Chapter 1

77 2 2
                                    

#thebeginning. Support me until the end! Thank you!
-Winx
__________________________________

"Genafe Alarcon anak,bumaba ka na dito mag-aalmusal na tayo!Baka mahuli ka sa klase mo!" Narinig ko ang buong pangalan ko na sinasambit no mama. Sa tuwing ganyan siya,alam kong galit na talaga siya. Kanina pa kasi ako nandito sa kwarto't nagbibihis.

"Opo baba na ! " sambit ko pabalik.Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ako bumaba.

Agad kong na amoy ang luto ni mama.Pagdating ko sa hapag ay kumakain na sila.Simula ng pumunta si papa sa heaven si mama na ang nagtaguyod sa amin.Madaming sakripisyo ang ginawa ni mama mabuhay lang kami. Ang mga savings ni papa ay naubos na lahat dahil ipinambayad sa naiwang utang ni papa pati na rin sa pampalibing niya. Si mama ay nagtratrabaho sa isang kompanya na siyang bumubuhay sa amin . Swerte ako na nag-aaral sa isang university. Pinuntahan ko sila agad.

"Good morning!" Hindi nila ako napansin kasi busy ang lahat.
Ang kapatid kong si Gabriel ay busy sa kinakain habang ang bunsong si Graciel naman ay Hindi na makilala ang itsura dahil sa nagkalat na ketchup sa mukha.

"Naku ikaw bata ka ang kalat mo talaga kumain." Sambit ni mama habang pinupunasan ang bibig at mukha ni Graciel.

"Sorry po ma ansharap po kashi ng luto niyo po eh."hirap na sabi niya habang may laman pa ang bibig.

" Binobola mo naman si nanay. Bilisan n'yo yan at baka ma late kayo sa school." Binilisan ko na ang pagkain at umalis na para pumasok.

Nauna na akong umalis dahil late na ako. Eight ang pasok ko pero dumating ako ng eight twenty! Oh diba ang aga ko? Binilisan ko na lang ang pagtakbo para makaabot ako.Pagdating ko,sakto namang pagdating ng prof, muntikan na akong malate.Nakahinga na ako ng maluwag.Umupo kaagad sa upuan ako.

"Uy ba't late ka? Late ka na namang nagising 'no?" Bulong sa akin ng kaibigan ko.She's Jelyn Mae Reyes and now she's interrogating me as if I have a sin.Naks maka-english.

"You know traffic." Napakamot ako sa ulo ko.

"Ang sabihin mo ang bagal mo lang kumilos kaya ka nala-late."Yun lang ang tanging sagot niya.Agad namang nabaling ang atensyon namin ng magsimula na si ma'am mag-discuss. I'm taking up BS Accounting . 'Di kung anong pumasok sa utak kong kunin ang course na yan.Mabuti na lang at pinayagan ako ni mama.

Agad namang natapos ang klase ko this morning at lunch na nagkayayaan na pumunta sa canteen.

"Hoy Christine Joy Delos Santos ang bagal mo po kumilos wala na bang itatagal 'yan?" Inip na inip na sambit ni Jelyn.kasalukuyan kasi itong nag-aayos ng gamit niya well exactly mabagal talga siya.

"Oo na 'wag high blood ingatan ang puso." Kaagad din kaming pumunta sa canteen.Umorder sila ng kanin at ulam.Inilabas ko ang baon ko sa bag.Nagbabaon ako para makatipid mahirap ang buhay ngayon.Sila na ang kasa-kasama ko Simula high school hindi na kami mapaghiwalay. Were more like sisters not by blood but by heart. Wala kami ng sikreto na kahit kailan hindi sinasabi sa isa't-isa.

Nang tapos na kaming kumain pumunta na kami sa susunod naming subject.

Sa pagmamadali na hindi malate Hindi ko napansin ang dinararaanan kaya nauntog ako sa pader.Ah tao?

"Aw!" Sapo ko sa noo ko. Agad akong mapatingin sa nabangga ko mag so sorry na sana ako kaso bigla akong natameme.Wait.Nasa langit na ba ako para makakita ng isang anghel? I just saw a tall boy with messy hair pero kahit magulo ito ,hindi parin nawawala ang kagwapuhan nito ang mga mata niyang color brown at makinis niyang mukha na akalain mong nagpabelo ang manipis at mapula niyang labi,at ang katamtamang laki ng katawan niya ay nagpadagdag sa kakisigan niya.Bagay sa kanya ang unipormeng light blue polo and dark blue pants.As in WOW. I can't even explain myself right now.

"Done checking me out miss?" Then he smirk. What the--yabang! "Sa susunod tumingin ka sa dinararaanan mo." Napailiing siya.

"A-ahh. S-sorry Hindi k-ko sinasadya sige aalis na ako." Nag-iinit ang pisnge ko.Napahiya ako dun ah. Napayuko na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa class ko. Arrghh Genafe!
__________________________________

Alam ko lame. Sabaw.What do you think? :)

Bawi me next update...

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon