Kath's POV
"Bakit hindi mo sinabi sakin?! Kathy ano na naman ba to?!" sigaw sakin ni Dj.
Andito kami ngayon sa living room ng bahay. Wala sina mama at papa, nasa office pa. Lawyer pareho ang parents ko eh.
Inihatid ako ni Dj pauwi. As usual.
"Kathryn Mikaela Bernardo! Sumagot ka!"
Sinisigawan na naman nya ako. Pagdating talaga kay Queen wala na talaga syang pag asa.
Ngayon ko lang kasi nasabi sa kanya na nagsabunutan si Queen at si Ms. Yvette.
Nag release muna ako ng hangin na pumuno sa baga ko.
"Dj, ayaw kong mag alala ka sa kanya kaya---"
"Shit naman kathy! Alam mo naman na mahal ko si E.T diba?! Kaya kahit anong mangyari mag aalala ako sa kanya!"
Para akong sinampal...
Ang sakit para sakin ng sinabi nya...
Naka awang yung mga labi nya, siguro ay nabigla din sya sa sinabi nya. Lumapit ako sa kanya na punong puno ng hinanakit ang mga mata ko.
Bago pa sya maka react ay dumapo na ang palad ko sa kaliwang pisngi nya. Napapaling yung mukha nya sa kanan dahil sa lakas ng sampal ko..
"Mas masakit pa dyan ang sinabi mo DJ! Sabi mo sakin! Ako na ang mahal mo! Sabi mo! Sabi mo.."
*sobs*
Hindi ko na napigilan ang pagpulas ng luha mula sa mga mata ko. All along, naniwala ako na ako ulit ang mahal nya...
"K-Kathy..." napailing ako nung banggitin nya ang pangalan ko...
It just sound so good...
"I-I was blinded by love... I was blinded by you.. H-How can you..
*huk!* d-do this to m-me? Sabagay, *huk!* ano nga n-naman bang panama ko kay Q-Queen?" putol putol kong sabi habang patuloy na umiiyak.
Galit na nga sakin si Queen dahil sa pagtatakip ko sa ginawa ni DJ pero bakit? bakit nagawa nya akong ganituhin?
"I-Im sorry.... Si E.T... sya talaga ang laman nito eh." itinuro nito ang tapat ng sariling dibdib.
Lalo pa akong naiyak dahil sa sinabi nya.. I'm hopeless.
Laglag balikat ko syang tinalikuran.
At nakayuko akong naglakad papunta sa hagdan.
"Umuwi ka na DJ... bye."
Magkukulong na lang ako sa kwarto ko.
"Kathy Im so sorry." malungkot ang boses nya. Hindi ako humarap sa kanya. Maya maya pa ay narinig ko ang tunog ng pagbukas at pagsara ng pinto.
Yun ang naging mitsa ng panglalambot ng katawan ko.
"Ahhh... Im so stupid..." umiiyak kong sabi sa sarili ko habang nakahawak sa tapat ng puso ko.
My heart's breaking into pieces.
Nahihirapan akong huminga...
"Hah!" isang malakas na paghinga ang pinakawalan ko dahil sobrang nagsisikip na ang dibdib ko. Napasalampak ako sa sahig dahil sa sobrang panglalambot ko.
Mabilis kong kinapkap yung cellphone ko sa loob ng bag ko. Hirap na hirap na akong huminga bago ko pa makuha yung cellphone ko. Tinawagan ko si Dj...
Shit! Kina cancel nya! Napahiga na ako sa carpeted na sahig ng bahay.
Ang hirap hirap huminga...
BINABASA MO ANG
He's a cuss machine and I love him.
Teen FictionCuss dito, cuss doon.. sh*t dito, fck doon.. alak dito, rambol doon Yan ang daily routine ng isang cuss machine na makikilala ng isang mahinhin na babae na hindi marunong magcuss ngunit ang pangalan ay opposite ng ugali nya. Anong klaseng gulo ang m...