. Ang tanga kase, pahulihin. Nakipag chikahan pa daw sya dun sa guy na katabi nya. Kilig na kilig nga daw sya nung nag uusap sila eh. Destiny daw. Lakas maka destiny ai! Bagay na bagay daw sila tapos nung dumaan sa harap nila yung isang gwapo ay bigla daw tumili yung kausap nya.

Mas bading pa pala sa kanya (_ͺ_ )

Hay naku, minsan talaga hindi mo na alam kung sino sa mga tao ang totoo ang kasarian.

"I can't believe this. I trusted them!" maktol ko habang nagpupunas ng luha.. naiiyak ako dahil sa inis. Naramdaman nyo na yun? yung inis na inis ka tapos wala ka namang nagawa para maalis ang inis mo. At dahil dun napapaiyak ka na lang.

"Tsk! sino ba naman kase nagsabi sayo na syotain mo yung totoy na yun? tingnan mo tuloy ang ginawa sayo. Bata pa yun E.T kaya ganun mag isip." sinamaan ko ng tingin si Travis. At anong gusto nyang palabasin?!

"Are you blaming me for this?" naniningkit ang mga matang tanong ko. Bata, bata (-3-) isang taon lang tanda ko dun eh!

Mukha syang kinabahan at mabilis na nagtago sa likod ni Brandon.

I heave a heavy sigh. Feeling ko lahat ng malalapit sakin ay tinatraydor ako. First yung kay Aria, even though, act nya lang yun to protect me, then si IVO, f*ck! he rejected me. And lastly si Daniel at Kathryn. May susunod pa ba?

Hinawakan ko ng mahigpit si Cia sa kanyang braso. Nagulat naman daw ito sa ginawa ko.

"b-bakit bakla?" nginig nitong tanong.

Mas sinamaan ko pa lalo ang tingin ko sa kanya.

"Pag ikaw tinraydor ako, ipapa-assasinate kita. kuha mo?!"

Napanganga si Cia at tigagal na napatitig sakin. Aba! at balak nga yata akong traydurin!

"Charrengg!!" sabay tawa ni bakla.

-____- mabuti naman kung ganun.

"E.T anong plano nyo sa Monday?" tanong sakin ni Lance.

-_____- ano bang meron sa lunes?

He's a cuss machine and I love him.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon