Chapter 1:
( Lexa's POV )
"All I can say is WOW!" napanganga na lang ako sa school na papasukan ko.
My gawwwdd!! I can't believe this, dati naririnig-rinig ko lang tong Ausburn and now dito na ko mag-aaral.
But I know that dad has a plan.
Gusto kasi niyang bumalik ako sa pagju-Judo ko, he was hoping na babalik ako sa pagju-judo kaya't ini-enroll niya ako dito kung saan grumaduate si kuya Shaw, where he is the former Captain of judo team.
Akala ko sumuko na talaga sila dad pero hindi pa pala, gusto talaga nilang maging katulad ko sila that's why they enrolled me here.
Pero helloo?? Judo is not for me, I'm sorry dad pero hindi ako sasali sa Judo Club, ayoko talaga.
Front Building pa lang ng Ausburn University napakalaki na, paano pa kaya sa loob nito.
Ang sososyal talaga siguro lahat ng mga nag-aaral dito, kaya pala palaging ipinagmamalaki sa akin ito ni kuya. Nagmumukha na tuloy akong ewan sa sobrang pagka-amaze ko -__-
Mas lalo akong napahanga sa ganda at laki nito when I stepped out in our car.
Hinatid ako ni dad kahit na I can drive naman, tinulungan niya akong ibaba ang mga maleta ko.
Seems like he's much more excited more than me. Parehong pareho sila ng reaksyon ni kuya, gusto ngang sumama maghatid kung wala lang siyang important meeting.
Si mom naman busy din so it ended up with me and dad. Mukhang gusto na yata nitong wag na akong bumalik ng bahay, ipa-empake ba naman halos lahat ng damit ko sa bahay.
Pati si kuya ganun din nagbigay pa ng remembrance. Para naman matagal akong mawawala eh uuwi din naman ako tuwing weekends. Haaay! Talaga naman. >__<
"Bye baby girl. Be a good girl, behave hah." Then he kissed me on my cheek.
"Daddy naman! Para namang manlalapa ako ng mga students sa loob at tsaka isa pa I'm not a baby anymore -___-"
"I'm just making sure. Knowing sa mga ginawa mo sa mga schoolmates mong lalaki nuon." he laughed.
"O sige na, I'll have to go. Have fun with your new school." Kumaway pa si dad bago sumakay sa kotse at umalis. Haaay.. si daddy talaga.
Binuhat ko na ang mga maleta ko papuntang entrance gate.
Nakangiting sinalubong ako ng guard kaya't binati ko agad ito.
"Good morning kuya guard!" masayang bati ko dito.
"Good morning din po mam." Nakangiti pa din ito. Mukhang mababait ang mga tao dito at friendly.
"Ahmm.. saan po ba ang Head Master's Office dito?" tanong ko.
"Bago po kayo dito mam?" ay! Si kuya! Mabait pa naman shungabels lang! malamang bago ko dito kaya nga tinatanong ko kung saan ang office eh!
"Ahhh.... Opo, bago po ako." Syempre alangan namang yun ang isagot ko. Eh newbie lang ako noh! Baka nasa gate pa lang ako palayasin na nila ko agad. -__-
"dito po mam, sa building na ito, dire-diretsuhin niyo lang po tapos sa unang likuan kumaliwa po kayo may makikita napo kayo dung malaking kwarto, yun napo yung office ni sir."
"ahhh.. salamat po." Binitbit ko na ulit yung bag ko papuntang Dean's office.
Kanina pa ko naglalakad at sobrang nabibigatan na ako sa bag ko.
BINABASA MO ANG
Ausburn University
Teen FictionGusto mo bang makilala bilang isa sa mga Idols, School Crushes, Bratinellas, chicks, heartthrobs ? o gusto mong mapabilang sa mga Varsities, sa student council at sa mga top-notchers? ENROLL NA ! but wait ! there's more ! only the ELITES, th...